Chapter 8 || Spark Fly

1.7K 42 1
                                    

*A/N: Dahil katulad ninyo excited din ako kaya nagupdate na ako agad agad! haha..*

--------------------------------

Kung paano ako nakarating sa apartment ni Vhong ng ligtas hindi ko alam. Masyado ata akong malakas kay Papa God. Ipinarada ko ang sasakyan malapit sa gate nito. Saktong pagbaba ko biglang buhos ng malakas na ulan. Bigla ring umikot ang paningin ko. Napasandal ako sa may kotse sabay ikot ng tiyan hanggang sa masuka ako.

Basang basa na ko sa ulan ng mga oras na yun. Feeling ko pag lumakad pa ko tutumba na ko.

Para akong basang sisiw habang nakasandal sa kotse. Nanginginig na rin ako sa sobrang ginaw.

Lalakad na sana ko papuntang gate ng bigla akong natisod sa sarili kong mga paa. Iniexpect ko na tutumba ako pero may mga brasong sumalo sa akin.

"Anne..." tapik nito sa mga pisngi ko.

"Vhongskie..."kahit lango ako sa alak alam kong si Vhong ang kaharap ko ngayon. Napangiti ako. Yung kinikilig na ngiti. Pero napapapikit ako dahil sa sobrang lakas ng ulan at dahil na rin sa sobrang kalasingan. Sobrang lapit ko sa kanya. Halos magkadikit na yung mga katawan namin...Pero nagulat ako ng iniayos niya ako ng tayo.

"Anne nababaliw ka na ba?" sigaw nito. Basang basa na rin ito ng ulan. He's wearing a white V-neck shirt and boxer short. He freakin' cute..

"Oo shiguro nga bhaliw na kho. Baaaliw na bhaaaliw na ako sayooo."sabay duro ng paulit ulit sa dibdib niya.

"Ano?" kunot noong tanong nito. Linapit ko ang mukha ko sa kanya. Konti nalang magdidikit na ang mga ilong namin.

"Sabi ko baliw na ata ako sa kakaisip sayo."

"Wait lasing ka ba? Nag-drive ka ng lasing? Paano kung may nangyari sayo. Paano kung nabangga ka. Hindi ka ba nag-iisip." ang dami dami niyang sinasabi. Na hindi ko na maintindihan pero isa lang ang alam ko..nakatitig lang ako sa mga labi niya. "Halika na pumasok na tayo sa loob baka magkasa--." Pero bago niya pa natapos yung sasabihin niya hinalikan ko na siya.

Yes. Tama ang nababasa mo. Hinalikan ko siya. Kitang kita kong nanlaki ang mga mata ni Vhong. Shocked siguro siya. Habang magkalapat ang mga labi namin parang nag slow mo yung paligid. Parang eksena sa pelikula. Kasabay ng slow mo ang background music. Yung chorus ng Spark fly ni Taylor Swift

Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'cause I see sparks fly whenever you smile..

Pero hindi ako nakontento sa pagdadampi lang ng mga labi namin. Masyado akong naging mapangahas. Maybe because im drunk. Or i just really want to feel his kiss.

Hindi naman ako nabigo. He kissed me back.

Oh my gawd he kissed me back...
Sigaw ng utak ko...

He kissed me passionately...and para akong nasa cloud nine. Napahawak ako sa dibdib niya habang hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko.

Siya ang unang kumalas sa halik na iyon. Nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. I saw desire in his eyes. Pero mabilis din iyong napalitan ng lungkot. Hindi ko maintindihan. Hanggang sa umikot muli ang paningin ko.

Then i passed out. . .

*Authors Note:

Hi VhongAnne Fandom..whats up? Nag-enjoy ba kaso sa first kiss nila...

Sana napakilig ko kayo ko kayo kahit konti..haha.

Try to listen nalang yung Spark fly by. Taylor Swift para mas kilig..

Ang mga puso ah baka malaglag..chill lang. hehe.

Abangan ang mga susunod na kabanata. . .

xoBella

Almost a Love Story || VhongAnneFanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon