Chapter 6.Banat Pa More......

106 64 0
                                    

Gab POV

Nang makauwi na kami sa bahay agad akong dumiretso sa banyo, para maligo dahil nga hindi ako makakatulog kapag hindi ako nakakaligo tuwing gabi, si Amber naman ayun pagkatapos magpalit ng damit tulog na agad.

Ako naman marami pa akong gagawin, kailangan ko pang alamin kung sino yung mga tao na nakalaban namin sa labas ng bar. Dahil alam kung hindi lang sila ordinaryong mga gangster na gusto akong patayin kundi,alam kung inutusan lang din sila.

At ang mas ipinagtataka ko ay kung bakit sa paraan ng pagmamasid nila ay hindi man lang napansin ng mga kasama ko na kung tutuusin mas magaling pang makiramdam si Alexis sakin at ang mabilis nilang mga galaw nakakapagtaka talaga at inaamin ko na magaling nga sila pero kung ako ang kailangan nila bakit hindi sila nakikipagpatayan samin sa mga kasama ko kung kailangan talaga nila ako.At ang lalaking iyun parang pamilyar siya sakin parang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala kung saan.Natinag ako ng biglang mag vibrate ang phone ko.

ring...........calling dad

" Bakit po? May problema ba?sagot ko

" pumunta ka dito bukas ng umaga Sa bahay, may paguusapan tayo" sagot nito saka binaba ang tawag

Nagtatanong kayo kung bakit kami ganon kung magusap, hindi naman kami ganyan dati kaya lang ng dahil sa offer niya sa akin na hindi ko kayang tanggapin, kaya ganyan kami makitungo sa isa't isa ngayon,pareho kasi kaming matigas ang ulo at mahaba ang pride kaya wala ni isa sa amin ang magpapatalo.

KINABUKASAN

Nagising ako ng maaga dahil nga pupunta ako sa mansyon ng daddy ko dahil may importante kaming paguusapan at tinext kuna na si Alexis na sunduin niya dito sa bahay si Amber dahil baka hindi ako makapasok, hindi naman siya nagtanong pa.

Beep............Beep...............Beep

"Miss gab nandyan na po ang sundo ni miss Amber"sabi ng maid

"papasukin mo"sagot ko

Alexis POV

Nandito na nga pala ako sa labas ng bahay ni red dahil susunduin ko si Amber, dahil baka hindi daw makapasok si red, siguro pinatawag  na naman siya ng daddy niya,ng buksan ng maid ni gab yung gate pumasok na agad ako, tumambad agad sakin ang gabriela na napaka seryoso at parang may malalim na iniisip.Kaya agad na akong lumapit at tinapik siya sa balikat ,mukhang hindi niya kasi ako napansin na nakapasok na .Nabalik yata ang ulirat niya ng tapikin ko siya balikat kaya agad siyang tumingala ,nakatayo kasi ako habang si red naman ay nakaupo sa sofa.

"oh nandyan ka na pala"sabi nito na parang walang gana

"oo nandito na ako ,kanina pa nga ako ,kaso mukhang malalim ang iniisip natin ah,kaya siguro hindi mo ko napansin na nakapasok na "pag oopen topic ko

" ah ,sige aalis na ba kayo ni amber "sabi nito

"hindi pa naman ,mukhang hindi pa tapos si Amber sa pagaayos ng mga gamit niya eh"sagot ko sa kanya

"Ah sige mauuna na ko sa inyo ,may gagawin pa kasi ako "sabi ni red

"sige ,ingat ka red "alexis

"sige kayo din Ingat sa pagmamaneho"red

POV Fyne

Nandito ako ngayon sa labas ng gate hinihintay ang mga kaibigan ko si unice daw papunta na at si Alexis Ayun sa bahay padaw sila ni red hinihintay si Amber at nabanggit niya na baka daw hindi makapasok si red dahil may pupuntahang importante ,kahit hindi na sabihin ni red samin alam naman namin na pupuntahan lang naman niya ang daddy niya dahil na naman siguro to sa offer na sinabi niya samin ,hindi rin naman namin alam kung anong offer bayun .Kasi hindi naman nagkukwento masyado si red samin tungkol sa mga pinag uusapan nila ng daddy niya at hindi narin naman kami nangungulit dahil baka mauna pa kaming paglamayan kesa sa mga kalaban namin takot lang namin kay red.

Begging for his LifeWhere stories live. Discover now