°• One Rice Bowl •°

57 5 0
                                    

°• One Rice Bowl •°
-Midoshiki Oneshot

"Hmm sarap! Ang sarap sarap talaga ng luto ng asawa ko..."  sambit ko sabay kain ng inihanda nyang pagkain..

"Hay nako ryouma tigil tigilan mo nga ako.. kanin palang kinakain mo masarap na? Tikman mo tong ulam..." natatawang sabi ni midori.

"Seto.. sa sobrang sarap ng pagkain na gawa mo.. kahit kanin palang masarap na.. baka pag kinain ko yung ulam malimutan ko pangalan ko sa sarap!" Natatawa na ngayon ang asawa ko.

Paano.. lagi kaming ganito kapag kumakain.. naglalambingan nag kukulitan..

"Hay nako ryouma.. kumain ka nalang" sambit nito.  Ngumanga ako

"Ahh~" habang nakapikit hinihintay ko ang pagkain na isusubo nya.

Hindi ako nabigo. Nilagyan nya ako nga...

"Sili!!! Ahh!!" Gulat na sigaw ko ng maramdaman ang init at anghang sa loob ng bibig ko.

"Wahh sorry.. eto tubig hala" natataranta nyang sabi..

Iaabot na nya ang tubig . Lumapit ako at idinikit ang labi ko sa kanyang labi. Nagulat sya. Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ayan.. hindi na maanghang.. ang tamis kasi ng labi mo.." ilang segundong natulala si midori.. at ng matauhan.. ay kinuyog ako ng hampas dahil sa kilig.

"Kumain na tayo.. hhahah sigi na.. sorry na.  Oh eto oh.  Ahh~"

"Hmmp ryouma talaga!"

**
"Ang konti naman ng kanin mo.. isang cup lang.. hay.. mamamayat ka nyan.."

"Ayoko kumain.."

**
Seto... kumain ka naman.. isang kutsara lang.. wala pang laman ang tyan mo..."

"Ayaw..."
**

"Seto.... hay.. midori wag pasaway"

**
"Seto.. hindi mo na naman ginalaw yung pagkain mo... lagi ka nalang ganyan.. "

"Kuya.. tama na. Wala na si ate.. hindi na nya yan makakain.."  hindi ko pinansin ang sinabi ng kapatid ko. Umalis nalang ito.

"Midori.. kumain ka naman.. hindi ba masarap ang luto ko? Please naman oh..."

'Ryouma.. masarap.. sa sobrang sarap.. gusto kong mabuhay ulit para lang saluhan ka...'

"Midori... miss na kita... miss na miss na kita.. sobra..."

'Miss na miss na rin kita.. ryouma mahal ko..."

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now