11th Latched

109K 3.2K 1.4K
                                    

Latched

Bothered

Nanatili lamang ako sa loob ng kuwarto ni Kaizen. Nakahiga na siya ngayon ngunit hindi naman natutulog habang nakabalot ng comforter. Tahimik lamang siyang pasulyap-sulyap sa akin.

"Uminom kana ng gamot?" tanong ko na ikinatango niya.

"Hindi mo ginalaw ang pagkain mo," sabi ko.

"Paki galaw nalang, Keyla."

Ngumuso ako. "I mean... Hindi ka kumain?" Paglilinaw ko.

"Wala akong gana," aniya at sumimangot.

"You need to eat, Kaizen." Sinamaan ko siya ng tingin.

Imbes na sumagot ay hinila niya ang kumot at nagtalukbong. Niyugyog ko siya roon. I am not really good at taking care someone so I don't have an idea how to do this. And Kaizen is acting like a baby... A soft baby.

"Ayaw mo bang gumaling?" tanong ko sa matigas na boses.

Hindi siya umimik kaya hinila ko ang kumot hanggang sa malantad ulit ang kanyang mukha. Nagulo ang kanyang buhok kaya inayos niya iyon at nasa ibang direksyon ang mga mata.

Tumayo ako. Nagulat ako nang bigla niyang inabot ang aking kamay at pinigilan ako sa pag-alis.

"Kakain na..." sabi niya sa kabadong boses habang hindi makatingin sa akin ng deritso.

"Ipapainit ko lang..." paliwanag ko lalo na't tingin niya ata ay aalis ako.

Nagulat siya at unti-unting binitiwan ang aking pulso.

"Tatawagan ko nalang si Manang sa kitchen," sabi niya at bumangon saka inabot iyong telepono.

Tumulong ako sa pagkuha noon para hindi na siya mahirapan pa. Umubo siya ng bahagya at napapikit ang isang mata habang may kausap sa kabilang linya.

"Opo... Paki-init nalang po ako... Salamat po," sabi niya sa malambing na boses.

Pati rin pala sa katulong ay ganoon siya ka galang? Lahat ata ng tao ay igagalang niya eh.

Umupo akong muli sa kanyang kama. Kumuha siya ng malaking unan at inilagay niya sa kanyang likuran saka roon sumandal. Tumingala siya at pumikit kaya napatingin ako saglit sa kanyang adams apple na gumagalaw dahil sa kanyang paglunok.

Hinubad ko ang aking pumps at inabot ang lock noon. Tumagilid naman ang ulo ni Kaizen, sumusulyap sa aking ginagawa.

"Pwede mong suotin iyon, Keyla. Akin 'yon," sabi niya at tinutukoy iyong itim na indoor slipper.

Tumango ako at ngumiti. May pumasok na katulong para kunin ang tray saka rin kami iniwan agad.

"May kambal ka pala?" tanong ko nang maalala ang bagay na iyon.

Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi.

"Kamukha kayo." Ngumisi ako habang gumagala sa kabuuan ng kanyang kuwarto.

Hindi siya umimik sa bagay na iyon at seryoso lang akong sinundan ng tingin. Nagtungo ako sa bed side table niya at tiningnan doon ang maliliit na frames malapit sa lampshade.

"Ang ganda ng babae mong kapatid. Siya ang nagbigay sa akin address niyo eh. Tumawag kasi ako and siya ang nakasagot sa phone mo," paliwanag ko at sumulyap sa kanya.

"Labas pasok kasi 'yon sa kuwarto ko," paliwanag niya.

Tumango-tango ako at umupo na ulit sa kanyang kama. Umusog pa siya para lang mabigyan ako ng malaking espasyo kaya inangat ko rin ang aking mga paa at inilapag sa malambot niyang kama. Nakapiko na ang aking mga binti at niyakap na lamang iyon saka ko isinandal ang aking baba sa magkadikit kong mga tuhod. Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko ang paninitig ni Kaizen sa akin.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon