Chappie Twenty One

1K 47 0
                                    

MIKEE POV

Isang linggo na ang nakalilipas simula ng magcelebrate kami ng birthday ni Alexei sa Palawan.

At isang linggo na din ang nakalipas simula ng magsabi sa akin si Kim. At sa isang linggo na iyon at wala na akong nabalitaan kay Kim dahil hindi na siya pumapasok ng isang linggo.

Nais ko mang tanungin si Gross pero hindi ko magawa dahil maging siya ay hindi din pumapasok at si Patrick na kaibigan niya ay hindi na din pumapasok.

"Oyy! Lalim niyan ahh." Sabay tapik sa akin ni Azale at lahat sila ay titig na titig sa akin.

"Ha?" Taka kong tanong saka ulit bumuntong hininga."

"Dahil ba kay Kim? Or kay Gross?" Tanong ni Alexei kaya napaawang ang bibig ko na napatingin sa kanya.

"Ha?" Hindi ko kasi sila maintindihan.

"Pwenie, wag ka ng mag alala kay Kim. Lalo na sa fiance mo." Sabay ngisi sa akin ni Carmille kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga. Atsaka, nakwento sa amin ni Kim ang pinag usapan nila ni Gross nun." Sabat ni Carmella at ngumuya ng dairy milk.

"At masaya si Kim for you, sa inyo ni Gross. At isa pa----." Pambibitin na sabi ni Carmille kaya nakakunot noo akong tumingin sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Aalis na siya ng bansa." Malungkot na patuloy ni Carmella kaya naglaki ang mata ko.

"HA!?" Sigaw kong sabi sa kanila. Paano nangyari yun? Bakit hindi nila sinabi sa akin?

"Kailan ang alis niya?" Tanong ko ng nakatayo na. I need to talk to her.

"Ngayon na." Pagkasabi nila nun ay agad na akong nagtatakbo. Nakasalubong ko sina Gross at Patrick pero hindi ko na sila pinansin. Kailangan kong makausap si Kim.

Hindi pa ako nakakalayo ng may pumigil sa akin kaya napahinto ako sa pagtakbo.

"Where are you going?" Tanong niya ng nakahawak sa braso ko.

"Airport." Sagot ko sabay hila sa braso ko na hawak hawak niya.

"I'll go with you." Sabi niya at hinila na ako papuntang parking lot. Si Patrick naman ay nakasunod lang sa amin.

Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksana ako ni Gross ng pinto sa front seat. Agad na akong pumasok dun para makarating na agad kami ng airport.

Alam niyo bang kating kati na akong tanungin siya or si Patrick man lang kahit na hindi kami close. Gustong gusto ko silang kausapin kung bakit sila hindi pumapasok ng isang linggo.

Ipinilig ko yung ulo ko at tumingin na lang sa bintana. Bumuntong hininga ako at nakailang ulit ako nun hanggang sa huminto na ang kotse.

Bababa na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa tabi ko at si Gross ang nagbukas nito. Lumabas na agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng airport.

"Wifey, wait!" Imbis na harapin siya ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ayokong makita niya namumula ang mukha ko.

"Wifey!" Sabay kapit niya sa baywang ko kaya paigtad ako dahil sa kakaibang electricity na dumaloy sa katawan ko.

"Natakot ba kita?" Nag-aalala niyang tanong pero umiling lang ako at naglibot ng tingin.

Sa mga chairs na nakahilera ay may nakita akong isang babae na nag iisa at nakayuko. Bigla akong kinabahan kaya naglakad ako agad kaso hinila ako ni Gross kaya napabalik ulit ako.

"Hintayin mo ako." May diin niyang sabi sabay tingin sa mga tao dito.

Anong problema niya? Oo nga pala nakauniform pa din kami. Kaya baka pinagtitinginana kami kaya ganyan siya.

"I hate seeing those bastard looking at you. Gusto kitang itago na lang para hindi ka na makita ng mga kalalakihan." May diin niyang sabi sabay intertwined ng kamay namin dalawa.

