Chappie Fourteen

1.1K 51 0
                                    

THIRD PERSON POV

Masayang nagtungo si Alexei sa kanyang silid upang kuhanin ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang kaibigan na sobra na niyang namiss.

Walang pag-aalinlangan niyang tinawagan ang matalik na kaibigan upang ipaalam sa kaibigan na magkakasama na ulit sila after how many years.

"Hello?" Sagot sa kabilag linya. Hindi agad nakasagot si Alexei dahil mas nais niya pang mapakinggan ang boses ng kaibigan.

"Hello! Are you there?" Medyo may inis na tanong sa kanya ng kanyang kaibigan kaya napaimpit ito ng tawa.

"Tss. Kung sino ka man ang laka----."

"Mikee!" Galak na galak na sabi ni Alexei sa kanyang kaibigang si Mikee.

"Alexei?" Paniniguradong tanong ni Mikee.

"The one and only." Sabi ni Alexei na nangingilid na pala ang luha.

"Wahhh!! Alexei! You don't know how much I miss you." Medyo pumiyok pa ang kaibigang si Mikee sa pagsabi nuon sa kanyang kaibigan.

"I miss you too lukaret!" Yan ang tawag ni Alexei kay Mikee.

"I miss you more lukreng." At yan din naman ang tawag ni Mikee kay Alexei.

"Soon lukaret, magkikita na tayo." Masayang sabi ni Alexei sa kaibigan.

Lingid sa kaalaman ni Alexei ay labis ang tuwa ng kaibigang si Mikee sa sinabi nito sa kanya. At nais na agad nitong dumating ang araw na iyon.

"I can't wait lukreng." Excited na sabi ni Mikee sa kaibigan na ikinatawa nito sa kanya.

"Me too. Anyway lukaret, I have to go. Next time na lang ulit. Bye." Paalam ni Alexei kay Mikee.

"Bye!" Paalam din sa kanya ng kaibigan at saka nito inend ang call.

Napabuntong hininga ang dalaga at saka napasalampak sa kanyang kama.

"Malapit na yung soon lukaret." Sabi nito bago siya dalawin ng antok.

MIKEE POV

Wala naman kaming ginawa nina ate at kuya maghapon eh. Nagmovie marathon lang kami kasi sina mommy umalis. Nagpunta sila sa France para sa business meeting nila.

Kaya ako naandito lang sa kwarto ko at sina ate at kuya naman baka nasa kwarto nila. Malamang maggagabi na ay oras na din ng tulugan.

Pero guys! Tumawag sa akin si Alexei kani-kanina lang at magkakasama na daw ulit kami. Yiehh! Excited much na ako!!

"KYAHHHH!! MAGKIKITA NA KAMI NI LUKRENG!!!! KYAHHH!" Tili tili kong sabi dito sa kwarto ko. Hindi kasi ako makaget over eh.

Matagal na kasi kaming walang communication ni lukreng and isa pa 5 years yun. Ang tagal ng 5 years at nangulila ako sa nag-iisa kong kaibigan. Siya lang naman kasi ang naglakas loob na kaibiganin ako kahit na napaka suplada ko nung mga araw na yun. Siya lang ang nagtiis kaya nga siguro kami naging best friend.

"KYAHHHHH!! I'M SO------."

"Why are you shouting Baby Princess?" Takang tanong sa akin ni Kuya together with Ate Reign.

"Ahmm....kasi po si Alexei." Heheheh. Kailangang magpasuspense para maganda naman ang kalabasan.

"What about Alexei?" Nakakunot noong tanong ni Ate Reign sabay dapa sa kama ko. Tss. Feel na feel na humiga sa kama ko.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now