Kabanata 21: Ang Kwento Sa Panaginip

877 33 9
                                    

[Kabanata 21: Ang Kwento Sa Panaginip]




"Bakit ka umiiyak? Bakit mo binabanggit ang pangalan ni Martin?"- pag aalalang tanong ni Carlos

Tumingin ako sa buong paligid at sa suot ni Martin. Ang paligid na nakita ko, d-dito 'yon nangyari, i-ibig sabihin mangyayari na 'yon sa mga susunod na araw habang nandidito kami???

"M-May mangyayari, Carlos. Nakita ko, n-nakita ko yung mangyayari."- nanginginig na sambit ko sa kanya.

"Hindi kita maintindihan, ano ang mangyayari??"

Sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko, tumayo ako at lumapit kay Martin.

"Celi?"- tanong ni Rosario

"M-Martin umalis tayo dito. May mangyayaring hindi maganda sa lugar na 'to."- sambit ko sa kanya

Nagkatinginan silang lahat na bakas na nagtataka sa mga sinasabi ko.

"Nasa tago tayong lugar, Celi. Kung naiisip mong mahahanap tayo ng kalaban, hinding-hindi 'yon mangyayari."

Napailing-iling ako at hindi na mapigilan ang mga luha ko.

"Hindi mo ko mainitindihan, Martin. Martin nakikita ko ang lahat, si P-Papa! Papatayin nila si Papa. K-Kasunod nun nakita ko na isusunod ka nila."

"Celi."- pagpipigil sa akin ni Carlos, hinawakan nya ang braso ko.

"Nababaliw na siya, Martin."- sambit ni Rosario

"Hindi ako nababaliw!"

"Talagang nababaliw ka na, Celi!"- sigaw ni Rowena

Tinignan ko lang silang lahat at hindi na ako nagsalita. Agad akong tumakbo palayo sa kasiyahan.

"Celi!"

Pumunta sa harapan ko si Carlos.

"Ano bang nangyayari sa'yo? May sakit ka ba? May karamdaman ka ba?"

Napaseryoso ako ng tingin sa kanya.

"Pati ba naman ikaw pinag-iisipan na nawawala ako sa tamang pag-iisip?!"

"Hindi sa ganun, Celi. Iniisip ko lamang ang 'yong karamdaman. Pwede kitang tulungan, Celi."

"Totoo ang sinasabi ko, Carlos! P-Pero sana nga, sana nga nababaliw nalang ako! Sana nababaliw nalang ako para hindi mawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay!"- pagkasabi ko nun tinulak ko siya palayo sa akin, tumakbo ako nang tumakbo.

Sinisigaw ni Carlos ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya pinansin pang muli.

Takbo ako nang takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang may ilog na lugar. Umupo ako sa likod ng malaking bato at naiyak ng mag-isa.

Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay Don Bergillo.

"P-Papa .."- naiiyak kong sambit.

Hindi ko makalimutan na nakita ko ang ulo nya na wala ng buhay. S-Sobrang sakit! Ano ang kailangan kong gawin para hindi mangyari ang bagay na 'yon???

Napatigil naman ako bigla at marahan na napatayo nang makita ko bigla si Padre Lino na naglalakad at papalapit sa akin. Nakaputi syang tuxido at may hawak itong baston.

"P-Padre Lino?"

"Kumusta, Celi?"

Napapalunok ako. Kinukutuban ako ngayon dahil may alam siya sa mga nakikita ko. May kutob din akong alam nyang nasa loob lamang ako ng isang panaginip, dahil siya ang nag-bigay sa akin ng libro na 'yon. Ang libro na may binubuong kwento.

Sa PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon