No Time To Lose : Shindou

153 11 0
                                    

"No Time To Lose"
-Oneshot

Shindou POV

"Wow ang galing mo talaga shindou!"

Nasanay ako na lagi akong binabati. Na laging kino compliment. Pero pinabayaan ko lang ito.

"Mukang hindi ka na pala sumasali sa mga contest Shindou.." napangiti lang ako ng mapait.

Wala na akong gana sumali. Nakakasawa na.

"Marami pa namang naghihintay sayo. Inaabangan ka nila"

Natawa ako ng bahagya. Oo. Maraming may kilala sa akin. Pero.. wala talaga ako sa mood eh.

Hinayaan ko ang mga bagay. Hindi binigyan ng halaga. Hindi binigyan ng pansin.

Maraming nagtatanong tungkol sa akin. Mga supporters ko. Mga kaibigan. Dumating sa punto na. Ayoko ng maging ako. Gunawa ako ng panibagong landas. Landas malayo sa dating ako. Naging ok naman ang lahat.  Pero ng gustuhin ko ng bumalik..

"Hi!" Sambit ko

"Uh? Sino sya?"

Ang minsang lugar na hinahanap ako. Ang minsang lugar na inaabangan ang pagbabalik ko. Iba na. Hindi na gaya ng dati.

Hindi na nila ako naaalala.

Hindi na nila ako kilala.

Sinimulan kong gawin muli ang dati kong ginagawa pero. Wala. Hindi na gaya ng dati. Ang simpleng gawa ko noon ay nabibigyan ng pansin. Pero ang bagay na pinaghirapan ko. Ni langaw walanv atim tignan.

Bakit nagkaganito. Anong nangyari? Hindi naman ganito dati ah

'Lahat nagbabago'

Dati.. puro compliments ang naririnig ko...

'Hindi lahat nananatili'

Kilalang kilala ako noon. Hinihintay ang pagbabalik!

'Lahat nakakalimot'

Hindi! Mali! Hindi ito maaari... hindi!!

'Lahat nawawala.. hindi panghabang buhay'

Ibalik nyo ko sa dati! Yung dating masaya pa ang lahat!

'Umalis ka hindi ba?'

Binaliwala ko sila noon...

'Sa tingin mo may babalikan ka pa? '

Heto ang kinalabasan ngayon.

Aral: Kung anong meron ka. Pahalagahan mo. Yan ang bagay na di mo pagsisisihan sa huli.

@Neechan

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now