4 - Trouble

170 13 4
                                    

“Uy ano ‘tong naririnig ko? You and Drei?”, Mich asked while she and Tin were walking their way to a nearby cake shop. The two of them volunteered to buy the cake for Gyra’s surprise birthday dinner at the dorm.


Tin simply shook her head.


“Sabi nga nila, diba. Don’t believe everything you hear.”, sagot niya sa kaibigan.


“Pero friends kayo?”, Mich asked again.


“Di rin. I’m tutoring him, that’s all.”, Tin replied.


Mich gave her a look of disbelief.


“Bakit parang ang dalas ng sessions niyo? At wag ako Tin ha. I heard him calling you ‘Mom’ at the library noong isang araw.”


“Really, it’s nothing.”, Tin insisted. “Nanttrip lang yun.”, dagdag pa niya.


“Speaking of the devil.”, biglang sabi ni Mich.


Napatingin si Tin sa direksyong tinitingnan nito at nakita si Andrei na tumatakbo papalapit sa kanila. Bigla siyang naging alerto lalo nang makita niya ang seryosong mukha ng binata.


Andrei was running so fast as if someone was chasing after him. When he ran past the two girls, Tin noticed a group of guys approaching their direction.


Hinahabol nga siya! But why? And who in the world are these guys? Bakit ang dami nila? Tin had no time to think as she instantly adjusted her cap to hide her face.


“Mich, on three, sigaw ka ng magnanakaw.”, bulong niya sa katabi.


Gulat na napatingin sa kanya ang kaibigan.


“Totoo ka ba?!”


“The loudest you can make.”, Tin nodded firmly.


“Huy Tin-”


“One.”


“Teka-”


“Two.”, Tin continued.


“Hoy-”


“Three.”


“MAGNANAKAW!!!”, sigaw ni Mich sa gulat nang biglang hablutin ni Tin ang purse na hawak niya. Tin sped away, opposite the direction of Andrei and the guys who were chasing after him. She ran with all her might, not looking back, for fear that someone else would recognize her. As an agent, Tin was trained for sprints that it’s impossible for just anyone to catch her.


Nagpasikot-sikot siya ng takbo hanggang sa nakakita siya ng bookstore at doon mabilis na pumasok. Inalis niya ang suot na sumbrero at mabilisang nagsuklay gamit ang mga daliri. Dumirecho siya sa pinakamalayong section. Ilang segundo ang lumipas na naghahabol lang siya ng hininga.


Pagkatapos ay inilabas niya ang mahabang cardigan mula sa suot niyang backpack at saka sinuot yon. Ipinasok din niya sa loob ng bag ang purse ni Mich bago sinilip ang cellphone. She dialled Mich’s number and the latter answered on the first ring.


“Hoy bruha ka! Where the heck are you?!”, bungad sa kanya ni Mich.


“Calm down, I’m safe.”


“Anong calm down sinasabi mo diyan! Yung frat na nanghahabol kay Andrei, biglang ikaw ang hinabol, alam mo ba yon?!”


“Frat? Those guys were from a frat?”


Your Guardian AngelWhere stories live. Discover now