Difference part 2

242 24 3
                                    

napuno ng galit sa sarili si yunya,habang nagtatago sa salamader sa loob ng kuweba.

yunya pov

wala parin akong pinagbago di pari  kita maabot kuya,patawad.

bumabalik parin sa ala-ala ko ang isang bata na naghihinagpis sa maliit na sulok.

flashback

Panahong sampung taong gulang palamang ako.

lumaki ako kasama ni kuya.

isang kuya na perpekto malakas,mabait at matalino.

ninais kung maging kagaya niya ng matangap ng mga magulang ko, dahil sa pamilya namin mahina ang tingin sa mga babae.

sa clan namin ang mga babae ay walang karapatang mamuno, pumili ng mapapangasawa o magkaroon ng ibang trabaho maliban sa pagsilbihan ang mga lalake.

gusto kung maging kagaya ni kuya kaya nag-ensayo ako ng sobrang hirap para lang magawa iyon.

but no matter what i do, they wont even look at me, treating me like i was nothing.

even if i perfected all my test and win every duel, they wont even look my way.

dahil maraming kalaban ang aming clan nagawang ma ambush sila ama mula sa isang pagpupulong, at isang lalake ang nakuha ng mga kalaban at ginawang bihag.

pinagpasyahan ng mga nakakatanda sa aming clan na ipalit ako sa bihag, kahit ako pa ang anak ng leader ay di siya nagdalawang isip na ipagpalit ako.

walang pakielam ang clan ko sakin at hindi ako ninais iligtas liban nalang sa kuya ko.

habang ako ay umiiyak sa maliit na silid"Ma, Pa please tulungan niyo ako pinapangako ko magiging mabait na akong bata, kung kulang pa iyon mas babaitan ko pa, please lang wag niyo lang akong iwan"walamg tigil na pag mamakaawa ko, iyak lang ako ng iyak na humihingi ng tulong.

Pero biglang dumating si kuya para iligtas ako kahit taliwas sa kagustuhan ng magulang namin.

nag-aalala siyang nagsalita ng marahan para pakalmahin ako.
"Punasan mo na ang luha mo nandito na si kuya"pag-alis niya ng takot ko.

nahuli siya sa patibong at isinakripisyo niya ang buhay niya para lang makatakas ako.

ang huling imahe na tumatak sa isip ko mula sa kanya ay nakangiting mukha niyang sinasabing"wag kang mag alala,hindi kita pababayaan"ang mga ngiting iyon na ramdam kung may halaga ang buhay ko at mayroong taong may paki-elam para saakin.

matapos ng pangyayareng iyon ipinatugis ako ng mga magulang ko dahil isa daw akong malas.

dahil ako ang dahilan ng pagkawala ni kuya at hindi ko kayang maging katulad niya.

tumira ako sa lugar na puno ng yebe na walang pumupuntang adventurers at pinalakas doon ang ice magic ko sa pinaka harsh environment na iyon, hangang sa umabot na ako sa wastong gulang upang gumanti, babaguhin ko ang baluktot nilang paniniwala.

end of flashback.

sinuntok ko ang lupa at nasabing"wala ng darating para magligtas saatin, tayo ang gagawa ng sarili nating dadanan".

"anong gagawin niyo ate?"naguguluhang sambit ng dalawa.

"gagawa ako ng daan, tumakas na kayong dalawa wag niyong hayaan matapos ang pangarap niyo dito"desididong bangit ko at unti unting lumapit sa salamander kahit pa ika-ika,dahil kumalat na ang pag mamanhid ng katawan ko.

Fragile PhantasyWhere stories live. Discover now