CHAPTER 17

4.7K 95 7
                                    

"Thank you." matipid na sabi mo.

"You're welcome" sabi ko naman. 

Nagpaalam ka na at pumasok na sa loob ng bahay niyo. Sumakay ako sa kotse ko at hindi agad ako umalis dahil nagcheck pa muna ako ng phone. Maya maya ay biglang may kotse na bumusina sa harap ng gate niyo.

Nagtaka ako at napatingin, nakabukas ang bintana nito sa Driver's seat. Natigilan ako sa pagscroll sa phone ko nang marealize ko kung sino ang driver.

Kim Jongin.

Campus Heartthrob, Basketball player at.. number 1 babaero. So basically number 2 lang ako chos. Anong ginagawa niya dito? Sinong dinadalaw niya? Pasimple akong bumaba at sinilip mula sa labas ang nangyayari. Pumasok ang kotse ni Kai sa bahay niyo at pumarada ito.

Nakita kong may kinuha siya sa backseat ng sasakyan niya.. Bouquet of Flowers. Iniisip ko kung nanliligaw ba ito kay Irene? Parang hindi ko naman sila nakita together? or wala naman din akong narinig na chismis about them.

Napanganga ako nang sinalubong mo si Kai. Nakangiting binati mo siya at ninalikan niya naman ang pisngi mo. iniabot nito sayo ang dala dala nyang bulaklak at pumasok kayo sa loob ng bahay niyo. 

Teka lang? Hindi ko rin alam na may something sa inyo, wala din akong nabalitaan na kahit ano about you and him. May kurot sa puso ko nang makita ko kung paano ka niya hinagkan. Sumakay ako sa sasakyan ko at nagdrive na pauwi. 

Mixed emotions.

Should I be mad? Valid ba na magalit ako sayo? Valid ba na magselos ako kahit alam naman natin kung ano lang ang set up na ito? Or siguro sadyang umasa lang ako na baka sakali.. baka pwedeng maging tayo kahit ang layo layo mo sa akin. Humiga ako sa kama pagkadating ko sa bahay. Kailangan ko bang takutin ka ulit para lumayo ka kay Kai? Nababaliw na ata ako.


Hindi kita sinundo kinabukasan, wala ako sa mood para makipag kalokohan. Pagkadating ko sa Uni dire-direcho akong bumaba sa sasakyan, binuksan ko ang backseat at kinuha ang mga gamit ko.

"Good morning Lisa."

Nagulat ako at napalingon sa bumati sa akin. Nakangiti ito at halatang kakadating niya lang din. Magkatabi ang sasakyan namin sa parking. Ngumiti ako at binati din ito.

"Good morning Miss Kim-- ay Irene." nahihiyang sabi ko.

"Prelims today ah?" tanong nito habang kinukuha ang gamit sa sasakyan niya.

"Uhhhm, yup." matipid na sabi ko.

"Goodluck."

"Thank you." sabi ko nalang. 

Naglakad na ito papunta sa building niya. Kung ganito lang sana kabait ang kapatid niya e di mas okay sana. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad narin papasok ng building. Natapos ang napakahirap na exam at sinadya namin nina Seul na magstay muna sa classroom para magpahinga saglit.

"Naubos braincells ko." oa na sabi ni Jisoo.

"Ay meron ba?" pabirong sabi naman ni Seul.

"Feeling ko ang dami kong tama." pagmamayabang ko naman.

"Nagreview ka??!" sabay na tanong nila at tumango naman ako.

"Tangina himala!"

"Praise the Lorde!"

"Mga siraulo.. Tara na kumain." pag-aya ko. 


Madaming tao sa Cafeteria lalo na kapag lunch break, hindi ko gets ginagawang library ito ng ibang tao. Sana nga maisipan ni Chairman na pagbawalan yung ganito at sa library nalang talaga sila mag-aral. Umupo kami sa usual namin na pwesto, ibinaba ko ang gamit ko at tinanong ang dalawang kupal kung anong gusto nilang kainin.

