Chappie Two

2.6K 67 0
                                    

AIDEN POV

Simula kahapon ang saya naming tatlo nina Reign at ni Baby/Princess. Baby kasi Baby ko siya, si Reign naman ay isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Pero ako pa din ang Kuya nilang dalawa.

Heheheh. Nagpapaliwanag na agad ako ni hindi pa nga ako nagpapakilala eh. Okay. Ako si Aiden Venum Elves Silvastre. Ang panganay na anak nina Mr. And Mrs. Silvastre which is our parents.

So yun. Naandito kami ngayon ni Baby at Reign sa mall. Bibili daw kasi sila ng mga libro na gawa ng mga favorite Author nila sa wattpad. Tss. Wala talaga akong kahilig hilig sa mga ganyan.

Ewan ko ba sa dalawang kong kapatid na babae at hilig na hilig sila sa pagbabasa ng wattpad stories. Hindi lang sa libro sila nagbabasa pati na din sa Apps na wattpad. Hayst. Mga babae nga naman.

"Kuya, I want to buy this one." Nakapuppy eyes na sabi sa akin ni Baby.

Tiningnan ko kung ano iyon at halos mapatampal na ako sa mukha ko. Akala ko isang libro lang yung bibilhin niya tatlo pala.

"What!? Can you buy one book only?" I asked. Bigla namang lumungkot yung mukha niya sa akin.

"Fine. Tatlo lang huh?" Paninigurado ko. Mahirap na baka madagdagan pa eh.

"How about me naman po Kuya?" Biglang tanong ni Reign na sumulpot sa tabi ko.

"Gusto mo din? Tatlo lang at wala ng lalampas sa tatlo." Sabi ko sa kanya. Duh!! Mahilig ang dalawang iyan sa wattpad kaya hindi na ako magtataka kung bibilhin nila ang story ng mga idol nila.

"Yehey! Thank you so much Kuya Aiden." Masayang sabi ni Ray. Niyakap naman agad ako ni Baby/Princess na ikinagitla ko. Muntik na kasi siyang matumba buti na lang nahawakan siya agad ni Reign.

"Be careful Baby." Nag aalala kong sabi sa kanya. Napapeace sign naman siya sa akin.

Hayst! Ang kukulit talaga ng mga kapatid kung ito. Syempre masaya ako kahit na makukulit sila. Love ko kaya tong dalawa kong kapatid na ito. Mainggit kayo. Joke lang.

*********

"Kuya look ohh. I bought this book. I mean the books that you bought." Baby said and showed me the books that I bought awhile ago.

I smile because my baby is so happy. And also Reign are happy like my baby too.

"Kuya, did you buy our snacks?" Reign asked. I just nodded at her and continued playing games in my phone.

Naglalaro lang ako sa phone ko ng marinig kong may sumisigaw sa labas ng bahay namin.

"Kuya, may tao po ata sa labas." Sabi sa akin ni Baby sabay lapit sa akin na bitbit bitbit pa ang librong kabibila lang namin kanina.

"I'll check it." I simply said and I stood up to look at who's the person is it.

Pagkalabas ko ng bahay ay nagtungo agad ako sa gate namin kahit na malayo ito mismo sa main door namin.

Nang makalapit ako ay isang batang lalaki ang nakikita ko. Gusgusin, butasbutas ang damit niya. I think he's at the age of 4.

"Bakit ijo?" Tanong ko sa bata ng mabuksan ko ang gate namin.

"Pwede po bang manghingi ng pagkain?" Tanong niya na nakahawak sa kanyang tiyan.

"Wai---."

"Kuya sino po ba yan?" Pambihira naman itong si Baby ahh. Hindi manlang ako pinatapos eh.

"Ba---."

"Wahh!! Ang cute niya naman po Kuya." Tuwang tuwang sabi ni Baby sabay lapit sa bata. Hindi ko siya pinigilan kasi hindi naman kami maarte. Kahit gaano pa yan kadumi wala kaming pakialam basta masaya kami at may nakikita kaming bagay na nakakapagpangiti sa amin ay ayos lang.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now