[Kabanata 13: Pag-buo ng Rebelyon]
*****
Nasa isang sasakyan kami ngayon ng mga Americanong sundalo. Halos lahat isinama nila kaya sobrang dami namin.Habang nasa biyahe hindi ko rin makalimutan ang mga nakita ko kanina kay Martin.
Mamamatay si Don Enrique? At siya ang makakapatay? Si Martin ang makakapatay sa ama ni Carlos? Pero sa anong dahilan?
Tsk!
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang stress.
"What are you doing?"
Napatigil naman ako at napatingin sa kaharap kong sundalo. Tsh!
"Just don't mind me."
Nagulat ako nang bigla nyang itinutok ang baril nya sa akin.
"Luh?"- napasambit ko
"Wala kang galang."- sambit nya, marunong magtagalog?
"S-Sorry, ang kati kasi ng ulo ko."- sabay kamot ko kunwari. Hays!
Hindi na siya nagsalita at umiwas na ng tingin. Napahinga ako ng malalim.
"Ija mag-iingat ka."- mahinang sambit sa akin ni Aling Nelia
"Wala naman po akong ginagawang masama."- mahinang reklamo ko pa
"Maliit na bagay ngunit para sa mga Americano ay napakalaki nito. Kung gugustuhin nilang paslangin ka gagawin nila 'yon ng walang pag-aalangan."
Napalunok ako at halos kumabog ng malakas ang dibdib ko. Grabe! Ganun ba talaga ang mangyayari? Dyusmiyo!
Maya-maya nakababa na kaming lahat mula sa sasakyan. Pinagmasdan ko ang lugar, hindi pamilyar sa akin at mukhang malayo na 'to sa Bayan ng Tayabas.
"Simula ngayong araw dito na kayo magmimina ng mga ginto. Ang sabi ng namumuno sa lugar na 'to maraming ginto ang nakapalibot dito kung kaya't aasahan ko na marami kayong maibibigay sa akin bago matapos ang bawat araw. Naiintindihan ninyo?!"- sambit ni General
Napalunok ako, naalala ko bigla yung nangyari kahapon. Paano nalang talaga kung hindi kami tinulungan ni Martin? Edi tsugi na ako?
"Masusunod po , General."- sagot ng lahat
Napayuko ako at huminga ng malalim. Hays! Kailan ba ako magigising mula sa panaginip na 'to?
"Ikaw, sumama ka sa akin!"
Napaangat ang ulo ko at nagtaka dahil nasa harapan ko mismo si General at ilan pang mga sundalo.
"H-Ha? Ako?"
Hindi nagsalita si General, sinenyasan nya ang mga tao nya at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.
"T-Teka saan nyo ko dadalhin?!"
"Mas mabuting manahimik ka nalang!"- sambit ng isang sundalong may hawak sa akin
Tumingin ako kay Aling Nelia, nakayuko lang siya at halatang natatakot ito.
Kahit ayokong sumama pilit nila akong hinila. Nagtama pa ang mga mata namin ni Martin.
M-Martin .. please, ikaw ang tumulong sa akin kahapon kaya alam kong tutulungan mo pa rin ako. Sambit ko 'yan sa isip ko habang nakatingin kay Martin.
_______________________________
Dinala nila ako dito sa maliit na kubo , medyo malayo ito sa lugar na binabaan namin kanina.
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip
Historical FictionLunar Trilogy: Unang Serye - "Sa Panaginip" Maria Celi Legazpi dreams of becoming a professional writer one day. She was able to write down her wishes that contradicted the life she was living with her mother. She asked for it accidentally under the...