{48}

41 6 0
                                    

------------------XEN'S POV-------------

"Kamusta naman ang ating ranked 1?" Ranked 1?

" Tsk. Ito ayos lang pero nung nakita ko kayo, nawala na yung kaayusan ko" gago ba toh? Nang-asar pa eh.

Tinignan nila ako sa likod niya.

" Mukhang may pulutan tayo ah" sabi nung isa. Shemmss, ako ba yun?

"Pulutan ko lang ito. Humanap rin kayo ng sa inyo" at mabilis na umatake siya sa kanila. Nahihilo na nga ako eh. Ang bilis ng galawan nila.

Naramdaman kong may kalaban rin sa likod ko.

Tinignan ko ang likod ko at ngumisi. Nag-concentrate ako at kinuha ang lakas ng tatlo sa kanila.

Nagulat nalang sila ng matumba ang mga ito at naging abo.

Dumaloy sa ugat ko ang lakas nila.

Gumawa ako ng ipo-ipo at inatake papunta sa kanila. Mabilis na lumapit ako sa kanila. Tinapak ko ang paa ko at naging sanhi ito ng pagbiyak ng lupa at nahulog sila dito.

Isinara ko rin agad at nag-bend ng may kakagat sana sa akin. Gumawa ako ng bulaklak at pinahawak sa kanya. Patay!

"Ayos ka lang?" Lapit ko kay Sanio.

"Nakikita mo ngang hindi diba?!" Taena talaga neto.

Lumuhod ako sakanya at hinawak ang balikat niya.

" Heal" banggit ko. Nakita ko kung paano naghilom ang mga kalmot at sugat niya.

" Tara na. Marami pang paparating" hinila niya ako at tumakbo papunta sa bahay nila.

Habang papaitaas kami ay kinausap ko siya.

"Ranked 1? What does it mean?" Napairap naman siya.

"Ranked 1 na pinakamalakas sa eskuwelahan namin" sabi niya bago pumunta sa loob ng kwarto niya.

Malakas rin pala siya.

Humiga ako at inisip ulit ang mga pangyayari kanina. Namimiss ko si Quatro pero miss niya rin ba ako?

Sa mga bampira naman kanina, pansin kong mahihina lang sila pero marami nga sila. Akalain mo yun, may backup pa sila.

Isasara ko sana ang bintana pero may nakita ako. Nakaitim lahat pero nakatingin siya dito sa itaas, sa akin.

Pero umalis rin siya. Ang weird.

Sinara ko ito at natulog na.

Nagising ako dahil sa tinig ng dalawang tao.

"Kailangan nating makuha iyon, ate. Kung mauunahan tayo, tiyak na magiging illegal na ang lahat ng dito" si  Sanio at ate niya?

" Di ko alam kung may tutulong sa atin, Sanio. Masyadong delikado sa lungga nila"

"Makakatulong ako" sabat ko sa usapan nila.

" Baka nandito ako para sa misyon na iyan" tumingin naman sila sa gawi ko.

"Ano po ba ang kukunin?" Tanong ko sa kanila. Bakit gulat na gulat sila?

"Ang mahikang likido. Ito ay nagtataglay ng kakaibang mahika na pwedeng maging marahas ang lahat kapag napunta ito sa hangin" tumango ako.

" Gagawin ko ito mamaya na" tumalikod na ako.

"Hayaan mong sumama ako sakanya" narinig kong sabi ni Sanio sa Ate niya. Nasa loob kasi ako ng kwarto.

" Sige. Kung iyan ang gusto mo" narinig kong sagot ni Ate.

Nag-impake ulit ako at lumabas na.

"Kumain ka muna" Sabi ni Ate. Umupo ako at kumain.

Bumaba naman si Sanio na nakaayos na rin.

Umupo siya at kumain rin. Tahimik kaming kumain.

"Maglalakbay kayo. Ito baonin ninyo" binigay niya ang isang botelyang itim.

" Inumin niyo lang yan pag nagugutom o nauuhaw kayo. Goodluck sa inyo" nagpaalam na kami at naglakad na.

