6th Latched

83.9K 2.6K 2.3K
                                    

Latched

Loyal

Pagkagising ko, panibagong viral photo na naman ang kumalat sa internet. Hindi ko na muna chineck ang text ni Cholo at tiningnan kung ba't trending na naman ang #SpoiledKeyla. I am known for a bratty model, doon nila ako binansagan pero nakakagulat at may pa spoiled na naman. May pinagkaiba ba sa kanila ang dalawa?

Kalat na kalat sa twitter ang picture kong umiinom ng softdrink at sa gilid ko naman ay ang napaka guwapong si Kaizen, nakanguso habang tinitingnan akong umiinom.

So, anong meron? Who captured this?

Nagbasa ako ng random comments.

Aww... Leave Keyla's diet alone! Ayaw ni Kaizen na magutom ang baby niya.

Kaizen is so sweet! Ayaw niyang ginugutom ang girlfriend!

Kaizen for the win! Ganyan nga. H'wag mong gutumin ang girlfriend mo. No to diets!

Fuck off! Tantanan niyo si Keyla. Ayaw ni Kaizen na magutom ang babygirl niya.

Noon naiinis rin ako kay Keyla for being so bratty pero ang cute ni Kaizen! Isa narin siya sa lumalabag ng rules just to feed his girlfriend.

Spoiled si Keyla sa boyfriend niya. Ayaw ni Kaizen na magutom si Keyla.

I love you Kaizen! Ang sweet mong boyfriend!

Keyzen for the win!

Napangisi ako sa mga nabasa ko. Anong meron at nagkakagulo sila sa pag-inom ko ng softdrink? At trending rin iyong model ng Sweet Collection kaya nangalkal pa ako hanggang sa may nakita akong pinost na picture na umani ng maraming hate comments.

"While we're having our strict diet as a model, there's a bratty who's drinking her soda and disrespecting our rules when it comes to strict diet. #FakeModel"

Iyon ang caption ng picture na nakainom ako ng softdrink habang pinapanood ako ni Kaizen na nakapameywang at nakanguso.

Humagalpak ako habang nagbabasa ng mga comments na puro bash.

Inggit ka lang dahil wala kang Kaizen na bibilhan ka ng softdrink!

Immature mo! So what kung hindi magdiet si Keyla ikaw ba tataba? Inggetera!

Inggit ka lang eh kasi may Kaizen si Keyla.

#InggitKaLang! Spoiled girlfriend si Keyla at ayaw ni Kaizen na magutom ang girlfriend niya.

Inggetera to kulang sa aruga papansin.

Pero pag siya binilhan ni Kaizen ng softdrink baka nga makalimutan mo rin yang diet mo kaya wag kami girl. Inggit ka lang kasi wala kang Kaizen.

Bahala nang manaba basta si Kaizen ang nagpapakain sakin.

Sumakit ang tiyan ko kakatawa sa kanilang mga comments. Imbes na ako ang mabash ay nabaliktad pa at siya itong nabash. Now, I guess no one can ruin me because of Kaizen. I am a spoiled girlfriend huh...

Binasa ko ang text ni Cholo. Tungkol rin pala iyon sa issue.

Cholo:

Baka pag nalaman nilang strict rin ako sa diet mo ay ibash narin ako. Kaizen's fans are crazy but I love it.

Pumasok akong muli sa kompanya ng Sweet Collection para sa panibagong photo shoot. Nabalitaan ko pang pinapagalitan iyong mga model na nagpaparinig sa akin sa social media kaya nabash. Mukhang may matatanggalan ng trabaho ah? Good bye career.

Napansin ko pa ang talim ng kanilang tingin noong lumabas sila sa office kung saan sila pinagalitan. Inosente akong ngumiti at nagpanggap na walang alam sa lahat-lahat, ignoring their presence.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now