{5}

355 22 0
                                    

----------------
XEN'S POV

Hinhingal-hingal ako habang tumatakbo pabalik sa cafeteria.

"OMG XEENNN" tumakbo si Des papunta sa akin at yinakap ako.

"Ayos ka lang?" pagtatanong ko dahil may sugat sa leeg niya pero kunti lang.

"Ayos lang ako.Salamat sa Diyos at walang masamang nangyari sa'yo.Kanina ka pa namin hinahanap.Tumawag pa ako ng police,mahanap ka lang" luh,umiiyak na ata.

Pinahiwalay ko siya sa akin at tinignan ko siya.Tinuktukan ko naman ng mahina ang ulo niya.

"Gaga ka talaga.Bakit ka tumawag ng police?Eh hinahanap rin kita kanina pa.Pumunta pa ako sa school natin kaya natagalan ako" hinila ko siya at pumunta sa harap ng cafeteria kung saan nandoon ang dalawang police mobile.Naku.

Linapitan ko ang chief ng pulisya na agad namang nakuha ang atensyon niya.

"Chief.Ako po yung nareport na nawawala pero napagkamalan lang po.Pakisabing bumalik po yung mga kasama ninyo at may iimbestigahan kayo dito" kahit nagtataka siya ay tinawagan niya ang mga kasamahan niya upang bumalik.

"Sino ba ang iimbestigahan,iha?" kasalukuyan kaming nakaupo sa loob ng cafeteria habang tahimik naman ang nasa tabi kong si Des na ginagamot ng isang crew dito sa cafeteria dahil sa sugat niya.First aid kumbaga.

"Siya po" habang itinuro ko si Des.Tumingin naman ang pulisya sa kanya.

"Ano ang nagyari sa iyo,iha?"~Chief

Tinignan niya ako.Ngumiti lang ako at nag-thumbs up.

"May imineet up po ako dito kanina.Siya po →tinuro ako← ay nandoon →itinuro ang kinauupuan ko kanina←" ~Des

"Maaari mo bang sabihin kong sino ang mineet up mo kanina?" tumango naman si Des.

"Si Freo po.Freo Hernandez.Kasama niya po ang pinsan niyang si Quatro Jacob" EH?SILA PALA YUN?

"Tapos?Anong sunod na nangyari?" ~Chief

"May pumasok pong lalaki tapos pumunta sa table ni Xen.Nakipag-usap ata.Tapos nun,may nagsabing crew na may naghahanap raw sa akin sa labas kaya nagtaka ako kung bakit di nalang pumasok pero di ko na tinanong at lumabas nalang ako"

"Paglabas ko may nakaitim na nakatalikod sa akin kaya kinalabit ko siya kasi siya lang ang tao nun diyan sa labas.Bigla niya po along binuhat na parang sako kaya nagpumiglas ako.Eksaktong tumingin dito si Quatro at nakita ni mamang itim kaya tumakbo siya.Hinabol naman po naman nila kami nina Freo".

"Nagtaka po ako sa nangyari.Pagdating namin sa parking lot ay ibinaba niya po ako at sinabing tumakbo na ako at baka makita pa niya daw ako.Pero may babaeng sumulpot sa likuran niya at inespadahan niya po yung....ulo niya.Sasaksakin niya na dapat ako ng may humila sa akin,sina Freo at itinakbo ako pero naabot ng dulo ng espada niya ang leeg ko kaya ako nagkasugat" tumango-tango ang chief habang isunusalat ang mahahalagang detalye.

"Di ko na po alam ang susunod na nagyari dahil pumuti lahat ng nakikita ko ng makalabas na kami sa parking lot pero isang minuto lang ata yun nangyari dahil di pa yata ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin nun but what I'm more scared of is,bakit nila ako ginanon eh wala naman akong maalala na kinasangkutan kong gulo o kasalanan sa kanila.Pinabantayan ako nila Freo ng nandito na ako sa loob dahil may pupuntahan raw sila.Yun lang po" mahabang pagsasalaysay ni Des.

Parang alam ko na.I'm done puzzling sa mga nangyari kanina pero mananatili muna akong tahimik.

"Maraming salamat po sa inyo"~DES

"Tatawagan ko nalang ang number mo na pinantawag mo sa amin kong may lead na kami.Pero bago yun ay kakausapin pa namin ang magulang niyo dahil menor de edad palang kayo.Sige,may isa pa kaming kaso na aasikasuin" tumayo na sila at umalis.

