Chapter 36 || Anyare?

1.6K 31 8
                                    

Anne's POV

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Winona. Gusto nitong magkita kaming dalawa. May mahalaga daw siyang sasabin sa akin...

Syempre noong unang basa ko sa text message niya medyo nag-alangan ako. Pero may mga gusto rin naman akong itanong sa kanya. Pero may isa itong kundisyon ayaw niyang sabihin ko kay Vhong ang pagkikita naming dalawa.

Sinakto kong tulog si Vhong saka ako umalis. Sinama ko si Vice. Syempre dapat ready ako. Para may resbak ako. Pero syempre umaasa naman ako na magiging maayos ang paguusap naming dalawa.

Sumakay kami sa kotse ni Vice at siya ang nagmaneho.

"Ano naman kayang dahilan kung bakit gusto kang makausap ng babaitang itey sis.."

"Hindi lo alam." actually napakaraming tumatakbo sa utak ko.

"Tandaan mo nasa likod mo lang ako pag may ginawa sayo tawagin mo lang ako." confident na sabi nito.

***

Sa Resto

Nilinga ko ang paningin ko sa paligid. Expecting to see her. Nang makita ko siya ay mabilis akong tumungo sa kinauupuan niya. Hindi ko na hinintay na paupuuin niya ko. Kusa na kong umupo.

"Thanks for coming..." panimula nito. I just looked at her.

"Gaano ba kahalaga ang sasabihin mo at kailangan ko pang itago Kay Vhong ang pagkikita natin." Hindi ko magawang maging mabait sa kanya .

May inilabas siyang envelop at iniabot ito sa akin. Kunot noo Kong tinanggap ang envelope. Confused.

"Open it."

Mas lalong kumunot ang noo ko ng buksan ko envelope. Marriage Contract. Napatingin ako sa kanya.

"Nang-aasar ka ba?" sabi ko sa kanya.

"No!" her eyes softened. "I just want you to know na Hindi ko mapipirmahan ang annulment paper na gustong papirmahan ni Vhong."

"What? Are you crazy? Bakit ba Napa-sellfish mo. Bakit ba kailangan mo pang pahirapan si Vhong." Hindi ko maiwasang Hindi masaktan para Kay Vhong.

"Hindi ko pipirmahan dahil Hindi na kailangan. Dahil Fake and kasal naming dalawa. At nahihiya ako kay Vhong kaya ayokong malaman niya."

"Pero alam mong malalaman at malalaman niya parin ang totoo." i was shocked. Feeling ko di maprocess ng utak ko ang mga sinabi nito.

"Alam ko. Pero siguro pag nalaman niya ang totoo baka wala na ko sa pilipinas. Alam ko magagalit siya sa akin. Pero siguro mas matutuwa siya pag nalaman niya ang totoo."

"Winona..." yun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maiwasang magalit at maawa sa kanya. Magalit dahil sa loob ng mahabang panahon nagawa niya kaming lokohin. Sa loob ng tatlong taon nagawa niyang matiis na naghihirap si Vhong. But at the same time naaawa rin naman ako sa kanya dahil nagawa niya ang lahat ng ito dahil nagmahal siya. Pero sa kasamaang palad hindi siya mahal ng taong mahal niya.

****

Sa kotse

p

"Grabe ang revelation Sis ah!" comment ni Vice habang sinasabi ko ang mga napagusapan namin ni Winona. "Hashtag 'Panteleserye' sabi nito. " dagdag pa nito.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ito kay Vhong." naguguluhang sabi ko.

"Gaga. Di ka ba natutuwa. Cant you see Sissy...Vhong is free. Ibig sabihin walang sabit. So hindi ka kabit,mistress,or other woman. At ang mas masaya doon, matutupad na ang pinapangarap mong makasal at magiging totoo na kayong pamilya."

Bigla akong napatingin kay Vice. Realizing what he just said. Bakit pa nga ba ako mamomoblema kung wala naman talagang problema.

Bigla akong napangiti...

***

Vhong's POV

Pagka gising ko ng umaga kanina wala na sa tabi ko si Anne. At mag-gagabi na wala parin ito. Tinanong ko sila Billy pero wala naman silang maisagot dahil hindi talaga nila alam.

At tawag ako ng tawag pero walang sumasagot sa phone niya.

"Daddy where's mommy?"

"Di ko alam baby eh. Siguro niyaya ng Ninong Vice mo na magshopping." sabi ko nalang kay Zac.

"Naku Viceral pag may nangyari sa mahal ko..itatapa kita." bulong ko.

"Daddy ano po yung tapa?" tanong ni Zac. Dahil narinig niya ata ang mga sinabi ko. Pero ginulo ko nalang ang kanyang buhok.

"Joke lang yun baby." sabi ko nalang.

"Pero hindi po nakakatawa." inosenteng sagot ni Zac. Ako nalang ang natawa. Sa sobrang bibo nito minsan hirap na kong masagot ang mga tanong nito.

***

9:00 PM Hindi na ko mapakali. Dial ako ng dial sa number ni Anne pero out of coverage area. halos mapudpod na ang kamay ko kakatxt pero kahit tuldok wala akong narecieve.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.

Vice Calling....

"Hello Vice nasan ba kayo? Ano walang balak umuwi? San mo ba dinala si Anne at hanggang ngayon wala pa kayo? Ano? Bakit ayaw mo magsalita?"

"Paano ako magsasalita? Eh ang dami mong tanong? Pumunta ka dito sa people's si Anne kasi---." then naputol yung line.

"Hello? Viceral...." bigla ako kinabahan. Dali dali akong pumunta sa labas para kunin ang kotse. Ni hindi ko na naisip ibilin si Zac kila billy. Bahala na...

Kailangan ako ni Anne. . .

Almost a Love Story || VhongAnneFanFicWhere stories live. Discover now