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko para umorder. Nagulat ako dahil nakita kitang nakapila. Should I run or what? Ayokong makipagtalo sayo today, nawalan din ako ng gana dahil sa nakita ko kahapon. Let me deal with you after exams nalang, I won't let you ruin my focus. 

Okay na sana, hindi mo na ako napansin na nasa likod mo dahil busy ka din sa pagcecellphone kaso lang biglang lumapit si Rose sayo at nagulat ito nang makita ako.

"Uy Lisa! Hiiii!!!" ngiting ngiting sabi nito. 

Nagulat ka at lumingon sa akin. Napayuko ako at marahan na ngumiti.
"Hello" sabi ko nalang.

"Bakit hindi kayo sabay maglunch today?" pag-uusisa nito. 

"Ahh.. ehh busy kasi ako sa exam." sabi ko nalang.

"Ahhhh, oh e andito nalang din tayo bakit hindi ka pa sumabay sa amin?" pag-aaya nito. Nako po. 

Nakita ko kung paano mo hinawakan ang braso ni Rose at pinandilatan ito.

"I'm with my friends eh." sabi ko sabay turo sa dalawang unggoy.

"Ah, wait sino yung maliit?" tanong ni Rose.

"Si Jisoo.. yung papakilala ko sayo." 

"Hmmm kami nalang pala ang sasabay sa inyo." sabi ni Rose.

"Rose tigilan mo." masungit na sabi mo naman.

"Lipat kami ng table sa inyo ha."

Kapag nga naman sineswerte no? Iniiwasan kita pero eto ngayon magkasabay pa tayo kakain. Naalala ko na naman yung nakita ko kahapon. Kayo ni Kai- 

Bumalik na ako sa table bitbit ang food na binili ko, maya maya pa ay nakita kong sumunod na din kayo ni Rose. Nagulat ang dalawang unggoy dahil andito kayo.

"Hi I'm Roseanne" masayang sabi ni Rose.

Napatingin ako kay Jisoo, napatulala ang gaga. Hindi nakapagsalita samantalang sa kanya inaabot ni Rose ang kamay  pero si gaga patay malisya. Iniabot ito ni Seul at ngumiti.

"Hi Rose ako nga pala si Seul.. ang seulmate mo." sabi nito sabay kindat.

"Chu okay ka lang?" natatawang tanong ko kay Jisoo. Tumango lang ito at tahimik na kinuha ang pagkain sa tray.

Naupo si Rose sa tabi niya. Ikaw, ako at si Seul naman sa katapat na upuan. Hindi parin kita binabati, ni hindi mo nga rin ako binabati eh. Tahimik ka lang sa pagkain samantalang si Rose todo kwentuhan sa dalawang ugok.

Nakita kitang kinakatikot na naman ang cellphone mo habang kumakain. Siguro kausap mo na naman si Kai.. Speaking of the devil, bigla itong sumlpot out of nowhere. Ano ba world? Tinetest mo ba ang patience ko today?

Lumapit ito sayo at hinalikan ang pisngi mo. Napatulala sina Rose sa nangyari.

"Hi Babe."

"Hello. Did you eat na?" malambing na tanong mo.

"yes, we had a meeting kanina with the varsity team. I just dropped by here to greet you. Saka I missed you already." malanding sabi nito.

Nakatingin sa akin yung tatlo na tila ba nagtatanong kung anong nangyayari. Uminom nalang ako ng tubig dahil parang hindi ko na malunok ang kinakain ko.

"I'll go ahead na." sabi nito sayo at humalik ulit. Sadyang hambog ba yung lalake na yon? ni hindi man lang kami binati? Kahit isang Hi wala? Walang manners.

"Jennie ano yon?" gulat na tanong ni Rose.

Hindi ka sumagot. Tumayo ako at nagpaalam na.

"Mauna na ako sa classroom. Mag-aaral pa ko." sabi ko.

"Teka lang Manoban hindi mo pa nga nakakalahati yung kinakain mo? Busog ka na ba?" nagtatakang tanong ni Seul.

"Yeah, and I'm too fed up already." sabi ko at lumakad na papalayo. 

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant