Chapter 1

48 7 0
                                    

—First Call—

Haerin

Takbo...Takbo....

Walang katpusang pagtakbo ang ginawa ko. Agad akong tumigil sa park, sa sobrang takot ko di ko namalayang napalayo pala ako.

Nanginginig akong umupo sa damuhan at sinapo ang aking muka.
Hanggang ngayon ay di mawala ang takot ko at ang pagluha ng aking mga mata. Ayokong umuwi ng ganto ang itsura ko siguradong magtataka sila kuya.

'Nasundan niya kaya ako?'
'Ano bang kailangan niya sa akin?'
'Ano ibig sabihin niya sa kanya ako?'
'Sino ba siya?'
Yan lamang ang mga katanungan na gumugulo sa utak ko na alam kong di ko malalaman ang kasagutan.

Madiin kong pinikit ang aking mga mata at pilit na nililimot ang mga nangyayari kanina.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang aking sarili bago mapagpasyahang umuwi. Dahil takot parin ako ay tumakbo ako at baka makasalubong ko uli ang misteryosong lalaki.
.
.
.
.

Takot na takot akong pumasok sa bahay, at dahil sa pagtakbo ko kanina ay nahihirapan din akong huminga.

"What happen?" alalang tanong ni Kuya Troye sa akin.

"Kuya..." mangiyak ngiyak kong sambit,

Sigurado ako pagnalaman nila Kuya yung nagyare, hahanapin nila yung misteryosong lalaki. Baka mapahamak pa sila lalo na't hindi simpleng stalker ang lalaki yun.

"Kuya may multo sa labas" pagsisinungaling ko, agad naman itong humagalpak ng tawa.

"Pffft....Hahahahha Haerin ang tanda mo na, naniniwala ka parin sa multo" na di na halos makapagsalita katatawa nito.

Inis ko itong tinignan at inirapan.

"To naman nagtampo agad" paglalambing nito sa akin at ginulo maigi ang aking buhok .

"Anong nangyare dyan?" bungad na tanong ni Kuya Luke.

"Etong si Haerin, nakakita daw ng multo" pailing iling nasabi ni Kuya Troye at iniwan kami ni Kuya Luke sa salas.

Agad na lumapit sa akin si Kuya Luke at bumulong.

"Totoo bang nakakita ka ng multo?" mahinang bulong nito, kahit di parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina ay natawa parin ako dahil sa sinabi ni kuya. Si Kuya Luke kasi ang pinakaduwag sa aming magkakapatid.

"Oo, nakakatakot kuya yung itsura para siyang..." kunwaring natatakot kong sabit.

"Parang?" para bang batang takot na takot si kuya ng tanungin ito sa akin.

"Parang ganto!" parang tanga akong tinirik ang nga mata na kulay puti lamang ang kita sa kanya at nagpose ala white lady.

"Talaga!" di makapaniwalang sabit nito.

"Actually katabi mo siya" ako sabay takbo palayo sa kanya habang tumuturo sa kanyang gilid.

"Ahhhhhh!!" irit nito sabay karipas ng takbo papunta sa akin.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagtawa parang tanga si kuya potek.

"Hahahahaha, ang tanda niyo naniniwala pa kayo sa multo" ulit ko sa sinabi sa akin ni Kuya Troye.

"Di ako takot no, baka kasi umiyak ka pag di ako nagreact" pagsisinungaling nito.

"Bala ka dyan,ano yang nasa likod mo" biro ko sa kanya pero imbis na magulat at matakot ay dumaretso na lang ito papuntang kusina.

"Kahit kailan pikon talaga yun" natatawa kong sabi.

"Haerin pumunta ka na dito, kakain na" yaya sa akin ni Kuya Troye.

My Mysterious StalkerWhere stories live. Discover now