Chapter 4

27 6 0
                                    

—Bestfriend—

LAKE

"Nasan si Captain?" tanong ko sa mga teammates ko.

"Di mo ba alam nasa hospital si Haerin" sabi ng isa naming teammate. Magrereact pa sana ako nang biglang tumakbo si Rust, umiling na lang ako at tinanong ulit ang aming kateam.

"Saang hospital?" tanong ko dito. Sinabi nito sa akin kung saang hospital at agad ko namang hinabol si Rust.

"Rust!!" sigaw ko, agad itong tumigil sa pagtakbo at inintay ako.

"Bilisan mo nga!!" inis nitong sabi.

"Takbo ka ng takbo di mo naman alam kung saan" sabi ko.

"Saan nga ba?" tanong nito at imbis na sagutin ay sumakay na lamang ako sa kotse .

"Saan ba kasi?" inis nitong tanong sa akin.

"Chill ka nga, ako magdrdrive diba so alam ko" inis kong sambit.

"Baka kasi ano na ang nangyari kay
Haerin" alala nitong sabi.

'Di ko na lamang iyun pinansin at mabilis na pinaandar ang kotse

-
*At the hospital*
-

"Nurse na kaconfined po ba dito si Haerin Anne Leves?" tanong ko sa isang nurse.

"Opo room 205 po" sabi nito at agad kaming tumakbo papunta doon.

Pagbukas namin ay agad naming nakita si Haerin na kaupo sa kama nakatabi si Cave at ang dalawa niyang kuya na nakaupo sa sofa.

Agad pinuntahan ni Rust si Haerin.

'Bakit kasi di pa niya aminin na may gusto siya kay Haerin' (sabi ko sa aking isip)

"Are you okay?" alalang tanong ni Rust kay Haerin, agad namang ngumiti si Haerin

"Yah, don't worry I'm fine" Haerin habang naguusap ang dalawa ay umupo ako sa tabi ni Troye.

"Anong nangyari?" tanong ko dito.

"Sabi ng doctor over fatigue daw kaya nahimatay baka mamamaya uuwi din kami" sabi nito at nagnod lang ako.

RUST

Alalang alala kong nilapitan si Haerin.

"Are you okay?" alalang tanong ko kay Haerin, agad itong ngumiti.

"Yah, don't worry I'm fine" Haerin.

"Thank God akala ko kung ano nangyari sayo" sabi ko habang mahigpit na hiniwakan ang kamay nito.

"Ehem!!" malakas na pagubo ni Cave.

"Masyado na ata ang pagaalala mo" sarkastikong sambit nito habang nakatingin sa kamay ko na hawak hawak ang kamay ni Haerin.

"Bestfriend niya ko kaya ganto ako magalala" sabi ko at mas hinawakan ang kamay ni Haerin.

"Boyfriend ako kaya bitawan mo na siya" inis nitong sabi, nagmatigas parin ako at di ito binitawan.

Akmang hihilahin ni Cave ang kamay ni Haerin."Ano ba!!para kayong bata" inis na sambit ni Haerin at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"Pinapaalam ko lang kasi dyan sa bestfriend mo kung hanggang saan ng siya" sarkastikong sambit ni Cave, kahit masakit ay di pa rin ako nagpatinag.

"Cave!" saway sa kanya ni Haerin.

"Mas lalo lang akong naiistress sa inyo, bakit ba di kayo magkasundo, diba bago pakita naging bestfriend Rust, eh magkaibigan na kayo" inis na sambit ni Haerin.

"Dati yun" sabi ko sabay upo sa tabi ni Lake.

"Kaya lang naman sila di magkasundo dahil sayo" birong sabi ni Lake kaya agad namin siyang tinignan ng masama ni Cave.

"Oh...Chill lang nagbibiro lang ako" natatawang sambit nito.

"Kung gusto niyo magaaway wag dito" sabi ni Troye sabay alis kasama si Luke.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko dito.

"Bibili ng pagkain" sambit nito.

"Sama ako,di ko kayang makasama sa isang kwarto si Captain Kweba" sabi ko sabay alis.

"Ano daw?!Hoy!!" rinig kong sigaw ni Cave nang tumakbo ako palabas.

"Tumahimik ka nga dyan!!" inis na sigaw ni Haerin kay Cave. Rinig na rinig ang bangayan ng dalawa sa labas ng kwarto.

"Oy!!Wag niyo kong iwan dito, baka mamatay ako ng wala sa oras" sabi ni Lake habang hinabol kami palabas.

"Aray!" daing ni Lake, agad namin itong nilingon nakita na lamang namin si Lake na nasa sahig at may nabunggo isang lalaki.

Agad namin itong nilapitan.

"Kahit kailan ang tanga mo" biro ni Luke habang tinutulungan itong tumayo.

"Ay...sorry pala sa katangahan ng kaibigan namin" paghingi ko ng pasensya dito at akmang tutulungan siya ng bigla na lamang itong tumakbo.

"Oy!!" sigaw ko dito at akmang hahabulin.

"Hayaan mo na yun" sabi sa akin ni Troye.

"Weird" sabi ko na lang at nagpasya na kaming umalis.

HAERIN

"Kahit kailan napakaseloso mo" inis kong sabi kay Cave.

"Nagseselos ako ng may dahilan" inis naman nitong sabi, inirapan ko lang ito at tsaka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Magpapahangin" sabi ko at naglakad palabas.

"Samahan na kita" presenta nito.

"Ayoko galit ako sayo ngayon, wag mo kong sususnda kundi. Makakalbo kita" inis kong sabi sabay alis.

Habang naglalakad ay tinignan ko kung sinundan ba ko ng seloso kong boyfriend. Takot lang nung makalbo.

Tahimik akong naglalakad ng may bigla akong naramdaman na kakaiba. Agad kong nilingon ang likod ko. Wala namang tao.

Dapat siguro nagpasama na talaga ako kay Cave, napagpasyahan ko na sanang umalis at bumalik sa kwarto nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Haerin" mahinang tawag nito, at dahil na rin sa curiosity ay hinanap ko ito.

"Haerin!!" mas malakas na tawag nito sa kin kahit takot ay tinapangan ko ang aking sarili. Nakita ko ang isang kwarto kung saan ko naririnig ang tinig. Walang pagaalinlangan ko itong binuksan

Bumungad sa akin ang isang madilim na kwarto.

"Haerin!" malakas na tawag sa akin ng tinig.

Agad kong hinanap ang switch ng ilaw kinapa ko ito at binuksan laking gulat ko na makita ang bahid ng tuyong dugo doon. Mas kinabahan, at mas natakot pa ko.

Agad kong hinanap ang taong tumatawag sa akin ngunit ang nakita ko lamang ay isang tape at nakarecord dito ang boses na tumatawag sa akin. Agad ko itong pinatay, at napasin kong may nakaipit na sulat doon

~To my dearest Haerin~

Hi baby, sorry ha, dahil natakot kita kaya siguro ka nahimatay. Hayaan mo sa susunod babawi ako sayo.

-Your one and only Stalker.

To be continued...
.
.
.
.
//Vote//Comment//Share//

My Mysterious StalkerWhere stories live. Discover now