Chapter Four

97 2 0
                                    

Chapter Four
Strange girl

Dmitri's POV

"Bye Dale!"

"bye panget!"

kumaway ako pabalik at naghiwalay na ang mga landas naming dalawa. Nasanay na ako sa gan'yang tawag niya sa 'kin.

"Ma, nandito na po ako!" agad akong tumakbo pa kusina upang makainom ng tubig.

"Oh nandito kana pala hija, napaaga ka 'ata?" saad ni mama na daladala ang isang bilao ng kakanin. Mukhang maglalako.

"half day lang po kasi ma.." Awtomatiko kong nailapag ang baso ng tubig sa mesa saka tinulungan siya.

"ako na po dito-"

"hindi na, umakyat kana sa kwarto mo't magbihis kana..." tanging tango nalang ang naging sagot ko at umakyat na sa 'taas. Panibagong araw na naman para sa pagtitinda.

"Kakanin kayo d'yan kakanin upang ang buhay n'yo'y hindi umayin! Psst manang bili na po kayo!" Sa tingin ko ay nalibot ko na buong baranggay namin dahil dito. Ilang oras nalang ay lulubog na ang araw ngunit kailangan ko pang makabenta. Marami-rami na rin akong nabenta pero hindi pa sapat 'yon. Pinahid ko ang likod ng palad ko sa namumuong pawis sa noo ko.

Matamis akong ngumiti sa matandang papalapit sa 'kin.

"Bili na po kayo manong Isidro." Pawisan din itong tila hindi alam ang gagawin.

"H-hindi 'yan ang ipinunta ko.. ang m-mama mo?" I suddenly felt fear.

"A-ano hong nangyari kay mama?" Agad na nagsalubong ang kilay ng matanda.

"H-ha?"

"Ano ho?" hindi kami nagkakaintindihan.

Napakamot sa ulo ang matanda. " 'yong mama mo kamo nasaan? Uutang sana ako."

Kumunot ang noo ko. "Wala naman po kayong pinatagong pera diba?"

"Uh.. mapagbiro ka talaga hija."

I don't get him.

Saglit akong tumingin sa matanda na problemadong-problemado kung saan kukuha ng pera.

"Iuwi n'yo na po 'to.." inalok ko na sa kan'ya ang naiwan pang mga kakanin. Alam kong hindi pa siya nagmemeryenda.

"Pasensya na po kayo at 'yan lang ang kaya ko pong ibigay..." Nag aalangan pang tinitigan ng matanda ang supot sa huli ay tinanggap niya rin.

"Marami-rami pa ito hija... baka magalit mama mo."

Umiling ako. "Sa inyo na po 'yan saka hindi naman po magagalit n'yan si mama."

"S-salamat hija... maraming salamat..." Ngumiti ako at nawala ang pagkailang niya.

"Walang anuman po 'yon."

"May naghahanap sa mama mo Leigh. Nakita ko siya sa labas ng bahay niyo."

"P-po?" sandali ako nag isip kung sino 'yong naghahanap. "Baka po bisita ni mama-"

"Mayaman hija. Maputi siya na kalalabas lang ng mamahaling kotse no'ng nakita ko."

Naguguluhan na 'ko. "b-baka Naman po nagkakamali kayo-"

Kaagad na umiling ang matanda. "Hindi. Sigurado ako hija, hawig siya ng mama mo at parang kaedad niya lang."

sino ang tinutukoy niya?

"nandito na po-" natigilan ako nang marinig ang boses ng babae na hindi pamilyar sa'kin.

Damn Obsessed With YouWhere stories live. Discover now