Chapter 3 || My Bestfriend

1.8K 23 0
                                    


I woke up in a big white room. I looked at myself. I have bandaged all over my body. Kung paano ako nakaligtas sa malagim na trahedyang iyon hindi ko alam.

All of sudden nag sink in sa akin ang lahat ng nagyari...Our vacation, his proposal, our last hugs and kisses.

Then that tragic accident. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sakit na hindi nagmumula sa mga sugat na natamo ko sa aksidente. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso ko.

Nakaramdam ako ng panginginig, takot at sakit. Parang gusto ko nalang na matapos na ang lahat. I just want to die.

I really don't understand the reason why God gave me a second chance to live. Ano pa ba ang purpose ng buhay ko ngayong wala na si Sam.

Nakita ko nalang ang sarili ko na inaalis ang dextross na nakakabit sa kamay ko. Pinilit kong ibaba ang mga paa ko pero nakaramdam ako ng matinding sakit. Na lalong nagpatindi ng iyak ko. I feel so helpless. Isa lang ang gusto kong gawin ng mga sandaling iyon. Ang makita siya.

"I want to see him." bulong ko...gulong gulo ang isip ko. Halo halong emotion ang nararamdaman ko.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na may mga nurse na umaawat sa akin. Dahil sa kagustuhan kong bumangon. Pilit akong lumalaban sa kanila. Halos hindi ko sila makita dahil sa mga luha sa aking mga mata.

Hanggang sa maramdaman ko na may yumakap sa akin ng mahigpit na mahigpit . Pilit niya akong pinapakalma.

"Sshhh...Anne. Please dont hurt yourself." he pleaded. Napaka familiar ng boses niya..Bigla akong tumigil sa pagpupumiglas.

"Vhong..." gumanti ako ng yakap sa kanya. I cried in his chest. Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"I want to see him...Vhong! He's not dead right? Nasa kabilang kwarto lang siya nagpapagaling...diba?" im in denial. I know! Pilit kong isinasaksak sa isip ko na buhay pa si Sam na hindi totoo ang lahat ng nangyari..

"Anne...im sorry but Sam is dead!"

"Nooo.." sigaw ko sa kanya.

"Please Anne accept it. Ikaw lang ang mahihirapan. Wala na si Sam."

Hindi ko alam kung bakit napakadali para sa kanyang tanggapin nalang ang lahat.

"Nooo. He's not dead. Hindi niya ko iiwan. Nangako siya. And he never break his promise."

"Akala mo ba ganoon lang din kadaling tanggapin na wala na siya." tiim bagang na sagot niya sa akin.

Tumingin ako sa mga mata ni Vhong. Doon ko narealized na mali pala ako. Na hindi rin madali sa kanya ang lahat. I know that he cried too. Kitang kita ko yun sa mga mata niya. And I saw the concerned in his eyes. He's wearing a white t-shirt , ragged pants and slippers. At halata sa mga mata nito ang halong iyak at puyat. He looked so messy. I never seen him like that. Madalas kahit anong problema nandyan siya para magpatawa. Para pagaanin ang lahat.

"Please magpahinga ka na." pakiusap nito. He looked so stress. Ramdam ko yung frustration niya. Alam kung nahihirapan din ito sa mga nangyayari. Halos kapatid na rin ang turingan nilang dalawa ni Sam kaya alam kong masakit din para kay Vhong ang lahat. Tumabi siya sa akin at Naramdaman ko na muli siyang yumakap sa akin. And i managed to calm down. Nawala na rin ang panginginig ng katawan ko.

"Magiging maayos din ang lahat." naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya. Naramdaman ko din kung paano niya pigilin ang sarili para hindi siya umiyak. Nahirapan akong lumunok. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Saka huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayakap kay Vhong. Pero naramdaman ko nalang na inaayos niya akong ihiga sa kama. Gusto kong dumilat pero mas nangingibabaw yung pagod at antok ko. Kaya mas pinili ko nalang matulog. . .

Almost a Love Story || VhongAnneFanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon