Chapter 12 || Vhong :)

1.8K 31 4
                                    

Vhong's POV

"What happen to us was perfect. That's the happiest night ever."

Tama ba? Tama ba ang narinig ko...O baka naman nanaginip lang ako.

Saka ko naramdaman na may tumapik sa pisngi ko..

"Huuuuyyy! Vhongskieee.." Anne is still there. Looking at me. She looked worried and confused. Siguro dahil sa naging reaction ko.

"Magsalita ka please...Tell me! you felt the same way right?" Her eyes started to get teary again.

God! She's really gorgeous. With or without make up. Napaka natural.

"I-i dont know what to say."

Im actually speechless. Overwhelm. Lord nasa langit na ba ko. Totoo ba toh? Ang taong matagal ko ng pinapangarap nasa harap ko ngayon. She's confessing her feelings. Her true feelings about what just happen to us.

That night...hindi ko alam kung susundin ko ang isip ko o ang puso. Nang makita ko siya sa labas ng apartment ko na basang basa sa ulan. Natakot ako. Akala ko bumalik nanaman yung dating Anne. Yung Anne na miserable dahil sa pagkawala ni Sam. Pero she was so drunk na lalong nagpakaba sa akin. Paano kung naaaksidente siya habang nagmamaneho. Hindi ko kakayanin. Nung time na yun parang nagflash back sa akin yung nangyari nung aksidente. Nung nakita ko siya sa ospital. Puro benda ang katawan puro sugat. Sabi ng doktor isang himala ang pagkakaligtas niya. Na puro fracture lang ang natamo niya. Sobrang laking pasasalamat ko sa diyos na hindi siya kinuha sa akin. Habang hindi pa siya nagkakamalay nun sobra sobra yung dasal ko halos mabaliw ako kakaiyak. Nagmakaawa ako sa diyos na wag niyang kunin sa akin si Anne.

Kaya nga nung magising siya. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Niyakap ko siya nang mahigpit that time gustong saluhin yung lahat ng sakit na nararamdaman niya kung pwede lang na ako nalang yung masaktan. Kung pwede lang na ako nalang yung maging miserable. Ako nalang yung magdusa. Dahil aaminin ko Mahal ko siya higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan. Pero alam kong may mahal siyang iba. Pinigilan ko ang sarili kasi ayukong dumating yung araw na pati ang bestfriend ko mawala. Dahil siya lang ang buhay ko.

Nung hinalikan niya ko sa ilalim ng malakas na ulan. Para akong lumutang sa ere. Para akong natuod. Hindi ako makagalaw. Napakalambot ng kanyang mga labi. Ganun pala yung pakiramdam ng nasa cloud nine. Ganun pala yung slow mo..At ang puso ko parang malalaglag sa sobrang kilig. Ang tuhod ko parang kakalas sa sobrang lambot. Nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Sino ba ako para hindi gumanti sa matatamis niyang halik. I kissed her gentle and slowly. I just cant resist the kiss. Parang hinahabol ng mga labi ko ang mga labi niya...But then i realized...hindi ko dapat pag samantalahan ang kalasingan niya.

I still manage to break that magic kiss. Hell. Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para pigilan pa yung halik na iyon....

When she passed out akala ko dun na matatapos ang lahat. Akala ko makakahinga na ko ng maayos pero mali ako. Mas naging mapusok si Anne. Siguro dahil lasing siya. Para akong mababaliw. Pinilit kong pigilin yung sarili ko. Pero kahit sarili kong katawan tina-trydor ako...

When she said she wanted me. Para akong nawala sa sarili ko. Parang nakalimutan ko lahat. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong suklian yung mga yakap at halik niya.

That night i wish na sana may forever.

Na sana walang ending yung gabing yun..Na sana kung panaginip lang ang lahat sana hindi na ko magising.

Pero hindi nga ata totoo yung forever...pag-gising niya she's confused. Parang she forgot everything like nothing happen. She said na Plain sex lang ang lahat. To be honest nasaktan ako. Para akong nabasag na baso. Nung nagwalk out ako parang gusto kong magwala. Parang gusto kong umiyak. Pero tinatagan ko yung sarili ko. Bigla bigla pinili kong itago yung sakit. Yung takot. Yung pangamba na baka ito na yung katapusan ng lahat.

Pero ito..ito kami ngayon...kami lang dalawa.

"Mahal kita Vhong...Mahal pala kita. All this time akala ko hindi pwedeng maging tayo. Pero iba yung sinasabi nitong puso ko. Kahit anong gawin ko ikaw at ikaw yung hinahanap nito. ang puso ko mismo ang nagsasabi na ikaw...ikaw yung taong bubuo ulit sa nabasag kong puso."

Sa pagkakataong ito ako na ata yung pinakamasayang tao sa mundo. Ang malaman na mahal ka rin ng taong mahal mo...Napasarap ng feeling.

Mahal kita Anne. Bata palang tayo. Bata palang tayo pinangako ko na sa sarili ko na ikaw ang una at huling babaeng mamahalin ko. At hanggang ngayon hindi nagbago yun. Pero sa pagkakataong ito...hindi ko kayang suklian ang pag mamahal na hinihingi mo...

Yun ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon. Pero hindi ko magawang sabihin.

"I'm sorry Anne..Pero hindi pwedeng maging tayo. Sorry pero hindi ko pwedeng suklian ang ibinibigay mong pagmamahal sa akin." sabi ko kay Anne.

Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya. Gusto ko yung pahirin pero hindi ko ginawa. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya sasaktan pero ano toh? Ano tong ginawa ko? Nakita ko nalang na tumakbo siya palayo sa akin.

Ang puso ko parang sasabog sa sobrang sakit.

Pero alam ko iyon ang tama para sa aming dalawa.

Tama nga ba? Tama bang hindi ko sabihin yung totoong dahilan...



















A/N: Ang labo ni Vhong diba? Yun na yun eh..Pero bakit? Bakit nga ba Vhongskie..? Well..

Abangan nalang natin kung bakit...

Almost a Love Story || VhongAnneFanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon