Chappie Thirty Two

927 31 0
                                    

MIKEE POV

Friday na ngayon and buti na lang half day lang kami ngayon dahil nabago na yung schedule namin every friday ay half day na kami.

"Ano pwenie? Gala tayo ngayon?" Anyaya ni Kim kaya nagtanguan kami. Tutal Sabado na naman bukas kaya ayos lang naman ata.

"Lukaret, sa inyo ulit ako tutulog hah." Nakangiting sabi ni Alexei kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong silbi ng bahay niyo kung sa ibang bahay ka rin naman makikitulog? Ha! Alexei?" Singhal na tanong sa kanya ni Azalea at nakapameywang pa.

"Inggit ka lang, eh di gumaya din kayo." Sabay lamon nito ng hot cake.

Nasa cafeteria kami ngayon kasi wala naman si Ma'am. Badtrip nga eh. Nagmadali pa man din ako tapos malalaman ko na wala pala kaming first class? Hayst! Buti na lang talaga meron kaming kaibigan na palaging gutom kaya napadpad kami dito sa cafeteria.

"Sige ba. Para wala na ding hilihan." Sang ayon ng kambal at nag apiran pa sila. Napaface palm na lang ako. Kagagawan to ni Alexei eh.

Hindi na lang ako umimik at inubos ko na lang yung macaroni ko. Yung lima naman ay nag uusap at nagtatawan. Ang iingay nga nila eh buti na lang talaga kakaunti pa lang ang mga estudyante dito sa cafeteria.

Pagkatapos kung kumain ay tumayo na kaya napatingin silang lima sa akin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Alexei na may subo subo pang fries.

"Room." I response.

"Wait mo kami." Sabi nila at binit-bit na nila yung mga pagkain nila.

"TSS." Singhal ko at nauna na sa kanila maglakad.

Habang naglalakd kami ay nakasalubong namin si Glazier na ngiting ngiti sa amin ayy sa akin pala.

"Hi Athenna!" Bati niya na ngiting ngiti sa akin.

"Hi!" Bati ko din at nginitian ko siya.

"Shsusjsienjsjsjejsiejsush." Bulong niya pero hindi ko na narinig dahio tinalikuran niya na ako.

Nasaan na ba kasi ang mga iyon at hindi man lang ako sinundan? Tumingin ako sa likod ko at malayo layo pa sila sa akin kaya napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating ako sa room namin ay agad akong umupo at dumukdok sa desk ko. Nakaharap ako sa kanan kaya makikita ko ang quadrangle.

Madami pa din estudyante sa labas maybe dahil hindi kami pare parehas ng break time kaya ganun. Bigla namang may umupo sa kanan ko kaya hindi ko na makikita ang quadrangle.

"Iniwan mo kami." Nakapout na sabi ni Alexei kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mabagal lang talaga kayong maglakad." Atsaka ako humarap sa unahan. Sakto naman at dumating na ang professor namin.

Discuss
Discuss
Discuss
Discuss

Blablablablablabla

Natapos ang tatlo naming subject na hindi pumapasok sa utak ko yung mga dinidiscuss ng mga professor namin.

"Lutang ka ata!" Azalea

"Hindi naman." Saka ko niligpit yung mga gamit ko na nasa desk.

Ganun din naman ang ginawa nila. Kahit naman hindi pumapasok sa utak ko yung mga dinidiscuss ng professor namin marunong naman akong mag take note kaya hindi pa din ako kawawa sa mga written works or whatsoever.

"Let's go na? Wala na tayong klase ngayon." Ngiting sabi ni Carmella kaya nagtanguan na lang kami sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot dahil duon daw naghihintay si Tatay Leonor na driver ng kambal.

Nang makarating kami sa parking lot ay dali dali kaming sumakay sa van at as usual maingay na naman kami. Yes! Kami kasi nasa mood na ako ngayon unlike kanina na lutang na lutang ako.

Sa sobrang ingay namin sa van ay hindi na nga namin namalayan na nasa mall na kami.

"Mga ija, naandito na tayo." Tatay Leonor.

"Salamat po Tay." Sabay na sabay naming sabi at nagbabaan na kami ng van.

