Tears 4: Last Meet

1.3K 57 0
                                    

15 Years of Tears Chapter 4

---

Jolly's POV

Nang makaalis kami at maghiwalay ng landas ng mga manunulat na nakausap namin, sunod na naman kaming pumunta sa opisina.

Nando'n na ang ibang mga papeles na kailangan kong pirmahan, aprubahan, at ang iba ay kailangan ding tignan kung tama at ayos na sa paningin ko ang pagkakasulat.

Bago ilabas o i-release ang libro, dyaryo, o anumang mga sulatin ay kailangan ko muna iyong mabasa.

Bago naman mapunta sa akin 'yon ay may mga tauhan nang nagp-proof read ng mga articles.

Sinusuri ito kung tama ba ang initials o kung tugma ba ang mga paggamit ng mga salita at sinisigurado rin ng kompanya kong maganda ang pagdating ng mga balita at kuwento sa mga tao.

Wala pang isang oras ay natapos ko na rin naman ang mga gawain.

Sa tagal kong ginagawa ang ganitong klase trabaho, nasabi kong nagamay ko na kaya madali na lang sa akin ang mga ganitong bagay.

Nasa loob lang ng opisina si Gwen at hinihintay akong matapos habang nasa labas naman si 'tay Baste.

"Wala na bang ibag gagawin bukod dito, Gwen?" Matapos ng halos isang oras na katahimikan at puro kaluskos lang ng papel ang naririnig, nagsalita na ako.

Halata namang nagulat si Gwen dahil narinig niya ang boses ko matapos ang napakahabang katahimikan.

Kaagad siyang tumingin sa oras at mukhang gulat din dahil mabilis kong natapos ang sandamakmak na papel na nasa lamesa ko.

"B-bakit ma'am? Tapos na kayo?" tanong niya sa akin.

Tumayo ako sa office chair n kinauupuan ko at nag-unat dahil halos isang oras din akong hindi nakagalaw kakaupo.

"Oo, wala na bang iba?" tanong ko at napahikab kaya automatikong tinakpan ko ang bibig ko.

Nakakaantok at masakit sa ulo magbasa nang magbasa pero hindi ko naman iniinda masiyado iyon dahil na-e-enjoy ko rin at isa sa mga benipisyo nito ay lagi akong una sa balita at updated na rin.

"Grabe ma'am, wala pang isang oras pero natapos mo na sila lahat?" namamanghang saad niya na ikinatawa ko naman.

"Oo, kaya kung wala nang ibang gagawin, puwede na tayong makapagpahinga."

"Wala naman na po, ma'am. Ayan na lahat 'yon, akala ko nga po e ipagpapabukas niyo pa ang iba," tugon nito.

Naupo ako at nagpahinga saglit bago ayain si Gwen na lumabas na ng opisina.

Pagkalabas namin ay nilapitan namin ang ibang empleyado, gusto ko silang puntahan para malaman ko kung may problema ba sa workplace para maisaayos na kaagad.

Ayoko sa lahat ay ang nalalagasan ako ng empleyado dahil lahat sila rito ay magagaling at hindi na dapat umalis sa kompanya. Nasanay na rin akong sila ang kasama at sila ang nakikita bago at pagkatapos ko pumasok sa opisina.

"Good morning, ma'am!"

"Hi, ma'am!"

"Good day miss Lumbay!"

'Yan ang narinig ko pagkalabas ng office ko kaya isa-isa ko rin silang binati pabalik.

Mukhang ayos naman ang bawat isa at hindi sila masiyadong stress sa trabaho.

Nilibot ko ang paningin ko para makita ang bawat isa sa kanila, doon ko napansin ang Associate Editor kong si Alexis na sobrang gulo ng lamesa at mukhang natataranta sa sobrang daming papel na nakatambak sa kanya.

15 Years of TearsWhere stories live. Discover now