"Salamat po sa pag-aasikaso sa kaibigan ko" pagpapasalamat ko sa crew na umasikaso kay Des.

"Walang anuman.Umuwi na kayo at delikado sa daan lalo na't mga bata pa kayo" ngumiti lang kami at nagpasalamat ulit.

"Hali ka na at ihahatid kita.Magagalit ang magulang mo dahil ginabi ka na" at pumasok na sa sasakyan ko.

Inihatid ko muna si Des bago ako umuwi sa amin.Iniisip ko pa rin yung nangyari kay Des kanina.

"Oh.You're home,dear" ayyy wala pa po ako. picture lang po 'to.

"Yes,momma" bawal kasi ang tagalog dito sa bahay.Sus,andaming nilang alam -,-.

"Why you're so late,Naya?" Yan nanaman yung pet name ko sa kanya.Naku.

"Can I sit first,momma?I'm so hungry" Kanina pa talaga ako gutom.Baka magka ulcer na ako nito.

"Ok just sit in the dinner's table.I'll call,Rosita" ~Momma

"Thanks momma.I will just change my clothes" Di ako sanay na kumain ng naka-uniform.Para sa akin,ang weird tignan.Ewan ko nga kung bakit.

Nagpalit lang ako ng ternong pantulog bago bumaba pero di ko maiwasang pakinggan ang sariling kwarto ni momma dahil sa lakas ng boses niya kong sumagot sa kausap niya sa telepono.

"My gosh.Three days had passed but you don't have any suspects yet?....Do your job!" ng wala na akong marinig galing sa kanya ay bumaba na ako.

Sino kaya yung kausap niya?And suspect?In what?...For what?...Ang  rami kong tanong,jusme.

Umupo ako at kumain na.

Nadagdagan na naman yung mga iniisip ko.

Bumaba si momma ng naka-formal attire.Tumayo ako at linapitan siya.

"Are you going to your work now?" Ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko.

"Yes daughter.Finish your food first then sleep,k?" tumango ako at hinatid siya sa garage.

Sumakay na siya at nagpaalam sa akin.

May sinabi siya sa mga bantay dito bago siya umalis.

Oo,gabi ang trabaho niya at umaga na siya pag umuuwi.Wala kaming time masyado kasi sa umaga ay may pasok ako kaya di ko na siya makikita pag uwi niya.

Sa sabado at linggo naman ay overtime siya kaya di kami nakakapag-bonding.Hayss

Ano kaya ang trabaho niya at pag tinatanong ko iniiba niya ang usapan?Baka humahanap lang ng tamang oras.Oo,sana nga.

Umakyat na lang ako papunta sa kwarto ko.Pero napatingin ako sa kwarto ni momma.

'May tinatago ka ba sa akin,momma?'

Namalayan ko nalang na lumapit ako sa kwarto niya at binuksan ito.

~Cellphone ringing~

Nagising ako sa katotohanan ng nag-ring yung cellphone ko.

Ang pakialamera mo talaga,Xen. ×∆×

Kinuha ko ang cp ko at sinagot ito.

"Hello?"

[Hi]Luh,lalaki.

"Ah,sino ito?"

[Quatro...I just wan--]Quatro daw.

"Huwag mo akong lokohin lalaki ka.Hindi dahil crush ko yung tao eh,gagamitin mo na yung pangalan niya.Ang dami ng tumawag sa akin na ganyan dahil crush nila ako.Umamin ka nga.Crush mo rin ako noh?Ha?!"

[What are you saying?Daldal mo] Di mo ako maloloko.

"Kung ikaw si Quatro ko,sino ako?"

[I'm not playing around,kiddo]

~Call ended~

Neyyy,kiddo raw.Pinatayan pa ako ng tawag.Hinding-hindi ako maniniwala ng basta-basta noh,tzz.Walang patunay na siya si Quatro ko.Huh~

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-on ng fb ko. Nakakita na naman ako ng dummy account.Paano kaya kung itry ko?Wala namang mawawala,diba?Hehe.

Try lang naman.

--------------------
Penge vote at comment para sa katulad niyong kyut (°^°)❤

★Ms_ter_rius
©2019-2021

★THE MAJESTY:MAFIA GANGSTER★(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя