150 - 1

7K 69 32
                                    

PAUNAWA. Walang discrimination dito. POV 'to ng character na sa kalaunan ay matututunan ding tanggapin ang mga LGBTQ members, 'wag kang ano!

😂😂😋😋😜😜

WAMPIPTI: 1

"KOYA, wampipti?"

Shit, sino yun mga tsong? Bakit parang pilit na pinapalambot ang boses?

Napahinto ako sa paglalakad. Hindi pa naman ganun kalalim ang gabi. Marami pang taong naglalakad sa bangketa at may trapik pa sa kalsada. Tumatama sa mukha ko ang ilaw mula sa headlight ng mga sasakyan.

Maliwanag 'yon sapat para makita ko ang nagsalita noong nilingon ko ito.

Napairap ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"God, sumpa ba 'to?" tanong ko sa sarili. “Bwaka ng inang buhay ito oh!" dagdag ko pa.

Bakla 'yong tumawag sa akin mga tsong. Kahit saan ako pumunta, may nai-enconter talaga ako. Hindi naman sila nagbubuntis pero taon-taon dumadami sila.

May mag-aasawa na nagfa-family planning para controlin ang populasyon, pero sila hindi. Paano ba sila nagmu-multiply? Nag-aaya ba sila ng makakasapi sa komunidad na tinatawag nilang LGBTQ?

LGBT. Kabaklaan 'yan!

Ako nga pala si Troy, dyesiotso anyos. Kakaluwas lang ng Maynila dahil hinahanap ko ang tropa kong tumigil sa pag-aaral at naglayas sa kanila. Mahirap mang aminin pero naglayas din ako sa amin para sundan si Aljun. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa ako sa pag-aaral. Masipag naman ako mag-aral pero kapos sa pera ang pamilya. Kapag gano'ng sitwasyon, nakakatamad.

Lalo na kapag nakikita mo 'yong parents mo na halos magkandamatay na sa pagtatrabaho para sa 'yo. Kaya minabuti ko na lang lumuwas ng Maynila para magbakasakali. Bakasakaling matulungan ko sila o kaya naman ay makahanap ako ng trabaho na kaya kong matustusan ang sarili sa pag-aaral. Kasabay siyempre sa pagbabakasakali ko na mahanap si Aljun.

"KOYA, sandali lang naman!"

Ayan na mga tsong! Nakalambitin na siya sa bisig ko. Potang inang buhay ito o, problemado na nga ako sa work dumagdag pa ang isang 'to!

Alam niyo mga Tsong, okay lang naman sa akin na may ehem... bakla. basta huwag lang nila akong guluhin. Wag sana ako, iba na lang!

"Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!" palag ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakalambitin niya sa braso ko. "Hindi ka nakakatuwa ah!"

"Alharm ko," sagot niya sa malanding tono. "Pehro kung sasamahan moh akoh ngayon, shure akoh, matutuwa kah."

Gano'n siya magsalita mga tsong. Sa sobrang arte, ang daming singaw, sablay ang pronunciation.

Ang titig niya sa akin parang nang-aakit which is epic fail kasi mas naiimbiyerna ako lalo. 'Yong wink niya, nakakabaliktad ng sikmura. Tapos 'yong amoy niya... Gustong-gusto ko ang amoy ng mga babae pero hindi ko gusto na kasing amoy ng babae ang mga bakla. Kadiri!

"Bitawan mo sabi ako e! 'Pag 'di mo ako binitawan, itutulak kita sa kalsada 'pag nag-green ang traffic light," banta ko sa kanya at gagawin ko talaga 'yon kapag hindi siya tumigil.

"Dhaks or jhuts?" tanong niya sabay himas sa banda ro'n.

Bakat na bakat 'yon dahil hindi talaga ako nag-brief ngayon mga tsong. Bukod sa nagtitipid ako sa sabon, iwas pawis pa kapag walang brief. Hindi babantot ang singit.

"Ay mesherep, dhaks ka pala Koya!"

Four...

Three...

Two...

Maggi-green light na at handa na akong itulak siya sa kalsada.

Pero bago pa mag-one, may dinukot siya sa bulsa niya.

One hundred buo, saka singkwenta pesos.

"Wampipti, sapaht na vah?"

Natigilan ako mga Tsong. Napaisip. Last na yung baryang pinangkain ko ng mami kaninang umaga. Hindi ako nakapag-lunch at hindi pa nakakapagdinner.

Hindi naman sa tamad mga tsong, in fact sobra-sabra pa 'yong sipag ko sa pinagtatrabahuhan kong karinderya. Pero habang wala pang isang buwan, wala pa akong sahod. Hindi naman ako maka-advance dahil kakasimula ko lang naman sa pinagtatrabahuhan ko.

Sana pala sinunod ko na lang si papa na mag-aral mabuti.

Pero'di ko na dapat iniisip 'yon. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

"Anoh, koya? Tsake it or leave itsh?" sabi niya pa sa malandi pa ring tono na halos madikit na sa mukha ko ang labi niya.

Fresh breath naman siya pero ew lang mga Tsong! Hindi ko ma-take. Just ewwwwww. Ganyan yung spelling, maraming W's para feel yung pandidiri ko.

"Uulitsin kho, koya?"

"Ano ba, ayusin mo nga kakatawag mo ng koya! KUYA, K.U.Y.A.! Bungal ka ba?" inis na sagot ko. Hindi ko lang trip 'yong accent at pronounciation niya. "MUNTANGA!"

"Whatever! Hindi mo ba kailangan ng pera?" medyo tumino ang tono niya.

Napaisip ako ulit. Kapag wala akong pera, papasok akong gutom bukas. Hindi pa naman libre ang pagkain doon. Naturingang karinderya. Hindi ko naman kaya ang magnakaw dahil sabi ni papa, masama raw 'yon.

"Kailangan," sagot ko.

"Wag kang mag-alala, sa 'yo na 'to!" aniya sabay hila sa akin papasok sa isang motel.

Natapat pala kami sa isang motel mga Tsong. Hindi ko napansin kanina. Hahaha.

"Sandali, anong gagawin natin diyan?" angal ko.

"Hindi mo basta-basta makukuha ang wampipti ng walang kapalit. Ano ako shunga? Halikana!" sabay hila niya ulit sa akin.

"Ate, akin na 'yong susi. Mamaya na ang bayad ko pagkatapos ng session namin," bilin niya pa sa kahera sabay hila ulit sa akin.

Mabilis niyang binuksan ang kwarto pagtapat namin doon, hinila ako papasok.

WAMPIPTI (P150.00)Where stories live. Discover now