Chapter Two

121 3 0
                                    

Chapter two
Pahabol

Dmitri's POV

"Who the hell in this classroom did this?!"

Kaninang mala-palengke na ingay ay napalitan na ng nakabibinging katahimikan ngayon. Marami ng mga estudyante na galing sa kabilang room ang siyang nakiki-usyoso sa nangyayari.

Nayuko na lamang ako at naestatwa sa kina-katayuan ko. I can see her eyes are burning with anger even though my eyeglasses became blurry. Wala akong mukhang maiharap kay Lyana, para akong basang sisiw.

"Answer me, class A! This is such a disgrace to our school! Answer me class A or else y'all wouldn't like it if the Dean will know this."

Itinuwid ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi niya kailangang gawin ito. Ang tanging gusto ko lamang ngayon ay makapagpalit ng uniform ko.

"L-Lyana... you don't need to do this..."

She looked at me with full of authority. "I need to."

"Class A wala pa rin bang aamin-"

A girl with her side ponytail stood up and I could see her fear. "A-ako! Ako ang gumawa, Pres..."

Now, the President finally smiled. "Good to know, now come here."

The girl did not hesitate to come over the President, her legs are shaking because of fear.

"Say sorry." Matigas na saad ni Lyana.

"P-pres..."

"I don't want to repeat it, Suarez."

Namilog ang mga mata ko nang lumuhod ito sa harapan ni Lyana. Nagmamakaawa ito.

" 'w-wag mo naman akong ipahiya, Pres.."

Nanatili pa rin ang mataas na tingin ni Lyana. Ni-hindi manlang nito dinapuan ng tingin ang babae. "Talagang mapapahiya ka. Don't make it too complicated, Suarez."

"Say sorry na nga kasi, Sara."
" 'wag kana magmatigas girl."
"She kneeled oh my gosh! If I am her, I'll just say sorry than to kneel in front of our President. Gosh!"

May kan'ya-kan'yang opinyon ang mga nanonood. I can see the disgusting feeling in their eyes. Unang araw ko palang dito may unang gulo na agad.

"Ah Sara, tumayo kana d'yan-"

"S-sorry... I'm so sorry.. I didn't mean to do that. Patawarin n'yo ako."

Nakangiting hinarap na ni Lyana 'yong babae. "If you're really sorry, may ipapagawa ako sayo."

"Bagay sayo..." She showed her sweetest smile while licking her lollipop. Kung lalaki lamang ako, malamang kanina pa ako natunaw sa ngiti n'ya.

I looked at her reflection as I pointed the bridge of my glasses. "Salamat, pero sana hindi mo nalang ginawa 'yon."

Pinakuha n'ya kasi sa babae ang uniform nito na siyang suot ko ngayon. Kasya naman sa akin ang uniform kaso hindi ako komportable sa iksi ng palda nito kaysa sa sariling palda ko.

She just shrugged. "Pinakilala ko lang naman sa kaniya ang tama sa hindi." Malungkot siyang humarap sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Pasensya kana sa kan'ya, ah? I'm sure she already learned the lesson, hindi n'ya na uulitin 'yon."

Sino ba ang hihindi sa babaeng ito? She has her power to get what she wants.

Natigil kami ni Lyana at napatingin nalang sa tatlong babaeng pumasok na may kan'ya-kan'yang dala ng make up nila. Nagsisiiksian ang mga suot nitong palda. 'Yong totoo, may contest ba ng paiklian ng palda itong school?

Damn Obsessed With YouWhere stories live. Discover now