Chapter 9.The Camp

94 57 0
                                    

POV Gab

Nandito kami ngayon ng mga ka gang ko sa mansiyon ko. Kasi sabi  ko dito na sila tumira.Dahil nakakabored yung ikaw lang mag isa sa bahay.Tapos ang kasama mo lang puro katulong na takot pang magsalita kapag tinatanong mo.

Kaya napag desisyunan ko ng dito na sila tumira at para na rin mas madali kung may kailangan kaming gawin.At pinag bakasyon ko na muna yung mga katulong ko dito para mas madali naming magawa yung kailangan namin gawin.

Nag aayos nga pala kami ng mga gamit namin ngayon. Kasi nag announce yung admin sa gc namin ka gabi na may camp daw kami ngayon. Three days daw kaya mag ayos na daw kami bigla daw kasing nag meeting yung dean.

Tapos sabi may magaganap na camp kaya heto nag liligpit na ako ng gamit si Alexis naman ayun sa baba naglilinis ng sasakyan niya kasi daw yun yung gagamitin namin .Habang yung dalawa naman nag aaway dahil lang sa damit na ibinigay ko.

"Ano ka ba naman Amber ,sakin binigay to ni gab"sabi ni Unice habang hinihila ang swimsuit na two piece.

"Anong sayo binigay,hoy walang sinabi si Gab na sayo, ang sabi niya sa inyo na yan,wala siya binanggit na pangalan.At isa pa hindi yan kakasya sayo dahil ang laki kaya ng dede mo makikita na yan kapag ito yung sinuot. Kaya akin nalang to."sabi naman ni Amber habang hinihila din yung damit

"Anong malaki eh mas malaki yung kay Red kaya nga niya binigay kasi masikip na sa kanya at ikaw naman kapag sinuot mo to makikita narin yang pader mo kasi hindi kasya maluwag kaya mas magandang tignan kapag ako ang nag suot."Unice

Ang ingay talaga nila

"pwede ba tumahimik kayo ang ingay niyo ,nang dahil lang sa damit nag aaway kayo ,parang wala na kayong mga damit kung mag agawan kayo!"Sabi ko sa kanila

"kasi Gab si Unice ayaw pang ibigay sa kin to eh ,marami naman siyang maisusuot diyan mas maganda pa dito."nagpapaawang sabi ni Amber

"eh gusto ko yan eh ,ako nga dapat ang bibili niya kasi ako yung unang nakakita kaso hindi ko naman alam na nireserve na pala ni Red ."sabi naman ni Unice

"eto nalang para hindi kayo mag away nang dahil lang sa damit nayan ,Amber ibigay mo nalang yan kay Unice dahil sa totoo lang hindi yan kakasya sayo, tignan mo nga yang dede mo ang liit maluwag yan sayo.Matatanggal yan kapag sinuot mo ,pagtatawanan kapa niyan ng mga tao kapag nalaglag yan."sabi ko

"pero Gab eh gusto ko rin yan eh"Amber na parang naiiyak na

"Yehey!"Tatalon talon na sabi ni Unice ng bitiwan ni Amber yung swimsuit

"Diba gusto mo yung isa kung swimsuit ,yung itim yung kulay ,yung one piece , sayo nayon ."sabi ko habang naglalakad patungong closet ko ,kasunod si Amber

"Talaga Gab ibibigay mo yun sakin."sabi ni Amber na parang hindi naniniwala pero may excitement sa mga mata niya ,matagal niya na kasi yung gusto pero hindi ko naman maibigay kaagad kasi sinusuot ko pa pero plano ko na talagang ibigay sa kanya yun kasi hindi ko narin ginagamit .Kaya ng makita ko na ibinigay ko kaagad sa kanya .

"Thank you Gab ,gustong gusto ko to talaga ,maraming salamat."sabi nito habang nayakap sakin na tumatalon pa.

******

Kaya ng matapos na naming iligpit yung mga damit namin kaagad na kaming bumaba sakto namang pumasok si Alexis para tawagin kami.

"okay guys tapos na ba kayong mag impake dahil kanina ko pa kayo hinihintay sa labas,Kanina pa nag memessage yung president natin sa classroom kasi tayo nalang daw yung hinihintay."sabi nito

"ito kasi yung dalawa nag aaway pa dahil sa damit kaya natagalan kami kasi hinanap pa ni Red yung swimsuit niya para lang matigil na itong si Amber."Sabat naman ni Fyne

Begging for his LifeWhere stories live. Discover now