02

106 6 0
                                    

Panibagong buwan na naman, at ngayong buwan ay walang Luis akong malalapitan. Although matatawagan ko siya, pero ayokong mang-istorbo.

Nag-hire din siya ng maaasahang katulong sa bahay. Isa para sa gawaing bahay at isa para mag nanny ni Cobain.

Linggo kaya hindi ko feel na maghanap ng trabaho ngayon. I'm spending my time sa anak ko at sa kapatid ko.

"Mommy! Where's dadddddy?!" Sigaw ni Cobain habang tumatakbo patungo saakin.

Sinalubong ko ito at kinarga. "Ako na manang," sabi ko sa nanny niya.

I let him sit sa lap ko and he seemed upset dahil wala nga ang daddy niya. "Cobain, I told you diba? Daddy Luis is away for work. It will be months before he comes back and if he does, you'll have new toys. Diba you like toys?"

Tumango ito habang medyo naka-pout.

"We'll just have to wait for Daddy. It won't be long," sabi ko.

"If daddy comsh back, I get toys. But mommmmmm!" He said with him squeezing his own face. "Let's go find daddy!"

"Cobain, daddy is at work. How about we go to kuya Ryan's room and play there?"

Bigla siyang na-excite at siya pa naunang umakyat sa hagdan. Sobrang hirap magpalaki ng bata pero masaya din ito.

*phone rings*

Tiningnan ko cellphone ko and it was Josh. Ano nanaman kaya ang paandar ni bakla ngayon?

"Hello?" Sagot ko.

"Hoy bakla! May bagong open na spot sa company namin baka gusto mo?!" excited na sabi nito.

"Ano ba hinahanap bakla? Call center ba iyan? Baka mahirapan ako? Eight hours or ten hours?" Sunod-sunod kong tanong.

"Parang call center lang naman eh kaya halika na kasi urgent eh!"

"Eh bak—"

Binabaan na ako ni bakla! Chineck ko ang chatbox namin at nag send siya ng picture ng mga requirements. Hay naku!

"Manang! Manang Fey!" Tawag ko kay manang.

"Po? Ma'am?"

"Manang, paki-bantay kay Cobain ha? May lalakarin lang ho kasi ako. Pag ayaw tumahan sa pag-iyak bigay niyo nalang kay Ryan," sabi ko't umakyat na sa taas para magbihis.

Pag-katapos kong magbihis ay umalis na ako. Gusto ko mang hiramin ang kotse ni Luis kaso hindi ako marunong mag-drive.

So nag-commute ako at sa tapat ng building ay nandoon agad si Josh. Nilapitan ko si bakla.

"Bakla! Pasensya na at sobrang sudden pero kasi you know gusto ko talagang nasa isang company tayo," sabi nito sabay pulupot sa braso ko.

"Ako nga dapat ang mag-pasalamat eh! Pero kasi kinakabahan ako bakla! Paano kung hindi pala ako fit do—"

"Shuttup bakla! Makukuha ka! Tiwala lang okay?!"

"Okay! Fighting tayo!"

"Iyan! Iyan ang gusto kong vibe ngayon! Pasok na tayo!"

So ayon nga at pumasok kami sa loob. Hindi naman karamihan ang nag-apply then I thought baka ang hirap mapasukan ng company na ito. Kaunti lang ang nandito.

"Uy, balik na ako sa itaas okay? Babalikan kita dito mamaya! Kaya mo ito!" Sabi ni Josh at binigyan ako ng hug tsaka siya umalis.

Pumunta ako sa front desk at nag-sign up tapos ay binigyan ako ng form. Nag fill up ako then they made me log in sa system nila. Pagkatapos ay pina-upo ako at tatawagin nalang daw ang pangalan.

So nag-hintay ako ng mga fifteen minutes hanggang sa tinawag ako at pinapasok sa isang cubicle.

"Hi! I'm Chris and I'm gonna be the one to interview you for today," sabi nito at nag-smile saakin. "So, tell me about yourself."

Siyempre nag smile muna ako then I said, "I'm Zeira Virtudaso blah blah blah"

Tinanong-tanong pa niya ako tungkol sa mga bagay bagay pati narin sa pagaalaga ng anak.

"Okay so Ms. Virtudaso, you are truly confident but you might have some troubles with the job because of your son. But the good thing is, I see a very trustworthy and very passionate employee within you so I will give you the chance to proceed to the next level of this interview."

Sobrang nasiyahan ako nang sabihin niya iyon.

"Please follow me," tumayo ito at pinasunod ako.

Pumunta kami sa isang room at pina-upo ako sa harap ng isang computer.

"Please answer the following, just read the instructions and then when you're done with lesson one proceed to the following okay?"

"Yes, sir," sabi ko at umalis na nga ito.

Ang rami-rami ng aking dapat na masagot. Pero kakayanin para sa kapatid at anak ko!

***

Natapos ako after almost an hour tsaka ako bumalik sa front desk. Tapos ay pina pasok pa ako sa isang cubicle again para tanong-tanongin ulit.

Now naghihintay na ako sa labas kung ano ang magiging kalabasan ng lahat ng mga test at interviews na dinaanan ko.

Ilang saglit pa ay tinawag ako sa front desk atsaka binigyan ng isang card.

"Congratulations Ms. Virtudaso, the final interview is at 10 PM tonight. Hope you make it," sabi ng babae.

Napa-isip ako, 10 PM? Seriously? Bakit hindi nalang nila edire-deritso? Baka later babalik ako pero hindi naman pala ako makukuha. Ganito ba talaga ang call center?

"Salamat po," sabi ko at naghintay nalang kay bakla sa labas ng building. Malapit na kasi mag-lunch eh.

••• Connor's POV•••

I drive my way to work at late nanaman ako because of hangover. I was turning, on my way to the parking lot and when I saw her. I immediately stepped on the brake.

No. It can't be her. Ini-reverse ko agad ang sasakyan and I looked at where she was and...

Three Rules, Three ChancesWhere stories live. Discover now