Dos!(2)

1.1K 70 2
                                    

Miyuki Xin's POV

nandito na kami ngayon sa school, hindi ko kaklase ang kambal kong mga amo dahil section A sila at section B ako... syempre matatalino yung mag kambal na yun.. hayy biruin mo di nag re review yun sa bahay pero nakakapasa sila! amazing sana all! haha

natapus ang 2 subject namin at papunta na akong canteen, nag order na ako ng kakainin nang mga amo ko at nag order na rin ako ng para sakin, strawberry cake at ice tea kay kuya Mike... kay kuya Matt naman ay chocolate cake at mineral water at sakin naman ayy chocolate cake at shake, syempre chocolate din flavor ng shake ko.. hehe fav. ko kasi yung chocolate.. pero mamaya pa ako makakakain dahil hihintayin ko pa ang kambal!

naisipan kung bumili muna ng kitkat habang hinihintay sila, nangangalahati palang yung chocolate na kinakain ko ng bigla itong hinablot ng sinumang tao na nag mula sa aking likuran

paglingon ko nakangiti ito sa akin habang sinubo lahat ng natira kong chocolate..
huhuhuhu wala na akong nagawa kundi

"huhu ang chocolate ko!! :( bakit mo kinain!! akin yun eh!! pag mamaktol ko habang nag papadyak pa ako na parang bata haha

" hmm sau pala yun? gusto mo balik ko? kaso nasa bibig ko na, pero kung gusto mo Ibalik ko sa pamamagitan ng dila ko ha? " sabay kindat pa nito sa akin at nakangiti ng nakakaloko, Napa atras ako sa ginagawa niya dahil palapit siya ng pa lapit sa akin
hinawakan niya ako sa bewang ko para hindi ako makalayo sa kanya,

" ano ba Mr. bitawan mo nga ako!! ayaw ko na ng chocolate, sayo na yan!!" sabi ko habang pilit na itinutulak siya palayo

"pakipot ka pa miss eh, gusto mo din naman eh diba?" mayabang niyang tugon

"huy kuya! lubayan mo nga yan si Miyuki? hindi mo ba siya kilala? ikaw din baka mag sisi ka sa huli!" sabi ng isang lalaki sa my kabilang mesa

pero hindi nagpatinag si kuyang feeling close,

"hayaan mo na siya pre, gusto yatang makatiKim sa magkambal yan eh" sabi pa ng isang lalaki sa kabilang mesa

kinakabahan na ako at di ko alam ang gagawin, napakahigpit ng hawak niya sa bewang ko, at nung malapit na malapit na ang kanyang mukha sa akin, mariin akong pumikit..
naisigaw ko nalang....

"KUYA MATT, KUYA MIKE!!!!!!!

kasabay nito, naramdaman kong may nag takip ng aking mga mata at nasa bisig na ako ng isang pamilyar na amoy, alam ko ang amoy na ito, at hindi nga ako nag kamali, tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa aking mata at humarap ako sa kanya, nakita ko ang kanyang mga mata na may bahid ng pag aalala. niyakap ko siya agad..

"kuya Matt!!! buti dumating kayo!! takot na takot ako kanina.." pag susumbong ko sa kanya habang siya naman ay hinahaplos ang buhok ko..

"shhhhh okay na.. nandito na kami ni Mike, sorry we're late huh?" malambing na wika ni kuya Matt

di ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi at habang nasa kanyang dibdib, rinig ko ang pintig ng kanyang puso..

natigilan kami ni kuya ng magsalita si kuya Mike!!

" waaaaahhhh Sali din ako!!! pa yakap din" aakto sanang yayakap siya samin ng..

"hindi pwedi.." masungit na tanggi ni kuya matt habang pinigilan si kua Mike gamit ang isang kamay niya na nakahawak sa ulo ni kuya Mike kaya kahit anong gawin ni kua Mike hindi niya kami maabot hahaha ayan na po kumukulit na sila

"wait kuya! nasan na yung lalaki??" may pag tataka kong tanong habang hinahanap yung lalaki kanina

"ah edi ayun tulog, sa isang suntok ko lang! kinuha na siya ng mga alipores niya... malakas yata to," sabay pakita pa niya ng muscle niya hahhaa

My Twin BOSSES! Where stories live. Discover now