MATH 7

1 0 0
                                    

" Andito na tayo Limay, Sigurado ka ba dito? Akala ko ba tutol ka sa bagay na ito?" tanong ni Ate Sylvia pagkababa namin ng kotse.

" Don't worry ate Sylvia. Hindi sisipot ngayon ang Montavier heir." Confident na sagot ko saka ako humakbang patungo sa loob ng rest house.

Sumalubong sa amin ang mga katulong na nakahilera at bahagyang nakababa ang ulo.

Maya maya pa ay sinalubong kami ng isang babae na nagpakilalang si Maiden, ang Personal Assistant daw ni Javier Montavier.

" Hello there! I am really glad to finally meet the Dangley princess. Maupo ka hija. Have a seat. Make yourself comfortable." Nang lumingon ako ay Nakita ko ang isang matandang lalaki na nakaupo sa wheel chair. Malawak ang ngiti nito.

"Magandang hapon po,Sir"

Nginitian ko rin siya bago umupo sa tapat niya.

"Yaman din lamang at kalaunan din ay magiging asawa ka ng Apo ko, Lolo nalang ang itawag mo sa akin hija."tawang sabi nito.

Ang saya niyo po ha pero hindi po ata mangyayari ang kagustuhan ninyo!

"Sige po Lo..Lolo."

"Anselmo just informed me that he can't accompany you in coming now.That man is really working his ass out for you."

For me?I don't think so.He's doing it for himself.
Ngumiti na lamang ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na napakaganda mo pala hija.Bagay talaga kayo ng apo ko.He'll be here in a minute." sabi niya.

"Salamat po Lolo."Tumango lang ako ng bahagya.

Hwag na po kayong umasa.Hindi na darating yun!

"Hi my future wife."

Napaigtad ako dahil sa boses na narinig ko mula sa aking likuran.Nagdulot ito nang tila maliliit na hibla ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

Nang lumingon ako ay halos mahimatay ako nang mapagtantong siya yung gago na laging nambubully sa akin.

"Tch.You actually came?I didn't expect this." blangko ang mukhang saad nito.

"Ikaw?!!" halos manlumo ako ng maproseso ng aking isipan na siya yung lalaking gustong ipakasal sa akin ng lolo ko.

"It's good that you're here Ali.Come on and join us here."

"Salamat po Lo."
Umupo ang tinawag niyang Ali sa tabi ko at pasimple niya akong tinapunan ng matalim na tingin.

"Looks like you've already met each other.So,what's the story?

Bigla akong napatingin sa kanya.Ang mga nanlilisik na mga mata niya kanina ay napalitan ng mga nangungusap na mga mata.

Best actor talaga ang gago!

"Ang totoo po niyan, itong apo niyo po----"

"We are from the same university Lo.Yeah.We're actually school mates and I help her out since she's a newbie,I mean she just transferred and she's just in her 2nd year.So, that's how we became friends.It's really a pleasant surprise to see her today." he said in a soft voice.

Tama ba yung narinig ko?He help me out?Kelan?Saan?Paano?

Tsaka paano niya nalaman ang mga details about me?

"Natutuwa akong marinig yan Apo.It seems that you two can get along well.Natitiyak kong matutuwa rin si Anselmo.Sana nga ay magkaunawaan na kayo at ng maplano na ang kasal.Alam kong kagaya ko ay nasasabik na si Anselmo na magkaroon ng apo sa tuhod."

Madulimay and The Three HunksDove le storie prendono vita. Scoprilo ora