CHAPTER 7

7.6K 230 5
                                    

“YEAH! Just cancel all my meetings tomorrow.” Anang Octavio habang kausap sa kabilang linya ang kaniyang sekretarya. “All. Did you hear me? Wala akong pakialam kung magalit man siya kapag pinakansela ko ang meeting ko with him tomorrow. Just do what I say.” Saad pa niya na medyo napapataas na rin ang boses.

Matapos patayin ang tawag ay ibinato ni Octavio ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng sofa. Muli siyang napahawak sa kaniyang batok at mariing pumikit. Tila stress na stress siya dahil sa mga nangyari ngayon sa kaniya. Nanggagalaiti pa rin siya sa kapatid niya dahil sa iniwan nitong responsibilidad sa kaniya.

Alam niya na sinadya iyon ni Esrael. Kilala niya ang loko niyang kapatid, kaya humanda ito oras na magkita silang muli.

Nagpabalik-balik siya nang lakad sa sala habang nasa batok pa rin niya ang isang kamay. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Damn this life! Esrael, I’m gonna kill you,” usal niya.

At mayamaya ay napatingin siyang muli sa pinto ng silid na kaniyang inuokupa na ngayon ay si Gracia ang gumagamit. Muli siyang napatiim-bagang. Isa pa ang babaeng ’yon... Hindi niya talaga malaman kung bakit kailangan siya pa ang magbantay rito!

NAKABALUKTOT si Gracia sa ibabaw ng kama. Nanginginig ang katawan niya at yakap-yakap ang sarili dahil sa lamig na kaniyang nararamdaman. Kung bakit kasi nakalimutan niyang patayin ang aircon kanina bago siya humiga? Mas lalo pa naman sumakit ang kaniyang sugat kung kaya ay hindi niya magawang tumayo at maglakad nang maayos. Isama pa ang panghihina ng kaniyang katawan dahil sa gutom.

Muli niyang inayos ang makapal na kumot sa katawan niya. Nangangatal ang mga labi at inaapoy na siya ng lagnat. Hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin sa mga sandaling iyon para lamang mabawasan ang pagdidiliryo niya. Kung sana naroon si Esrael, malamang na may nag-asikaso sa kaniya kanina pa.

“Por favor, ayúdame!” paulit-ulit na bulong niya na para bang may makakarinig sa kaniya.

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon ang binatang si Octavio. Kagaya kanina ay magkasalubong pa rin ang mga kilay nito. Tila ipinaglihi ata sa sama ng loob ang isang ito at hindi man lang magawang ngumiti o paghiwalayan ang mga kilay nito.

“Hey! Get up!” ani nito sa dalaga at ipinag-ikes ang mga braso sa tapat ng dibdib habang nakatayo ito sa paanan ng kama. Hindi naman sumagot si Gracia. “Hey! I said get up.”

“Por favor!” nanginginig pa rin ang boses na saad niya at pilit na iminulat ang mga mata. Nanlalabo man ang paningin ay natanaw pa rin niya ang masungit na binata habang masama ang tingin sa kaniya. “P-Please! Please!” mahinang sambit niya.

Kunot noo lamang na tumitig si Octavio sa kaniya nang masilip nito ang kaniyang mukha na nakadungaw sa kumot. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga labi at namumutla siya nang husto. Mayamaya ay wala sa sariling napalapit ang binata sa gilid ng kama at tinanggal ang kumot sa katawan niya.

“Shit!” ang tanging nausal ni Octavio nang mahawakan nito ang nag-aapoy na katawan niya. “You’re burning! Nagdidiliryo ka!” ani nito.

“P-Por favor, s-señor!”

“Ugh, Esrael! I’m gonna kill you! Hindi mo na nga ako pinauwi sa Pilipinas, pag-aalagain mo pa ako ng may sakit.” Tiim-bagang na saad nito.

Muli nitong tinapunan ng matalim na titig ang dalaga. Sa huli ay hindi naman natiis ni Octavio ang kawawang Gracia. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at hinagilap ng mga mata nito ang remote control ng aircon upang patayin iyon. Lumabas na rin ito ng silid at naghanap ng maipapangpunas sa katawan ng dalaga. Panay pa ang mura nito sa kapatid.

BRIDE FOR SALEWhere stories live. Discover now