{3}

420 22 1
                                    

-----------------
Continuation...

"Ang sakit na sa tuwing iniiwan mo ako pero makikipagbarkada ka lang pala.Axel,sino ba talaga ako sa buhay mo?Ang raming tanong sa utak ko.Hindi ko matanong sa iyo dahil baka hindi mo rin masasagot" di ko na alam ang gagawin ko.

"Anong tanong ba?"cool lang ah.Wala ka talagang pake sa akin.

"Mahal mo ba ako?Mahal mo ba talaga ako?" tinignan ko ng deretso ang mata niya pero iniwas niya ito.

"Oo" maiksing sabi niya.

"Patunayan mo nga sa akin ngayon"

"Paano ko papatunayan?"

"Halikan mo ako" seryosong saad ko.

"Halikan?Public?"

"Di mo magawa?Tumalikod ka at tapos na tayo.Ok lang naman kung ganun" normal na sabi ko.

Tinitigan niya naman ako.

"O ako nalang ang tatalikod?Hahaha.Nahiya ka pa.Be happy with Fea.Alam kong siya ang totoo mong mahal.Hindi mo masabi kasi duwag ka.Napakaduwag mo na sabihing nagta-timer ka sa aming mag EX-BESTFRIEND.Pero feeling ko,siya yung kabit".

" Sorry kasi minahal kita ng totoo.Sorry sa mga nasayang na oras mo para sa akin.Pero thank you kasi namulat ako sa katotohanan na isa kang walang kwentang tao,na sarili lang ang iniisip.Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin". Tsk.Lumapit naman ako kay Fea na ngayon ay ngingiti-ngiti sa kawalan.

"Salamat sa pang-aagaw" sabi ko bago tumalikod.

Darating ang araw na pagsisisihan niyo ito.

★THE MAJESTY:MAFIA GANGSTER★(COMPLETED)Where stories live. Discover now