Isekai part 1

263 28 0
                                    

3rd person pov

pagpasok ng napakagandang babae sa capital,kaagad siyang nilapitan ng mga kalalakihan.

"magandang binibini, maari ba kitang matulungan?"anyaya sa kanya ng isang binatang sobrang ayos at porma ng katawan.

"ako ng maghahahatid sa pupuntahan mo please"sabi naman ng isang lalakeng may magandang buhok.

"ano nga palang pangalan mo binibini?"sabi naman ng isang may sigarilyo pa sa bibig.

seryoso lang ang mukha ng babae at tumingin ng masakit"puwedi niyo ba akong layuan"iritang sagot nito.

tumaas ang kilay ng mga kalalakihan"aba ikaw na nga ang tinutulungan,ikaw pa ang mayabang"galit na sa tugon ng mga kalalakihan.

kaso bago pa makagalaw ang mga ito,mabilis na winasiwas ng babae ang kanyang espada.

at nakalbo ang buhok ng mga lalake.

nanlaki ang mata nila sa bigla at halos ma-iyak"napakabilis!!,delikado Ang isang to, tayu na"biglang silang nagsitakbuhan.

agad naman siyang nakilatis ng mga nakatatanda doon"base sa outfit,isa siyang samurai na galing sa altair clan mula sa artempus region,delikadong lumapit sa kanya"usap-usapan ng mga tao sa paligid.

lahat sila ay nakatingin sa babae"pero balita ko walang babaeng samurai sa clan na iyon"bulong nila.

tumingin muli siya ng masama.

sabay nagsipag-layuan ang iba pang mga kalalakihan.

may isang naiwan hindi makagalaw sa sobrang takot.

Lumapit sa kanya ang babae at kinwelyuhan.

she glare at him para di magtanka ng masama"sabihin mo kung saan matatagpuan ang guild dito?" puwersahang tanong niya halos nakakatakot ang lisik ng mata.

nahirapang sumagot ang lalake"doon sa gitna ng siyudad,direstsuhin mo lang ang daang iyan"utal-utal niyang sabi.

Nagpatuloy maglakad ang babae.

avila yunya pov

Nakaka-iritang mga kalalakihan,ang akala nila porket babae kami ay mahina't,madali lang masisindak at  mapapasunod sa mga kagustuhan nila.

diyan sila nagkakamali,gagawa ako nang mundong mga kababaihan ang nasa itaas.

mundong hindi nangangailangan ng lalake para magtagumpay.

papatunayan ko sa iyo yun ama at ina,wala sa kasarian ang batayan.

upang ikaw ay maging malakas.

nagsimula na akong maglakad at umabot sa guild.

doon maririnig mo ang halos kalalakihang nag-kakasayahan.

bigla silang natahimik ng makita ang imahe ko na para bang nag loading ang kanilang utak.

ngunit may isang makisig na lalakeng tumayo.

"layuan niyo siya akin ang isang to"rinig ko.

sabay lumapit ang lalake ang saakin.

"magandang binibini ako nga pala si kryge,ang nanalo sa paligsahan kanina,sagot ko ang kasayahang ito,maari mo ba kaming saluhan"preskong anyaya nito.

"puwedi bang umalis ka sa harapan ko"sabay tingin ng masakit.

"masyado ka yatang matapang, kahit gaano kapa kaganda at sexing babae,ganito lang din ang silbi mo"sumigaw siya"hoy maid lumapit ka!!"

Fragile PhantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon