Tres! (3)

881 40 7
                                    

Matthew's POV

nandito na kami sa loob ng kwarto ni Yuki, mahimbing pa rin siyang natutulog...
hinahaplos ko ang kanyang buhok,...

sorry Yuki, hindi manlang kita na protektahan,

maya maya pa ay narinig kong nagsalita yung kambal ko mula sa aking likuran.

"hmmm kuya Matt? naalala mo yung sinabi ng doktor kanina?.. na curious ako kung sino yung nag volunteer na mag donate ng dugo para kay Xin-Xin.." nagtataka niyang tanong sa akin

nanatili akong tahimik, dahil kahit ako iniisip ko rin yun, maari kayang kamag anak yun ni Yuki? pero malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil ligtas na si Yuki ngayon,..

" KUYA! BAKA KAMAG-ANAK YUN NI XIN-XIN! TAPOS KUKUNIN NA SATIN SI XIN-XIN TAPUS--" naputol ang sasabihin ng kambal ko dahil binato ko siya ng sapatos ko!

"ano ba Mike! tumahimik ka nga jan! baka magising si Yuki!" naiirita kong saway kay Mike! kahit kailan talaga isip bata to.. psh. -_-

maya maya pa ay unti unting nagigising si Yuki! lumapit na rin sa gawi namin si mike

"uhg! ang sakit ng likod ko! " daing ni yuki

"Yuki wag ka munang magalaw, di pa nag hihilom yung sugat mo sa likod.. kumusta pakiramdam mo? pag aalala kong tanong habang naka hawak ako sa kanyang mga kamay..

nanatili lang siyang nakatitig sa amin

" sino po kayo? "nag tatakang nag katinginan kami ni Mike

" ano ka ba Xin-Xin! kami yung mga kuya mong pogi! wag kang mag biro ng ganyan! " pabirong tugon ni Mike, pero halata pa rin sa kanyang mukha ang pag aalala

" ako si kuya Matt mo at siya si kuya Mike mo! hindi mo ba talaga kami naalala?" di ko na rin maiwasang mag alala,

tiningnan ko ang ulo niya, at maiging sinuri, napakaimposible namang

"huh? wag mong sabihing...... waaahhhhh Xin-Xin naman eh!!!!" pa iyak na tong si Mike nang--

"pfftttt HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAH" humahagalpak ng tawa si Yuki habang hawak hawak ang tiyan niya..

seriously?

"HAHAHAHAHAHAH ang sura ng mga mukha niyo, HAHAHAHAH nag bibiro lang naman ako.. hahahahah" di pa rin siya tumitigil sa kakatawa ng may maisip kaming kalokohan ni mike

nasa left side ni Yuki si mike at ako naman ay nasa right side, so nag bilang si Mike ng 1,2,3 TSUP!

at biglang natigilan si yuki
hahahha
ganito ang mukha niya

0.0

"HAHAHAHAHAHHAHAH" kami naman ni kambal ngayon ang tawa ng tawa dahil sa reaksiyon niya namumula na rin siya ngayon... at bigla siyang nagtalokbong ng kumot..

sana ganito nalang kami lagi...



SOMEONE'S POV

nanatili lang akong nasa labas habang pinagmamasdan ang aming prinsesa na kasama ang dalawang mag kambal, Tila nagkakasayahan silang tatlo, panatag naman akong nasa mabuting kalagayan ang aming prinsesa,

babawiin ka rin namin princess, sa takdang panahon, sana maintindihan mo kami..

sa ngayon hahayaan ka muna namin at susubaybayan sa malayo.

Calling....
KING

"Kumusta ang ating prinsesa?"
nag aalalang tanong ni dad

"she's fine dad, wag ka na pong mag alala!"

"mabuti naman kung Ganon, sige bumalik ka na dito at may pag uusapan pa tayo!"

"okay po dad.. bye.."

bago ako umalis, tiningnan ko ulit siya, ang kanyang masayang mukha habang nakikipagkulitan sa mag kambal..

at nagpasiya na rin akong umalis

Hindi pa ako nakakalayo sa kwarto na pinanggalingan ko..

"sino ka? Alam kung kanina ka pa sa labas! ikaw ba yung nag donate ng dugo para kay Yuki? " ma awtoridad na wika ng isang binatang lalaki na nag mumula sa aking likuran, natigilan ako pero nanatili pa rin akong nakatalikod

"soon, malalaman mo rin, at hindi ko na kailangan pang sagutin ang iyong mga katanungan pero may gusto sana akong ipakiusap, protektahan mo ang prinsesa namin, dahil marami ang magtatangka sa kanyang buhay, sana alagaan niyo siya.. paalam!" nag simula na akong mag lakad palayo, naramdaman kong natigilan din siya sa mga sinabi ko




Matthew's POV

nandito na kami ngayon sa bahay, isang linggo ding nasa hospital si Yuki, pero ngayon magaling na siya...

" waaahhhhh kuya Mike!!! akin na yan!! chocolate ko yan eh!"

"nye nye! habulin mo ko! sakin na to pag di mo nakuha.."

nandito ako sa Sala at nanonood ng TV habang ito namang dalawa nagtatakbuhan..
-_- kanina pa sila paikot ikot..

dba nga sabi ko sa inyo magaling na siya.. tsss mga pasaway..

dahil sa nairita na ako sa kanila, hinablot ko sila parehas at inuupo ta tabi ko, nasa kanan ko si Yuki at sa kaliwa naman si Mike, inakbayan ko sila parehas!

"subukan niyong tumayo! makakatikim kayo sakin!" at tiningnan ko sila ng masama bago bumalik ang tingin ko sa pinapanood ko..

"ikaw kasi di mo pa binigay chocolate ko eh!"

"eh ang bagal bagal mo naman kasi, bleeh"

rinig ko pang nag bubulungan tong mga katabi ko.. tsss mga isip bata talaga to!
-_-







My Twin BOSSES! Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin