CHAPTER 12

6.3K 107 6
                                    

Nagising ako dahil ang lamig, pagmulat ko ng mga mata ko nagulat ako dahil wala ako sa kwarto ko, I moved and scanned the room. Shit? Nasaan ako? Napatingin ako sa suot ko, I am waring a pair of black PJ's na medyo maluwag sa akin. Napahawak ako sa ulo ko at pumikit, iniisip ko kung anong nangyari kagabi. Kung nasaan ako ngayon. Ang naalala ko ay nagpunta kami ni Lisa kina Chae dahil birthday niya. Nag-inuman kami tapos...

"Ah shit." 

Tatayo na sana ako nang bigla kang lumabas sa pinto, nakabath robe ka at pinupunasan ang buhok mo. 

"Good morning." Nakangiting bati mo.

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko.

Ngumiti ka lang at kumuha ng damit sa closet mo. 

"Here, take a bath. Kasya naman siguro sayo yang damit ko. Tapos etong undies.. wag ka mag-alala bago yan. Bilisan mo na malelate tayo sa Class." sabi mo sabay abot ng gamit sa akin.

Hindi ako kumilos, pinipilit ko parin alalahanin ang nangyari kagabi. 

"Huy Jennie, kilos na I have 7:30am class.. diba 8am yung sayo? I can't leave you here." paliwanag mo.

"Teka iniisip ko kung anong nangyari kagabi."

Lumapit ka sa akin, sobrang lapit ng mukha mo. Naamoy kita, fresh from the bath scent. Bahagya kita itinulak pero lalo mo lang inilapit ang mukha mo.

"Hindi mo maalala?" nakangiting tanong mo.

"Ahh. ehh.. Hindi." mariin na sabi ko.

"Gusto mong ipaalala ko sayo?" seryosong sabi mo.

Itinulak kita at tumawa ka lang. Pumasok ako sa banyo at inilock ito. Bakit ako andito? Bakit suot ko ang PJ's mo? Shit shit. Anong nangyari kagabi? Naghubad ako ng damit at nagulat ako sa nakita ko sa undies na suot ko.. Blood stain. Biglang nag sink in sa akin lahat ng nangyari.

"Putangina Jennie anong ginawa mo??" tanong ko sa sarili ko.

Ilang minuto akong naupo at iniisip kung anong gagawin ko pagkatapos nito, are we really going to be a fuck buddy dahil sa utang ko? Nobody deserve to be just a fuck buddy not unless yun lang talaga ang gusto mo sa isang tao. Parang hindi ko yata kaya yung ganitong set up? Specially hindi naman kita masyadong kilala pa? Paano kung manyak ka pala? Shit.

Maya maya ay kinatok mo ang pinto. "Jen, nakatulog ka na yata dyan?" natatawang sabi mo.

Naligo ako at nagbihis. First thing first, anong gagawin ko pagkalabas ko ng pinto? Anong sasabihin ko sayo? Bahala na nga..

Lumabas ako ng kwarto at nakita kitang nakaupo sa kama, halatang iniintay ako.

"Alam mo mas maganda ka kapag bagong gising." nakangiting sabi mo. 

"Aga aga naman Manoban.. Tara na nga." sabi ko.

Tumayo ka sa kama at iniabot ang gamit ko. Palabas na tayo ng kwarto nang bigla mong hinila ang kamay ko at itinulak sa likod ng pinto. 

"Nasaan muna good morning kiss ko?" sabi mo.

"Grabe? Hindi pa ba dapat yung kagabi?" mataray na sabi ko.

Napangiti ka, yung ngiting nakakaloko. "So.. naalala mo na?" pang-aasar mo.

"Oo.. tara na malelate na tayo." sabi ko sabay tulak sayo.

"Not until.." 

Tuluyan mo na akong siniil ng halik, hindi ko maalala masyado yung nangyari kagabi dala ng kalasingan. I didn't know your lips taste so damn good. Twas a slow and passionate kiss pero sobrang sarap. Hindi ko na napigilian, ipinalupot ko ang braso ko sa leeg mo at gumanti ng halik. 

We're both catching out breath nang humiwalay ka. Tinitigan at nginitian mo ako, nagulat nalang ako dahil hinalikan mo ako sa noo at hinawakan ang kamay ko palabas ng kwarto. 

Nakatingin ako sa kamay mo na hawak hawak ang kamay ko habang pababa tayo ng hagdan. Sinalubong tayo ng kasambahay niyo sa binati ka nito.

"Good morning Lisa." sabi ng matanda. Napatingin ito sa akin at binati din ako. 

"Ya, si Jennie pala.. Girlfriend ko." proud na proud na sabi mo. 

"Hello po." nahihiyang sabi ko.

"Siya ba yung.." bigla mong pinutol ang sasabihin niya.

"Alis na kami ya." humalik ka dito at nagpaalam na. 

Siguro sobrang close niyo ng Yaya mo? Bakit ganon? Ang pagkakakilala ko sayo ay basag ulo na maraming kalokohan sa school pero bakit ganito ka ka soft? 

Pinagbuksan mo ako ng pinto ng kotse mo. Puta? Bakit ka ba ganyan?

"Gutom ka ba?" tanong mo habang nagddrive.

"No.. slight lang." sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko, napabuntong hininga ako sa dami ng missed calls. Puro si ate at tinatanong kung nasaan ako. 

"Tumawag si Rose kagabi nung tulog ka na, sinabi ko nalang na kapag hinanap ka sa inyo sabihin na doon ka sa kanila natulog." sabi mo.

Dumaan tayo sa Mcdo at nagdrive thru ka kahit sinabi ko na hindi ako gutom. Iniabot mo sa akin ang fries at chicken nuggets na binili mo. 

"Here." sabi mo.

"Thank you." sabi ko.

Pangalawang araw palang kita kasama pero bakit parang iba ka sa pagkakakilala ko? 


GIVE ME LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now