Kumaway muna kami sa papaalis na si Tatay Leonor atsaka kami kapit kapit na naglakad papasok ng mall. Anim kami diba? Eh ayun! Kapit kapit kaming anim kaya medyo mahaba ang pila.

Kaming dalawa ni Alexei ang nasa gitna at katabi ko naman sa kaliwa sina Azalea at Carmille at kay Alexei naman ay si Kim at Carmella. Mga nakangiti nga kaming naglalakad papasok kaya naaagaw namin ang mga atensiyon ng mga tao sa mall pero snob lang namin yun.

Sa arcade kami unang nagpunta. Naglaro kami ng basketball at magkasangga kami ni Azalea. Si Kim at Carmille ang magkasangga, Si Alexei at Carmella naman ang magkasangga. Magkakalaban kami at ang saya kasi. May nanalo nga sa aming tatlong pares pero ang baba naman ng score.

"Paano ba yan. Kami ang panalo ni Kim kaya libre niyo kami." Nakangiting sabi ni Carmille kaya napasinghap na lang kaming apat.

"Saan ba?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Mcdo na lang siguro." Sagot ni Carmille kaya naglakad na kami palabas ng arcade.

Habang naglalakad kami ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tawag lang pala pero unregistered number siya. Kaya hindi ko sinagot at nagpatloy na lang din sa paglalakad.

Nang nasa Mcdo na kami ay ang kambal na ang nagpresinta na sila na lang daw ang oorder at kasama din nila si Alexei. Apat kaming manliibre kaya hindj ganun kabigat sa bulsa. Kahit naman mayaman kami kailangan pa din naming magtipid. Hindi naman kasi ganun ka-luxury kaya kailangan pa din namin nun.

Habang naghihintay kami ay may nakita akong isang nakaall in black na tao. Hindi ko alam kung lalaki ba siya o babae kasi balot na balot siya at sa amin siya nakatingin ngayon.

"Uyyy! Anong tinitingnan mo diyan?" Tanong sa akin ni Azalea at nakitingin din sa tinitingnan ko.

"Ahh.. Ano wala." Sabay bawi ko ng tingin ko kung nasaan yung taong iyon kanina.

"Sigurado ka? Namumutla ka kasi." Ako? Namumutla?

"Ha!?" Taka kong tanong kasi hindi ako mamumutla kung hindi ako natatakot at kinakabahan.

"Ito na ang orde----bakit ka namumutla Athenna?" Takang tanong sa akin ng kakadating na sina Alexei at ang kambal.

"What happen? May nakita ka ba na hindi dapat?" Nag aalalang tanong ni Alexei sa akin at tinabihan ako sa upuan.

"W--wala naman." Bakit ba kailangan ko pang magsinungaling? Alam ko naman na alam ni Alexei na ganito ako sa tuwing may nakikita akong kakaiba.

"Kumain na muna tayo then after natin ay umuwi na tayo. Mukhang mas makakabuti yun kay Athenna." Sabi ni Kim na sinang ayunan din nilang lahat.

"Hindi. Kailan----." They cut me off.

"It's final na pwenie/lukaret." Sabi nila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumang ayon na din.

Nag-umpisa na kaming kumain pero ako kaunti lang ang nakain ko kasi naaalala ko pa din yung tao na naka-all in black na nakatingin sa amin kanina lang.

"Ipatake out mo na lang yung iba Carmille." Rinig kong usal sa kanya ni Carmella na agad namang sinunod ni Carmille at umalis na ito.

"Azalea at Kim, mauna na kayo sa labas. Naanduon na naman si Tatay Leonor. Para na din makapag pahinga muna si Athenna." Sabi ni Carmella na ikinatango lang ng dalawa.

Inalalayan akong tumayo ng dalawa pero bago pa kami makaalis ay narinig ko pa yung sinabi ni Alexei.

"Baka may nakita siya at nagkaganon si Mikee." Yan ang huli kong narinig bago kami lumabas ng mall.

Bakit ba kasi ako kinabahan agad sa nakita ko? And besides hindi pa naman ako sigurado kung sa amin ba talaga siya nakatingin. Pero malakas kasi yung kutob ko na kami talaga yung tinitingnan niya kanina.

Kung hindi sana to nangyari nagbabonding pa sana kaming anim ngayon. Maybe bukas na lang ulit I'm not in that mood din naman kasi.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now