Damn Obsessed With You

426 8 0
                                    

Prologue

Napapitlag ako nang may biglang bumuhos sa katawan ko at maging ang mga libro na dala ko ay nabasa rin. Agad itong nasundan ng mga tawanan. Wha--what is this?

I thought it was blood but I notice that it is water with a lots of red food color. I sighed. As always.

Bakit hindi ka pa nasanay Dmitry Leigh? You're a nerd student that's why they always do that to you. They always think that you're a nothing but a loser. Wika ng isang bahagi ng utak ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumunta ng restroom at pinakatitigan ang sarili ko sa salamin. Inalis ko ang salamin ko sa mata at pinunasan ito ng panyo galing sa bag ko. Habang pinupunasan ko ang salamin ko ay tumulo ang mga luha ko.

Bakit gustong gusto ng mga tao na napapahiya ang isang tao? Kailangan ba talagang mabully kapag nag aaral? Why I am always bullying because of my look?

Patas ang mundo ang mga tao lang ang hindi.

Pinunasan ko ang ibabaw ng libro na nabasa buti nalang may plastic cover ito kaya hindi naapektuhan. Uuwi nalang ba ako? Ano naman ang idadahilan ko kay Mama?

Uuwi nalang ulit ako. Lagi naman, e. Lalabas na sana ako ng restroom nang may isang supot ang nakalagay sa simento. Bakit hindi ko ito napansin kanina

Nang mabuksan ko ay bumungad sa akin ang uniform ng Campus namin. Napangiti ako.

Kung sino ka man na nag-iwan ng uniform dito maraming salamat..

Nagmadali akong naligo at nag uniform sa cubicle. Buti nalang ay may shampoo at sabon ang restroom namin. I was too surprised when I saw myself in the mirror. Hindi ganito kaikli ang mga naging palda ko dahil lampas tuhod ang mga haba ng mga iyon but look at now saktong sakto sa limitation ng haba ng mga palda ng mga babae sa Campus. Eksaktong hanggang tuhod yong haba ng palda at eksakto sa size ng katawan ko yong uniform.

Maraming salamat.. pero..

Patay late na ako!

Mabilis kong sinuklay ang mahaba kong brown na buhok. In born na ang kulay ng buhok ko kaya pinapayagan ako ng Campus na ganito ang kulay ng buhok ko. Minadali ko ang pagligpit ng gamit ko at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na namalayan na bumangga ako sa isang bulto ng tao.

"I-I'm s-sorry mister..." Nakayuko akong humingi ng paumanhin.

"The smell of yours is so damn sweet and addictive. Just like strawberry, love."

Napakahina ng boses niya na para bang kami lang ang tao sa hallway. Tuluyan ko ng hindi naintindihan ang mga sinabi niya nang kunin niya ang kamay ko at marahan itong dampian ng halik. Nang makabawi ako ay agad kong kinuha ang kamay ko. His gray eyes are so damn hypnotizing me. My heartbeat is so fast.

"W-who are you?.." His eyes is full of unknown feeling.

He whispered that gives me shivering feeling. "You don't need to know who am I to you."

I want to know him more, ang problema...malelate na ako.

"E-excuse me but I have to go." Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at iniwan ko na siya.

Nang muli akong lumingon sa p'westo namin kanina ay nakita ko siya ro'n na hindi inaalis sa akin ang tingin nito.

DISCLAIMER

This is a work of Fiction,names,places and events are either the product of the author's wild imagination and used for fictitious matter. Any resemblance to an actual person living or not is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

A U T H O R ' S N O T E:

Hello, my Gems. Sorry sa aking mga nagagawa like Grammatical errors/Typographical errors/Words and etc. So guys expecting those works on my story. Nobody's perfect ika nga nila. This is my first teenfic story so please bare with me. Thank you and Enjoy Reading!

sali na kayo sa official group page natin. Here's the link. Thank you! https://facebook.com/groups/959411324593619/

Original by Cherry_PopKookie. All rights reserved 2020

Date Started: April 26, 2020
Date Ended:

Damn Obsessed With YouWhere stories live. Discover now