" Aakyat tayo ng bundok kaya bilisan mo"

"Mas mapapagod tayo kung bibilisan natin" awat ko sakanya.

Naglakad kami sa likod ng bahay nila. Dito lang pala.

"Nakakapagtaka dahil di ko mabasa ang nasa isipan mo baka dahil ikaw ay isang majestia" bukas niya ng usapan namin habang naglalakad.

" Nasa likod lang pala ng bahay niyo ang pupuntahan natin" Sabi ko habang nakatuon ang tingin ko sa linalakaran namin.

"Oo kaso sa susunod na bundok ang punta natin" muntik na akong madapa dahil dun. Inalalayan niya naman ako.

" Tignan mo kasi iyang dinadaanan mo at bilisan natin" Sabi niya.

"Tinitignan ko naman eh! Nakakadapa lang iyong sinabi mong sa susunod na bundok pa" napailing naman siya at di na ako inalalayan pa.

Umakyat kami at sa hapon ay nagpahinga muna kami sa ilalim ng malaking puno.

Ininom namin ang bigay ni Ate para di magutom o mauhaw at natanggal nga ang gutom ko.

Sumandig ako sa katawan ng kahoy at ipinikit ang mata ko. Nasa tuktok na kami ng bundok. At ang sarap ng simoy ng hangin at ang view nito.

"Tara na" sipa niya sa paa ko. Tinaliman ko siya ng tingin at tumayo na rin.

"You don't have to kick me" inirapan ko siya at nauna ng naglakad.

" Galit ka ba?!" Sigaw niya sa akin. Malayo kasi kami sa isa't-isa eh. Maasar nga siya.

Binilisan ko ang paglalakad ko.

"The fck!" Tinignan ko ang tuhod ko ng humapdi ito. Taenang baging kasi ito. Pakalat-kalat.

Narinig ko naman ang yabag ni Sanio papunta sa akin.

"San--" napaamang ako ng wala akong makita. Sino yun?

May humatak sa akin at napayakap ako sakanya.

"Ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin.

" B-Bakit ka nandito?" Napalayo ako sa kanya.

"Alangan kasama kita eh" Oo nga naman.

"I mean. Why did you pull me?"

"Muntik ka ng matamaan nung kutsilyo at...mukhang naamoy nila ang dugo mo" tumingin siya sa tuhod ko at napaiwas rin agad.

Pinunit niya ang laylayan ng damit niya at ibinigay sa akin ng di pa rin tumitingin.

"Bilisan mo dahil mag-gagabi na. Kailangan natin makahanap ng pagtataguan" umupo ako at tinali iyon sa tuhod ko.

Tumayo ako at pilay-pilay na sumunod sakanya.

Narinig ko ang malalim na paghinga niya. Nagtaka ako ng lumuhod siya patalikod sa akin.

Kinuha ko naman ang suklay ko at sinuklayan siya pero pinigilan niya ako.

"Sakay sa likod ko!" Ahh. Yun pala ang ibig niyang sabihin.

"Bak--"

"Bilis!" Iritang saad niya kaya sinunod ko nalang siya.

Magdidilim na. Pababa kami sa bundok ng makita ko ang kabilang bundok. Madilim ito at parang palaging gabi.

Tumalon siya ng kay taas sa isang maliit na kuweba sa itaas at ibinaba ako.

Gumawa ako ng apoy sa kamay ko at kumapa ng dahon.

Inipon ko ito at sininihan. Kumuha naman si Sanio ng mga maliliit na kahoy at itinapon ang mga ito sa sinidihan ko.

Nakakatakot sa pinakaloob nito kaya inilihis ko nalang ang tingin ko doon at umupo sa bato.

Oo,may kapangyarihan ako na nagpapagaling pero baka maramdaman nila ang lakas ko.

Nakakabadtrip naman.

Lumapit si Sanio sa akin at umupo sa harapan ko.

--------------------------

Salamat po sa pagbabasa. Pa-vote at pa-follow naman po para may inspiration naman ako.

★Ms_ter_rius

★THE MAJESTY:MAFIA GANGSTER★(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя