{19}

88 9 1
                                    

-------------------------
Nandito na ako sa kwarto ko pero iniisip ko pa rin ang pairtector na yun.

Flashback

"Ang pairtector ay ang magkakonektang protektor sa isa't-isa"

"Paano kami naging magkakonekta?"

"Siya ang protector mo at ikaw ang protector niya" further explanation please.

"Hindi ko maintindihan"

"Pag namatay ang isa sa inyo ay mamamatay rin ang isa.Pero depende kung magsasakripisyo ang isa at ang magsasakripisyo ay ang protektor na may dugong bughaw lamang" napatingin naman ako sa kanya.

"If that so,magkaano-ano kami?"

"Hindi ko alam.Tinatanggap mo na ba na parte ka na sa amin?"

"Hmmm.Malapit na"

"Akala mo tanggap na dahil ang daming tanong" -,-

End.....

*Phone ringing*

"Oh?"

[Xen,shopping tayo] si Des.

"Anong nakain mo at nagyaya ka?At talagang ngayong gabi pa?"

[So what kung gabi na?Sanay na naman tayong lumabas paggabi ah and I feel that kailangan muna nating mag-relax ngayong weekends]

"As if my choice ako.Alam ko namang susugurin mo ako dito gamit yang matalas mong bunganga.Nakakahiya at gabi pa."

[Meany]

"Magpapaalam muna ako kay yaya."

[Sige.Kitakits nalang tayo sa mall]

"Pinatay ko na ang tawag at nagpalit."

Basta sabado bukas eh lumalabas kami sa gabi at magbobonding.

Yeah,that's what you call weird.

Pumunta ako sa kwarto ni yaya at nagpaalam.Sanay rin naman siya na lumalabas ako sa gabi pag biyernes.

"Ya,pakisabi naman kay bagong manong guard na palabasin ako"

"O sya.Halika na at baka hinihintay ka na ni Desila" ayy,nandito pala si Zan.

Lumabas na kami at pinaalam ako ni yaya kay manong guard.

Sinamahan ako ni yaya papuntang parking lot.

"Ayyy,Ya.Pakisabi nalang po kay Zan na may pinuntahan ako"

"Sige,nak.Ingat ka" nagpaalam na ako at nagdrive papuntang mall.24 hours na open eh.

Pagkadating ko sa mall ay pinark ko ang kotse ko at bumaba na.

Marami-rami pa rin ang tao dito at karamihan ay mag jowa.

Sana all may jowa.

Pagpasok ko sa entrance ng mall ay nakita ko na si Des.Linapitan ko siya.

"Tara" ngiting abot langit na hinila niya ako papunta sa loob pero natigilan kami ng andaming tao na nagkakagulo sa gilid.

Anong nangyayari?

Tumakbo ako at nakisiksik.Bahala na sa mga nagrereklamo diyan.

Nang makarating ako sa harap ay nakita ko si

"Freo?" Tanong ni Des na nasa gilid ko.

Nakita ko si Freo na nakaluhod at nakangiting iniaabot ang kahon ng isang singsing.Wait...Is he cheating Des?

"Can you be part of my life forever,hon?Will you marry me?" WHAT THE FCKNG HECK...

"Yes hon.I will" AT NAGHALIKAN PA TALAGA SILA???

★THE MAJESTY:MAFIA GANGSTER★(COMPLETED)Where stories live. Discover now