CHAPTER 5

8.9K 234 5
                                    

TAHIMIK lamang na nakaupo si Gracia sa isang silya na nasa harap ng hapag. Nakatuon ang mga mata sa platong nasa harapan niya habang nakikinig sa madaldal na si Esrael. Isa pang dahilan kung bakit hindi niya magawang mag angat ng mukha ay dahil natatakot siyang mag tama ang mga mata nila ni Octavio na ngayon ay nasa tapat lamang niya nakaupo. Natatakot siyang tingnan ito sa mga mata; mga matang parang nangangain ng buhay na tao.

"Are you not hungry babe?" untag na tanong ni Esrael sa dalaga.

Bahagyang nag angat ng mukha niya si Gracia upang tapunan ng paningin ang binata na nakaupo sa kabisera.

"A, b-busog pa ako." nauutal at nahihiyang sagot nito.

"Come on... huwag ka ng mahiya. I know gutom ka na. Kumain ka na!" anang Esrael. "Ano ba ang gusto mo? Itong toasted bread with coffee? Vegetable Salad... or me?" nakakalokong ngiti pa ang pinakawalan nito at sinabayan ng kindat sa dalaga.

Nahihiya namang napayuko si Gracia dahil sa huling sinabi ng binata sa kaniya. Nag iinit ang pisngi niya ngayon, paniguradong pulang-pula na iyon kagaya sa hinog na kamatis.

Napapatiim bagang na lamang din si Octavio na sinipa ang paa ng kapatid sa ilalim ng lamesa.

"Ouch! Why did you do that?" kunwari ay naiinis na tanong nito. "Masiyado kang mapanakit, nasa harapan mo ang BATA. Nakikita niya ang pagka-brutal mo." dagdag pa nito.

"Stop it Esrael. Mapapatay na talaga kita." anang Octavio na tila nauubusan na ata ng bait sa katawan dahil sa lokong kapatid. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga bago muling tinapunan ng tingin ang nakayukong dalaga.

"Pasensiyahan mo na 'tong kapatid ko Gracia huh! Mabait naman 'yan e... wala lang sa mukha. 'Tsaka, walang girlfriend 'yan kaya hindi marunong maka-appreciate ng sweet words at sweet moment." saad pa nito.

Mayamaya ay padabog na binitawan ni Octavio ang hawak na kubyertos at tumayo sa kinauupuan nito. Napapalunok na lamang ng kaniyang laway si Gracia dahil sa pagkagulat at takot.

"Hey! Where are you going? Are you done eating?" tanong ni Esrael. Pero sa halip na sagutin ito ni Octavio, nag tuloy lamang ang binata sa paglalakad hanggang sa makalabas ito ng kusina. "Hayaan na natin 'yon! Let's eat." aniya sa dalaga at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"S-salamat po ulit sir Esrael."

"Don't mention it. Wala namang problema 'yon sa 'kin." nakangiti pang saad nito.

"Huwag po kayong mag alala, mamaya ay aalis din naman po ako rito. Tal vez pueda ir a la casa de mis amigos. Quizás me puedan ayudar. Simplemente no quiero irme a casa." Suiguro, pupunta na lang po ako sa bahay ng kaibigan ko. Tutulungan naman po siguro nila ako. Ayoko lang talaga na umuwi sa bahay. Anang Gracia pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago muling tiningnan ang binata.

Saglit na inilapag ni Esrael ang hawak nitong kubyertos. "Puedes quedarte aquí. Kung sa tingin mo ay hinahanap ka na ng mga magulang mo ngayon, you are safe here."

"Pero-"

"No te preocupes por mi hermano. Se va esta noche. Uuwi na siya sa Pilipinas. Nandito lang naman siya dahil sa binyag ng anak nina Kevin at Isabel kahapon." pagpapaliwanag nito sa dalaga.

"¿Volviendo a las Filipinas?"

"Sí. ¿Por qué?"

Saglit na nanahimik si Gracia bago umiling sa binata. Paano kaya siya makakauwi ng Pilipinas ngayon? Kung sana hindi niya naiwan ang kaniyang passport at pera sa bahay nila, madali na sana para sa kaniya ang umuwi sa lola niya sa Bulacan. Ngayon, ano ang gagawin niya? Saan siya pupunta? Hindi naman habang-buhay ay puwede siyang makituloy dito sa bahay ni Esrael. Hindi rin siya puwedeng mag pagala-gala sa labas dahil panigurado siyang sa mga sandaling ito, nagpunta sa mga pulis ang kaniyang magulang para ipahanap siya. Paano kung bumalik ako sa bahay para kunin ang bag ko? Tanong nito sa isipan mayamaya.

BRIDE FOR SALEWhere stories live. Discover now