Tears 6: His Point of View

1.2K 51 1
                                    

15 Years of Tears Chapter 6

---

Vander's POV

"Oy, kanina ka pa r'yan, ako naman!" malakas na sigaw ng katabi ko sa laakeng nasa harap ng pila.

"Sandali lang, 'di pa 'ko nakakaligo!" sagot ng sumasalok sa harapan habang nagmamadaling nag-iipon ng tubig.

Galit na galit na ang mga tao rito at mukhang naglalamangan pa pagdating sa pagkuha ng tubig.

Napakarami talagang pila sa tuwing nagkakaroon ng tubig. May oras lang kasi ang tubig dito at baka mawala na ito mayamaya.

Sobra na ang ingay dahil nakaaabot ang boses ng bangayan nila sa likuran kahit nasa harapan pa ang bangayan.

Pumunta naman ako sa harapan, hindi para sumingit pero para awatin kung sino man ang nag aaway.

Muntik na akong mapaatras nang makita ko kung sino ang nag-aaway sa harap.

Si Elle at Ervilyn.

Napasapo ako sa noo ko nang makitang nakatingin na silang dalawa sa akin at automatikong tumigil sa pag-aaway.

"N-nandiyan pala si V. E-Elle, ikaw muna ang mauna," saad ni Ervilyn sa kambal niya pero nasa akin ang tingin nito.

Nakita kong napairap naman si Elle jay Ervilyn bago niya ito bahagyang itulak palayo sa akin.

"Umalis ka na nga! Nandiyan na ang baby ko," saad ni Elle habang nakangiti sa akin.

Ako mismo ang nahihiya sa mga ginagawa at sinasabi nila pero wala naman akong magawa para pigilan silang dalawa.

Kanina ay napakalakas ng mga boses nila pero ngayon ay mukhang hindi sila makabasag ng pinggan. Mukha na silang mga maaamong anghel na hindi gagawa ng kahit ano mang kasalanan.

"Teka, teka," awat ko sa kanilang dalawa at pinagitnaan sila para mapaghiwalay sila.

"Puwede bang mamaya na kayo mag-away? Napakahaba pa ng pila at baka maubusan kami ng tubig," pakiusap ko sa kanila habang tinuturo ang napakahabang pila na nasa likuran.

Parehas pa silang ngumiti at sabay pang inipit amg buhok sa likuran ng tenga nila.

"M-mamaya na lang ako sasalok ng tubig, h-hindi ko naman masiyadong kailangan," sabi ni Ervilyn at umatras pa para makapagbigay daan sa iba pang mga taong sasalok.

Kahit si Elle ay gano'n din ang ginawa kaya muling umusad ang pila.

"Anggaling mo talaga, sobb V," pagbati ng isang kapit bahay namin at nakipag-apir pa.

"Kapag talaga si Vander na ang umeksena sa dalawa, mga biglang tumitiklop," puna niya pa na ikinatawa ng ibang taong nasa pila.

Ganito ang araw-araw na pamumuhay sa Tondo at sa ilang taon kong paninirahan dito ay nasanay na rin ako.

Dito na ako tumira magmula nang maghirap kami at nang mamatay ang nanay ko.

Naubos ang pera namin nang dahil sa kakasugal niya kaya nang magkasakit siya ay kinulang ang pera namin para maipagamot siya.

Nalulong siya hindi lang sa pagsusugal kundi pati na rin sa paninigarilyo, dahi dito, nagkaro'n siya ng lung cancer na naging sanhi ng pagkawala niya.

Inabot din ng halos isang oras bago matapos ang pila at bago nakakuha angahat mg tubig na kailangan nila.

Dala ko ang dalawang balde na puwede kong gamitin sa pagligo o sa paghuhugas ng mga pagkakainan ko mamaya.

Bago ako makapasok ay biglang may lumingkis sa magkabilang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga.

15 Years of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon