Tears 12: The Boss

918 54 0
                                    

15 Years of Tears Chapter 12

---

Vander's POV

Chapter 59: Body Guard?

Pinagmamaneho ni Vann si Jamie papunta sa isang shop dahil may kikitain ito. Palagi na silang magkasama dahil nagtatrabaho na si Vann sa kanya

"Alas tres mo na ako balikan," bilin ni Jamie sa driver niyang si Vann.

Nang bumalik ito ay nakita niyang may 5 lalaki na nakapalibot sa dalaga. Sinuntok siya ng isa sa mga 5 lalaki na malalaki ng katawan pero natalo niya ito lahat. Naging tagapagligtas ni Jamie si Vann pero hindi man lang ito nagpasalamat.

Hindi akalain ni Vann na bukod sa pagiging secretary at driver niya, dagdag na sa responsibilidad niya ang siguruhin ang kaligtasan ng dalaga.

Matapos kong mag-tipa sa laptop ay in-upload ko na ito sa website kung saan ako nagsusulat para tuluyang mabasa ng mga mambabasa ang gawa ko.

Halos isang linggo na ang nakalipas matapos ang insidenteng iyon. Naging mas maingat at mas itinuon ko ang pansin sa kanya sa tuwing kasama ko siya at sa tuwing umaalis kami.

Hindi ako nakarinig ng kahit anong salita ng pasasalamat nang makauwi kami noong araw na 'yon, nakatanggap pa ako ng sermon mula sa kanya dahil lang nahuli ako sa pagdating.

"Kung hindi ka kasi babagal-bagal edi sana hindi nila ako naabutan do'n!" Ito ang linyang natatandaan kong sinabi niya sa akin nang makauwi kami.

Hindi ako nagreklamo at tinanggap lang lahat ng salitang binibitawan niya sa harap ni nanay Susan at nanay Delia.

Nang makaakyat sa kuwarto si Jolly ay kinausap ako nina nanay Susan para tanungin kung ano ang nangyari.

Nilahad ko ang buong naganap at nalaman nilang huli na rin nang abisuhan ako ni Jolly na pumunta siya sa coffee shop mag-isa.

Gusto pang ipahanap ni nanay Susan ang limang lalake at gusto niyang tignan ang malapit na CCTV kung saan nangyari ang insidente pero buong loob na tumanggi si Jolly.

Akala ko ay mas gagaan ang pakikisama niya sa akin matapos ko siyang iligtas ngunit nagkamali ako dahil mas lalo lang siyang naging masungit, mahigpit, at iritable.

Nakikita ko kung paano niya tratuhin ang ibang mga empleyado at masasabi kong napakalayo ng pakikitungo niya sa mga ito kumpara sa akin.

Pinilit kong balewalain ang mga isipin at napagdesisyunang bumangon nang maaga para makapaghanda at makapagbihis na rin dahil maaga ang alis namin ni Jolly.

Sasamahan ko siya sa opisina dahil kailangan niyang pirmahan ang ibang mga request at article.

Totoo nga ang sinabi ni nanay Delia na editor-in-chief si Jolly sa sarili nitong kompanya kaya hindi ko maiwasang lalong mamangha at humanga sa kanya at pati na rin sa pagtatrabaho niya.

Hindi naging madali ang pagtatrabaho sa kanya dahil walang araw na hindi niya pinaramdam sa aking napipilitan lang siyang makasama ako.

Maaga pa lang ay nasa labas na ako at hinanda na rin ang sasakyan.

Halos isang oras akong naghintay sa labas bago siya tuluyang lumabas.

Nakasuot siya ng puting coat na pinaresan naman ng itim na tank top sa loob at white fitted jeans bilang pambaba nito. Bumagay rin ang wedge heels niyang puti at kulay itim na branded bag.

Kahit tignan mo lang si Jolly ay malalaman mo nang mamahalin lahat ng gamit niya.

Muntik pa akong maestatwa sa kinatatayuan ko pero buti na lang at mabilis na bumalik ang sarili ko sa ulirat at nasalubong ko si Jolly.

15 Years of TearsWhere stories live. Discover now