52nd Latched

128K 3.2K 539
                                    

Latched

Warning: SPG

Selosong Asawa

Binuksan na nga namin ang aming Art Gallery sa Lunes ng umagang iyon. Alas nwebe palang, nagulat na kami ni Yezhxia nang puro lalake agad ang pumasok.

"Did you capture this?" tanong sa akin ng lalakeng blonde.

Tumango agad ako, tinutukoy iyong mga grupo ng ibong nasa himpapawid at pinangalanan kong 'Freedom'. I think he's interested.

Tiningnan niya ang price na nasa gilid at mukhang nakontento naman sa inilagay kong presyo. Sinulyapan ko pa si Yezhxia na inaasikaso rin ang iba pang mga customer.

Nagkatinginan kaming dalawa. Umiling siya sa akin at sinenyasan pa akong pupugutan ng ulo. Why is she so paranoid? Baka nga bukas pa dumating si Kaizen. And he won't get mad at me if he saw this! Baka maging proud pa iyon sa akin dahil mabenta ang mga shots ko.

"I'll buy this," sabi ng lalake kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Lumawak ang aking ngisi at nagthumbs up kay Yezhxia. Imbes matuwa ay nailing pa sa akin. Napaka malisyosa nito! Purket bumibili lang iyong tao...

"And... Can I get your number?" Inilahad niya sa akin ang kanyang cellphone.

Oh... Ibigay mo nalang iyong business number mo, Keyla.

Kinuha ko ang kanyang cellphone at itinipa roon ang aking number.

"Here... Thank you for buying some of my shots. Are you going to get this right now, Sir?"

"Uh, can you deliver it to my place?" Ngumiti siya sa akin, may pinapahiwatig na.

Tumango naman agad ako. I can ask someone to deliver this. Hindi ako pupunta roon 'no.

"Sure, Sir..."

Humarap ako sa painting na napili niyang binili at minarkahan iyon ng sold.

Sa bawat oras na lumilipas, mas lalo lamang dinadagsa ang aming Art Gallery at puro talaga mga lalake ang pumapasok. Panay na gesture si Yezhxia sa akin ng kung ano-ano, na malalagot ako sa asawa ko. Kaizen isn't here and I am not flirting them, anyway! Pag sumulpot si Kaizen rito, I'll gladly hug him in front of them!

"Are you the photographer of that picture?" Itinuro niya iyong isa ko pang photography.

Tumango agad ako sa lalakeng nasa mid 30's na ata suot ang isang corporate attire at panot pa.

"Yes Sir... Are you interested?" tanong ko habang sumasabay sa kanya sa paglalakad patungo roon.

"Oh yes... I would like to buy it. Can we negotiate the price later? Maybe dinner?"

Why are they fooling me like I'm a kid who's not aware with their tactics? O baka naman tingin talaga nila ay kakagat ako sa pain dahil buyer sila?

"Okay, Sir..." sagot ko.

Di bale na nga. It's just a dinner? Price ang pag-uusapan namin so... okay. That's 60k! Sayang rin kung papalampasin. Iyan pa iyong old na mga photography namin ni Yezhxia last year na hindi nabili. Buti nalang ngayon...

Minarkahan ko iyong sold at sunod sunod na ang kinakausap kong mga lalake dahil interesado silang lahat sa aking gawa. Buti pa itong si Yezhxia, nakita ko sa kabilang dako at humahagikhik sa kanyang cellphone!

"They're all here because of you. 'Yung iba riyan patingin tingin lang kunwari sa mga frames na nakadisplay pero ikaw talaga ang sinusulyapan..." bulong sa akin ni Yezhxia nang matapos na siya sa tawagan nila ni Raiden.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now