Chapter 4. Are you a gay?

120 71 0
                                    

Gab POV

Maaga akong nagising dahil papasok pa ako at may usapan kami ng mga kaibigan ko na magbabar kami pagkatapos ng eskwela kaya excited ako dahil simula nung lumipat kami ng school hindi na kami nakakapunta ng bar ,nagtataka siguro kayo kung bakit kami nakakapasok sa bar ,eh minorde edad palang kami ,actually kaibigan namin ang may ari ng bar kaya ,walang problema at kung may problema man gumagamit kami ng fake na ID.

At ng matapos na akong maligo nagbihin ako ng black na crop top at black din na jeans na pinarisan ng sneakers na black din ,nagtataka kayo kung bakit lahat black ,eh favorite color ko yan eh at kung bakit ako nakasibilyan,wala naman kasing uniform ang bagong school na pinapasukan namin

Ng tapos na akong magbihis pumunta na ako sa garahe at sumukay sa sasakyan ko ,bago na yung sasakyan ko dahil nga nasira dahil sa nangyari .Dont mention it nasisira lang yung araw ko tuwing naaalala ko yun.Pagkadating ko sa school pinarada ko na kaagad ang ferrari ko dahil nagugutom na talaga ako ,hindi kasi ako nagbreakfast ,kaya dumiretso na ako sa canteen ,habang papunta ako sa cashier dahil oorder na sana ako ng kakainin ko bigla nalang may humila ng buhok ko kaya hindi kaagad ako nakapag react .

Nang bitawan na nito ang buhok ko saka ako humarap at nakita ko ang babae na nakangisi habang nakatingin sa akin .Tinignan ko lang siya na parang wala lang sakin ang nangyari.

" Na miss mo ba ako ha" sabi nito

" matagal tagal din tayong hindi nagkita ,simula nung pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao ,kaya nandito ako para gantihan ka sa ginawa mo sakin ." aniya

" Ah ! kaya pala nagdala ka ng mga higad at haliparot para may katulong ka ,bakit hindi mo ba ako kaya,o baka natatakot kalang sakin."sagot ko naman

" ako natatakot sayo " turo nito sa sarili

" Then fight me na nag iisa kalang ,kung hindi ka nga takot sakin ." panghahamon ko sa kanya

kaya sasabunutan niya na sana  ako ,pero sinipa ko lang siya ,tama na yung unang sabunot niya sa buhok ko dahil hindi ko na hahayaan na mahawakan niya kahit kunting  buhok ko ang sakit pa naman ng pagkakasabunot niya parang lahat ng buhok ko sa ulo natanggal,kaya ayun talbog siya sa ilalim ng lamesa wala naman palang binatbat ,susugod sugod ang hina naman pala .

At susugod na sana ang mga kasama niya ng magsalita ako ,gamit ang pinaka malamig na boses ko

" kung ayaw niyong matulad sa kanya mas mabuti pang umalis nalang kayo sa harapan ko bago pa masira lahat ng buto niyo sa katawan ."

Halata naman na natakot sila sa sinabi ko,kaya ayun nasipagtakbuhan sila palabas ng canteen at yung may sayad naman ayun nahimatay ,dahil siguro tumama yung ulo niya sa dingding sa ilalim ng lamesa ,kaya ayun tinulungan ng mga lalaking buhatin at dinala sa clinic,marami rami narin pala ang nanuod samin ,pero wala na akong paki alam dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko ,magbiro ka lang sa akin okay lang ,wag lang pag gutom ako dahil siguradong paglalamayan ka ng pamilya mo ng mas maaga.

Pagkatapos kung kumain sa canteen ,dumiretso na ako sa room namin pagdating ko nandon na nga ang mga kaibigan ko kaya umupo nalang din ako.

Pagkaupo ko naman sakto lang ang pagdating ng guro namin ,nakinig nalang ako discuss lang naman ang ginawa niya lahat naman ng sinasabi niya alam ko na kasi nag advance study naman ako sa ibang bansa kaya alam ko na lahat kahit pa ang tinuturo sa college .

kaya ng mag bell niligpit ko na ang mga gamit ko dahil hinihintay na ako ng mga kaibigan ko sa labas ng room dahil sabay sabay daw kami kakain.

Ng makapunta na kami ng mga kaibigan ko sa canteen naghanap kaagad kami ng mauupuan at ng meron na kaming makita na upuan kaagad kami umupo don ko lang napnsin na katabi pala ng naupuan namin ang lamesa ng mga ugok ,hindi nalang namin sila pinansi ,nagpaalam si amber na siya nalang daw ang oorder samin alam naman niya ang mga paborito naming pagkain kaya no worry.

Begging for his LifeWhere stories live. Discover now