CHAPTER 19 - LISRENE

4.9K 95 7
                                    

5:00 PM

Dismissal na at today din ang last day ng exam, ilang araw tayon hindi nag-usap at sinadya ko yon dahil kailangan kong magfocus sa exam. Dali-dali akong nagpunta sa building niyo para kausapin ka. Nakita kitang naglalakad mag-isa sa hallway, akmang iiwas ka pa pero nahabol agad kita.

"Jen.. can we talk?" mahinahong tanong ko.
"I'm busy.. uuwi na ako."

Hindi na ako nakapag pigil at hinila ko ang kamay mo at hinila ka patungo sa garden. Wala ka nang nagawa kundi sumunod, wala rin naman akong balak pakawalan ka.

"Ano bang pag-uusapan natin?" iritang tanong mo.

"Ano mo si Kai?"

"Bakit mo tinatanong saka ano bang pake mo?"

"We have a deal Jennie remember?"

"Fuck your deal. Ni hindi ko nga alam na magiging tayo pala, na part pala ng deal mo yon."

"That doesn't answer my question." iritang sabi ko.

"Why should I answer it anyway?"

"Ganyan ka ba talaga katigas?"

"Wala ka na doon. Excuse me." Akmang lalakad ka na palayo pero hinawakan ko ang kamay mo para hindi ka makaalis.

"Jennie ano ba? Gusto mo bang magtakutan pa tayo? Gusto mo bang makarating ito sa Daddy mo?"

"Go, I am not afraid anymore." matapang na sagot mo.

"So ano mo nga si Kai? Just answer me and then you're free to leave."

"Boyfriend ko." Sabi mo sabay lakad papalayo.

Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko mula sayo. Boyfriend? Kailan pa?


Napaupo ako sa bench at napatulala sa kawalan. Wala naman sa akin yung 3 Million na binayaran ko kay Hanbin, wala naman sa akin yung deal natin. Ang gusto ko lang e ikaw, ang kaso hindi pa tayo nagsisimula tinapos mo na agad. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng chance, kahit konting konting chance lang hindi mo ako binigyan. Or maybe ako lang ang nag aassume na baka sakaling magkaroon talaga ng something between us.

"What a Loser Lalisa." Bulong ko sa sarili ko.

"Hi Loser Lalisa." Sabi ng isang babae, nanggaling ang boses niya sa likuran ko. Paglingon ko siya na naman.

"Irene. Kanina pa pa dyan?"

"Hindi naman, mga 1 minute ago.. pero narinig ko yung sinabi mong loser ka." natatawang sabi nito.

"Oo eh." malungkot na sabi ko.

"Tingin nga?" Nagulat ako ng bigla mong hinawakan ang baba ko at tinitigan ako.

"Ang cute naman ng loser na to." sabi mo at pinisil ang pisngi ko.

Namula ako sa sobrang hiya, hindi ko inexpect ang ginawa mo. Hindi naman tayo close but you're acting like we are. For pete's sake, you are the daughter of the President, isa ka sa kilalang student dito dahil sa Academic Awards na natatanggap mo every year, crush ka rin ng bayan kasi talaga naman na ang ganda mo.

"Thank you. Sana all na aappreciate ako." malungkot na sabi ko.

"Well I do."

"I'm not even your friend."

"Ay hindi ba? How to qualify?" she playfully asked.

"Come on Irene, you shouldn't be talking to a trash like me." sabi ko.

"Ang cute naman ng basura na ito." sabi mo ulit.

"Isa pa maniniwala na ako dyan sa sinasabi mo." Napangiti na ako dahil sa pagpapacute mo. Sino ba namang hindi madadala sa mga ngiti mo?

"So.. we're friends now?" tanong mo.

"Friends." Masayang sabi ko.








I lost Jennie and I earned a friend kaso nga lang kapatid niya, but it doesn't matter.

"Ice cream tayo?" Pag-aaya mo. Gusto kong maiyak dahil malungkot ako, and everytime na ganito ayun lang ang nakakapag pakalma sa akin.. Ice cream. Hindi ko ba alam kung binabasa mo ba ang isip ko or sadyang gusto mo lang mag-ice cream?

Nagpunta tayo sa isang ice cream parlor across the Uni. Sabi ko ay dadalhin ko na ang sasakyan ko pero sabi mo mas okay maglakad para exercise. Ilang beses pa kitang tinanong kung sigurado ka ba maglakad pero nagpilit ka talagang maglakad nalang tayo.

Naupo tayo sa table sa sulok matapos natin mamili ng ice cream.

"So tell me your story." seryosong tanong mo.

"What story?"

"Anything you want to share."

Hindi ko alam na ganito ka pala kasarap kausap, knowing your reputation here ikaw yung tipo ng babae na kinakatakutan ng lahat lalo na at resting bitch face ka. Inabot tayo ng 8PM sa pagkekwentuhan, binalikan natin ang sasakyan ko sa school.

"I really had a great time, thank you Irene." Nakanngiting sabi ko.

"Me too."

"Hatid na kita?" pag-aalok ko.

Bigla kang napangiti at itinuro ang sasakyan mo.

"Oh shit I forgot, convoy nalang kita pwede?"

"No need, saka what for?"

"So I know na nakauwi ka ng safe."

"I'll call you nalang when I got home."

"I don't have your number."

"Is that a way of asking me my number? Ikaw ha, smooth." Nakakalokong sabi mo.

Natawa tayong parehas. "But you said you'll call me, oh is that your way to ask me my number?"

Napangiti ka ulit. Inilabas mo ang cellphone mo at ipinatype sa akin ang number ko.

"Mag-ingat ka sa pagddrive ha." paalala ko bago umalis.

"Thank you my new found friend." sabi mo naman,

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now