CHAPTER 9

7.4K 216 6
                                    

MAGKAHALONG tuwa at pag-aalala ang naramdaman ni Gracia habang nasa gilid siya ng pintuan ng silid at nakasilip sa binatang si Octavio na ngayo’y paroo’t parito ang lakad sa sala.

Palabas na kasi sana siya kanina nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang kapatid na si Esrael. Nang marinig niya na gusto ni Esrael na isama siya ni Octavio pauwi ng Pilipinas ay ganoon na lamang ang tuwa at saya na kaniyang naramdaman. Pero hindi naglaon ay kaagad din namang naglaho iyon nang magalit ang binata. Tutol si Octavio sa gusto ni Esrael na isama siya pauwi sa Pilipinas.

Nanlulumong lumabas si Gracia sa likod ng pintuan at nakayukong naglakad palapit sa binata.

Kaagad namang huminto si Octavio sa paglalakad nang makita siya nito. Mabilis pa sa alas kuwatrong umarko ang dulo ng labi nito habang masama ang tingin sa kaniya.

“S-Sir Octavio, p-puwede ko po ba kayong makausap?” kinakabahang saad niya.

Nang hindi umimik at sumagot si Octavio, naglakas loob si Gracia na mag-angat ng kaniyang ulo upang tapunan ng tingin ang binata. Kahit nakakailang na makipagtitigan sa masungit na lalaking ito ay pinilit niya ang sarili na huwag mag-iwas ng paningin dito. Mayamaya ay humugot siya nang malalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere.

“A-Alam ko pong galit kayo sa akin dahil sa mga tulong na hiningi ni sir Esrael sa inyo. Alam ko rin po na ako ang dahilan kung bakit hindi agad kayo nakauwi sa Pilipinas. At dahil po roon, humihingi po ako ng pasensya sa inyo,” aniya. “Pero po, Sir...” Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at muling humakbang palapit sa kinaroroonan ng binata. Dalawang dipa ang layo nila sa isa’t isa noong tumigil siya sa paghakbang. Tahimik lamang siya habang nakatitig sa mga mata ni Octavio. At mayamaya’y dahan-dahan siyang bumaba at lumuhod sa harapan nito. “Nagmamakaawa po ako sa inyo! Ako na po mismo ang humihingi ng tulong sa inyo. Sir, ayoko po kasi talaga na umuwi sa amin dahil panigurado po akong pilit akong ipapakasal ng pamilya ko sa lalaking hindi ko naman kilala. Ayoko pong matulad sa dalawa kong kapatid. Please po, Sir Octavio! K-Kahit ano gagawin ko po basta tulungan n’yo lang po ako. Payagan n’yo lang po ako na sumama sa inyo sa Pilipinas.” Naramdaman niya ang biglang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata habang matamang nakatitig sa binata. “Marami po akong alam gawin na trabaho. P-Puwede n’yo po akong utusan kahit ano. Puwede n’yo po akong gawin na katulong ninyo hanggat makabayad lang po ako sa utang ko sa inyo. Pagkatapos po n’on... Promise po. Promise hindi n’yo na po ako makikita. Wala na pong manggugulo sa inyo. Wala na pong hihingiin na pabor sa inyo si Sir Esrael para lang tulungan ako. Please po, Sir!” pagsusumamo niya rito.

Kinakabahan man at natatakot sa binata... Pilit na tinatagan ni Gracia ang kaniyang loob. Bahala na kung magmukha man siyang ewan ngayon habang nagsusumamo sa harapan nito. Basta pursigido siyang makauwi sa Pilipinas. At kung ito lamang ang paraan para pumayag si Octavio na sumama siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas, kahit umiyak pa siya roon ng ilang balde, kahit kasing kapal na ng semento ang kaniyang mukha ay ayos lang. Desperada at pursigido lang talaga siyang makaalis sa Spain. Dahil hanggat naroon siya sa lugar na iyon, mahahanap at mahahanap talaga siya ng kaniyang magulang maging ni Señor Salvador.

Mayamaya, naagaw ang kanilang atensyon nang may kumatok sa labas ng pinto. Napalingon doon ang binata, at mayamaya’y saglit siya nitong tinapunan ng tingin bago ito humakbang para pagbuksan ang panauhin nila.

Pagkabukas ni Octavio sa pintuan ay agad na bumungad dito ang lalaking nakausap nito kahapon. Ito nga ang tauhan ni Esrael.

“Buenos días, Señor!” bati nito. “Ipinapaabot po ni, Sir Esrael.” Ani nito at ibinigay kay Octavio ang hawak nitong brown envelope.

Tinanggap naman iyon ni Octavio pagkuwa’y tiningnan ang laman. Nakapangalan ang mga papeles na iyon sa dalaga. Kay Gracia Calderon.

“Ako na rin po ang maghahatid sa inyo sa airport, Sir. Babalik po ako mayamaya.” Saad pa nito.

BRIDE FOR SALEWhere stories live. Discover now