Kabanata 5: Rowena Dela Fuentes

1.3K 58 4
                                    

[Kabanata 5: Señorita Rowena Dela Fuentes]

*****

"Oh inumin mo 'yan lahat."- napatingin ako sa isang basong may laman na tubig na nilapag sa harap ko ni nanay.

"Wala po bang kape?"

"Celi huwag kang panay kape, kaya ka nababangungot dyan eh."

Tsk. Naalala ko na naman yung panaginip ko, a-anong kinalaman ng libro na 'yon sa mahiwagang panaginip ko? A-And si Padre Lino, sa tingin ko may alam siya sa nangyayari sa akin.

"Uminom kana at kumain, mahuhuli ka na sa klase mo."- pagkasabi nun ni nanay tumayo sya at kinuha ang basket nya.

"Pupunta na akong palengke, isara mo ng mabuti ang bahay bago ka umalis."

"Opo."

Then umalis na siya. Napahinga ako ng malalim sabay sandal sa upuan, para akong mababaliw na ewan. May kakaiba na talaga, hindi talaga siya ordinaryong mahiwagang panaginip lang. Tsk may kakaiba talaga!

Kinuha ko yung isang basong may laman na tubig at agad na ininom 'yon, pero muntik ko ng maibuga sa nakita ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay ng pagkabog ng mabilis ng dibdib ko.

T-Teka ..

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko habang nakatingin sa libro na nasa ibabaw ng kama ko.

Teka! p-paanong nangyaring naisama ko ang libro na binigay sa akin ni Padre Lino dito sa kasalukuyan?!

W-What the?!

Agad kong kinuha yung libro at agad kong itinapon sa basurahan.

___________________________


"Huy girl tulala ka na naman dyan."- natuahan ako nang tumapat sa akin si Fred, nandito pala kami ngayon sa library para mag-review pero sabi nga ni Fred, nakatulala na naman ako. Hays

"Ano? kumusta ang pagre-review?"

"Okay lang naman."- then kinuha ko ulit notebook ko at nagsulat.

"Halatang wala ka sa mood bakla. Why? may nangyari na naman ba sa inyo?"

"Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko."

"Hay nako bakla ka, ay madam may tissue ka ba dyan?"

"Check ko."- kinuha ko yung bag ko para icheck kung may tissue, pero napatigil ako bigla.

Y-Yung libro ..

N-Nandito yung libro na itinapon ko kanina sa basurahan.

P-Paano na naman nangyari na napunta sa bag ko 'to?! Tsk!

"Huy madam ayos ka lang ba dyan ha?"

Kinuha ko yung libro at agad na inilapag sa lamesa.

"Ay shala, ano 'yan?"- wala namang sabi sabi na kinuha agad ni Fred yung libro at agad nyang binuklat.

"Ano 'to bakla? Diary mo?"- he laugh

Huh?

"H-Hindi no."

"Eh ano 'to? Anong klaseng book 'to at wala namang sulat."

Nagulat ako sa sinabi nya kaya agad kong kinuha sa kanya yung libro. Pero laking pagtataka ko dahil nandito pa rin naman yung mga nabasa ko kahapon.

Pero mas nagulat pa ako dahil hindi lang 'yon ang nakasulat dito sa libro.

Nagkaroon ng Pahina Uno hanggang Pahina Kwatro ang nakalagay. Para siyang kwento na isinulat sa libro.

Sa PanaginipWhere stories live. Discover now