CHAPTER 6

7.7K 223 5
                                    

PRENTENG nakaupo sa sofa si Octavio habang hawak-hawak niya ang remote control ng flat screen tv ni Esrael. Palipat-lipat sa channel ng palabas habang kanina pa rin siya napapatingin sa orasan na nakasabit sa itaas ng pader. Ilang beses na rin siyang nagpapakawala nang malalim na buntong-hininga. Kanina pa siya naghihintay sa tawag ng kaniyang butihing kapatid dahil ang sabi nito ay ihahatid siya sa nito sa Airport. Alas sinco na ng hapon... Kailangan niyang makaalis ng mas maaga dahil malayo ang lugar ng bahay nito papunta sa airport.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng center table. Kaagad iyong dinampot ng binata.

“Where are you?” pagalit na bungad niya sa kapatid.

“I’m sorry bro. I can’t make it.

“What?” gulat na tanong Octavio kasabay nang pag-angat ng kaniyang likuran mula sa pagkakasandal sa sofa. “Are you kidding me, Esrael? Kanina pa ako naghihintay rito sa ’yo.” Hindi makapaniwalang saad niya.

Hey! Chill. Let me explain first.

Napapatiim bagang na lamang si Octavio na pinatay ang tawag sa kaniya ni Esrael. Tumayo siya mula sa sofa at naglakad papasok sa kuwartong kaniyang inuokupa. Kinuha niya roon ang kaniyang maleta. At mayamaya ay muling tumunog ang kaniyang cellphone. Naiinis niyang sinagot muli ang tawag ng kapatid.

Listen! Huwag mo muna akong papatayan ng tawag, okay! Pauwi na sana ako kanina kaso I received a call from Greece. Hindi ko naman puwedeng tanggihan ’yon. It’s a big deal from my new investor. Kaya dumiretso na ako sa airport.Pagpapaliwanag nito sa kaniya.

Napapabuntong-hininga na lamang ang huli pagkuwa’y sinilip ang oras sa orasang pambisig niya.

Where is Gracia by the way? tanong nito.

“She’s not here,” walang buhay na sagot niya.

What do you mean she’s not there?

“Pinaalis ko siya kanina da—”

What?gulantang na tanong nito. Why did you do that? Octavio naman!” halata sa boses nito na biglang nainis sa kaniya.

“Bakit ka ba nagagalit sa ’kin? Hindi mo naman kaano-ano ang batang ’yon,” aniya.

Oh! For God sake, Octavio! Tubuan ka naman sana ng kahit kaunting awa lang diyan sa puso mo. Turan nito na hindi pa rin maalis sa tono ng boses nito ang pagkadismaya dahil sa ginawa niya. Bakit mo naman ginawa ’yon kay Gracia? Paano kung may nangyari sa kaniyang masama? E ’di kargo de konsensya ko pa?

“You don’t need to feel guilty. Ganoon lang ka-simple, Esrael.”

Hindi gano’n ka-simple, Octavio. Hindi mo kasi maintindihan ang sitwasyon niya. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon.Ani nito at sunod-sunod na ring nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. I can’t go there kasi nasa loob na ako ng eraplano. Please, baka naman puwede mong hanapin si Gracia.

Mabilis na kumunot ang noo ni Octavio dahil sa itinuran ng kaniyang kapatid. What? Mag-aaksaya pa siya ng panahon para hanapin ang babaeng ’yon? Hinahabol niya ang kaniyang oras para hindi siya mahuli sa kaniyang flight, pero heto at inuutusan pa siya ng kaniyang kapatid na maghanap ng nawawalang bata.

“I can’t do that.”

Please, Octavio! Ngayon lang ako humihingi sa ’yo ng tulong. After this one... Okay fine! Hahayaan kita na bugbugin mo ako kung ’yon ang gusto mo. Basta tulungan mo lang ako. Hanapin mo si Gracia.

BRIDE FOR SALEWhere stories live. Discover now