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Napayuko ako at lihim na kinilig. Err! Ikaw kaya ang sabihan ng ganyan? I can't breathe! Choss!! Pero seryoso kinilig ako sa sinabi ni Gross kahit na ang sama ng timpla niya.

"PDA!" Sabi ni Patrick atsaka ito naglakad papunta sa kung saan nakaupo yung babae na nakayuko.

Si Kim na ba iyon? Sana siya na nga yun para makapag usap na kaming dalawa. Hindi ko na kaso siya naabutan kinabukas sa resort dahil umuwi na daw siya.

Agad ko ng hinila si Gross at hindi ko na pinansin yung magkasaklop naming kamay. Dahil gustong gusto ko na talagang makita at makausap si Kim.

I badly want to talk to her. She's one of my friends kaya gusto ko talaga siyang makita bago pa man umalis siya.

Nang makarating kami sa tabi ng babae na nakayuko ay ganun na lang ang gulat ko ng niyakap agad ni Patrick yung babae. Gulat na gulat ako dahil hindi ko alam kung kilala ba yun ni Patrick or what.

Mas lalo akong nagulat ng tama nga ako. Ang babaeng nakayuko ay si Kim na mugto ang mata. Niyakap niya din pabalik si Patrick na ipinagtaka ko.

"Hindi ba ikaw dapat ang kayakap ngayon ni Kim?" Tanong ko kay Gross na sa kanila Patrick at Kim nakatingin na ang higpit ng yakap sa isa't isa.

Bigla namang pinisil ni Gross ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Laking gulat ko na sa akin pala siya nakatitig. Yes! Titig dahil sa mata ko talaga siya nakatingin.

"Ba--bakit?" Utal kong tanong sabay iwas ng tingin. Kakailang kasi, kung hindi pa ako uunanh iiwas baka hindi ko makayanan at mayakap ko din siya.

"Gusto mo ba talagang yakapin ko si Kim?" Tanong niya kaya masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya.

"O--oo naman." Langya! Ang sakit na gusto niya din palang yakapin si Kim.

"Lap----- *laki mata*"

Bakit ako ang niyakap ni Gross? Hala siya! Diba dapat si Kim nga.

"Mas gusto kong ikaw ang yakapin." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Hindi ko alam kung gaganti ba ako or hindi pero namalayan ko na lang ang dalawa kong kamay na nakayakap din kay Gross.

Dug dug. Dug dug. Dug dug

Ang lakas din ng kabog ng dibdib ni Gross. Din kasi same kami ng kabog nh dibdib ngayon.

"PDA talaga kayo!" Napalingon kaming dalawa sa nagsalita at si Kim at Patrick na nakayakap sa isa't isa na nakasimangot sa aming dalawa ni Gross.

"Kayo din naman ahh." Pagprotesta ko sabay turo sa kanilang dalawa. Pero parang wala lang sa kanila kasi magkayakap pa din sila. Nagulat ako ng bigla akong iback hug ni Gross.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Gross habang pilit na inaalis ang kamay niya na nakapulupot sa baywang ko.

"I want more hug and besides nahile din naman ako sa dalawa eh." Nakapout niyang sabi kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

"KYAHHHHH!!" Tilian kaya napalingon ako duon and I saw Alexei, Carmella, Carmille and Azalea na kasama ang mga kaibigan ni Kiel.

"Babe tayo din dali." Sabi ni Kiel at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Carmella ay agad na niyang niyakap ito.

Bigla namang kumalas ng yakap si Gross kaya napasimangot ako ng lihim.

"Tara!" Sabi niya at hinawakan ako sa kamay at nilapitan namin sina Patrick at Kim.

Nakangiti akong tumingin kay Kim at si Kim naman ay inambahan ako ng yakap. Akala ko nga si Kim lang pati pala sina Alexei ay nakisali na din.

Wahh!! Sana naman wag ng umalis si Kim. Sana! sana talaga.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now