Chapter Nine

58 2 0
                                    

Chapter Nine
Lunch time

Dmitri's POV

"Don't forget the project that I gave. So that's all Class A..." nakatingin lamang ako sa board habang umiikot sa mga daliri ko ang ballpen. Halos lahat ng mga kaklase ko naghihintay na sabihin ng Prof ang favorite line nila, "class dismissed."

Third period palang pero bakas na sa mga mukha nila ang pinagsamang katamaran at pagod.

Lyana approached me, "Dmitri come on, let's get some lunch."

"May baon kasi ako ditong lunch," saad ko sabay lapag ng lunchbox sa table ko. I smiled. "Siguro dito nalang ako sa classroom kakain."

Binagsak niya ang mga palad niya sa table ko. "Masama ang hindi nag s-share Dmitri. Come on, doon tayo sa cafeteria then share tayo."

Hindi talaga ako maka-hindi sa mga ngiti niya, "oh sige na nga. Tara."

Nang makalabas kami ni Lyana sa room ay sinamantala ko na busy si Lyana sa pagtipa sa cellphone niya. Saglit akong sumilip sa classroom ng pinsan ko, "Reegan!" Kahit busy siya sa pag guhit sa papel niya ay lumingon pa rin siya sa direksyon ko. Sumenyas ako sa kaniya at inangat ko ang paper bag na may lunchbox ko. Kinausap niya saglit ang katabi niya at saka siya lumapit sa akin.

"Sorry panget, I can't. I still have a works to do." I saw the sadness in his eyes.

"Okay lang, p'wede pa naman sa susunod kung kailan ka libre." I replied. Inabot ko ang paper bag sa kaniya. "Oh, sayo na 'yan. Kainin mo ah? Luto ko 'yan. Kukuha nalang kami ni Lyana sa cafeteria ng pagkain."

Ibinalik niya sa akin ang paper bag, "salamat nalang pero nalimutan mo yata na meron din ako n'yan dito. Don't worry kakainin ko 'yun. Sorry ah, bawi ako next time panget."

Ngumiti ako at tinap ko ang balikat niya. "Okay nga lang, una na kami ah? Bye!"

"Just a minute." Ngumiti siya sa akin at iniwan na ako sa table naming dalawa. This is the first time na nagpunta ako dito sa cafeteria at ang bigat ng atmosphere, pakiramdam ko lahat sila ay nasa akin ang atensyon nila.

Sa isang iglap ay nawala si Lyana sa pila sa buffet section. Hinanap ng mga mata ko si Lyana ngunit hindi ko na siya matanaw. Gaya sa mga buffet, nakapila ang EIS students upang kumuha ng ano mang gustuhin nilang dish sa section na iyon. Katabi ng buffet section ay ang dessert section.

"Hey, look who's here!"
"Eww!"
"Oh, she bought something... is that a lunchbox?"

Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang tatlong babae na abala sa pag ikot ng kanilang daliri sa dulo ng buhok nila at panay ang pag irap sa akin.

"S girls," I heavily sighed. "Ayaw ko ng gulo."

Inilapit ni Scarlett ang mukha niya sa akin at ngumiti my matamis. "Paano kung gusto namin?"

Oh no...

Naningkit ang mga mata ko nang naglapag si Samirah ng carbonara sa harapan ko while wearing a smile... a weird smile to be exact. "You're gonna love this Dmitri."

Sasha just sat beside me. She removed the paper bag on the table and placed it under. "Masyadong boring lunch mo Dmitri. Aware ka naman siguro na may buffet ang school natin araw-araw right?" Sasha while playing my hair.

Samirah crossed her arms and pitifully looked at me. "So you don't need to bring your on meal here, masyadong boring 'yon duh."

"H-Hayaan niyo nalang ako." I said while silently praying for Lyana to come over. Nasaan na ba siya?

Napa-aray ako sa sakit nang mariing hawakan ni Scarlett ang panga ko. "No sweetheart. Magiging masama naman kami n'yan kung hahayaan ka nalang namin na kumain n'yang marumi mong food."

Nasa aming apat na ngayon ang atensyon ng lahat, naghihintay sa kung anong kasunod na gagawin ng tatlo sa akin. Ito ang gustong-gusto ng tatlo, ang atensyon.

"Ito mangyayari sayo sa oras na dumikit ka pa sa kaniya Dmitri." Naramdaman ko nalang ang lagkit ng sauce sa mukha ko nang isubsob ako ni Scarlett sa carbonara.

"Sa dami ng p'wede mong dikitan Dmitri, si Reegan pa talaga huh? Pathetic," dagdag pang saad ni Scarlett.

Humigpit ang hawak ko sa palda ko at pilit na humihiwalay sa pagkakahawak nilang tatlo sa akin. Si Scarlett ay nakahawak sa buhok ko habang sina Sasha at Samirah naman ay nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Hindi niyo naiintindihan!" pinsan ko si Reegan...

"Just shut up Dmitri. 'Wag ka nang sumagot." Nakangiting saad ni Sasha at tinulungan si Scarlett sa buhok kong isubsob ako sa carbonara.

"Look what you've got lately, huh? Tinanggihan ka ni Reegan dahil panget ka! Look at yourself, are you even a human?"

"Walang ka-fashion-fashion sa katawan."

"Nagdadala ng maruming foods, eww yuck."

"Si Reegan... h-hindi niyo kasi naiintindihan..." Wala na akong makita sa paligid dahil natakpan na ng sauce ang salamin ko.

"Get off me! Ayaw ko na!" Sa sobrang kagustuhan kong makaalis sa kanilang tatlo ay inapakan ko ang paa ng dalawang katabi ko at sabay ko silang itinulak.

Nang akmang aalis na sana ako ay hinila ni Scarlett ang buhok ko. Tila matatanggal na yata sa anit ang mga buhok ko. Muli niya akong sinubsob sa carbonara.

"E-Enough Scarlett..." nahihirapang saad ko.

"Ayaw ko!" Nang umangat ang ulo ko ay dumapo ang palad niya sa pisngi ko na nakapagpatumba sa akin sa simento.

"Eww yuck. This is disgusting!" Tinutukoy niya ay ang sauce na kumapit sa palad niya. "Hindi lang 'yan ang matatanggap mo sa oras na dumikit ka pa sa lalaking hindi naman sayo. Ilusyunada! Let's go girls." Hindi ko na muli pang naramdaman ang presensya nila.

May tumakas na luha sa mga ko. Inalis ko ang sauce sa salamin at mukha ko gamit ang panyo na galing sa loob ng blazer ko.

Hindi ko na nagawa pang lumingon sa paligid ko dahil tanging tawanan at pangungutya lamang ang matatanggap ko. I automatically grab the paper bag and run away from the cafeteria.

I ended up in this small room with six cubicles. Nasa comfort room ako ng third floor ng highschool department. Malinis naman dito at tahimik. Tumungo ako sa lababo at binanlawan ang panyo ko saka ako naghilamos para matanggal lahat ng sauce sa mukha ko. Naupo ako sa bowl ng pangatlong cubicle at tahimik na kumain ng lunch ko.

This is how I spent my lunch time everyday. Instead of eating my lunch in the cafeteria, I always ended up in this cubicle. Lagi namang ganito, sanay na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Damn Obsessed With YouWhere stories live. Discover now