Katanungan

8 1 0
                                    

Unspoken Poetry 💕

ILang mga luha paba ang papatak mula saaking mga mata
Upang maramdaman mo lang na mahal na mahal kita
Ilang Sana paba ang dapat sabihin
Upang ang damdamin ko din ang iyong dinggin
Ilang bakit paba ang dapat itanong
Para lang sa muling pagkakataon
Ilang alak paba ang dapat inumin
Para makatulog lang ng mahimbing
Ilang tao paba ang dapat gamitin
Para makalimutan ang aking pinapanalangin
Ilang tao paba ang magsasabing "kung mahal mo ipaglaban mo"
Para ipaglaban mo naman ang pagmamahalan nating nabuo
Hanggang kailan ako magsusulat ng aking nararamdaman
Para lang iparating sayo na lubos parin akong nasasaktan
KAILAN tayo magiging matapang
Para naman saating nasimulan
Hanggang Kailan paba ako aasa
Ilang umaga pa ba ang dapat na dumaan
Para sa kakarampot na pag-asa
MAHAL hanggang kailan tayo madudusa
Ng dahil sa pagiging duwag nating dalawa
Hanggang kailan?
Paki sagot naman😔
Ang aking mga katanungan
Sana ikaw ay maging matapang
Upang relasyon natin ay mapag usapan,
Kung lalaban paba O susuko na sa pag iibigan nating dalawa,
Ako ay babaeng palaban
At ikaw naman ang lalaking aking pinakawalan
Magkaiba ang ang pinaglaban sa pinalaya nalang
Nagparaya ako dahil ramdam ko na hindi na ako ang nagpapasaya saiyo
Nagparaya ako dahil sobra ng naapakan ang pagkababae ko
Alam mo ba lahat ng it0?
Alam mo din kaya na humihikbi ako sa mga oras na ito
Alam mo na ikaw parin ang laman ng isip ko?
Ahhh! Dilang sa isip pati na sa puso kong ito,
Oo, naging kasalanan ko kasi dahil ako ay sumuko,
Pero alam mo ba nakapag ang babae ay sumuko na
Sobrang pagod na pagod na sila
Subalit bakit ikaw na lalaki
Sumuko lang dahil meron ng iba?
Tapos sa huli saakin ang sisi??
Well, Wala akong sinisisi saating dalawa
Yun nga lang sa mata ng iba pinagpalit kita
Di lang pinagpalit, niluko din daw kita
Diba pwedeng Pinanindigan ko lang ang taong nagbibigay saakin ng pag asa
Wala ba akong karapatang sumaya
Na dapat ikaw saakin ang nagpapadama
Pinanghawakan ko yung salita mong" IBA KA SA IBA"
Subalit anong nangyari bakit natapos din sa "KATULAD KARIN NILA"
Umasa akong ipagtatanggol moko mula sa pangungutya ng iba
Subalit Dumagdag kapa sakanila
Hinayaan mo akong mag dusa
kahit alam mo ang ugali ko mula sa umpisa
Nagpakita kapa na ikaw ang biktima
Kahit alam mo na ng nasaiyo pa ako lagi akong nagdudusa
Na sa bawat tampuhan nating dalawa
Natitiis mo ako at hinahayaang lumuha
Asan doon yung pangako mo na di mo ako susukuan?
Asan doon ang iyong pagmamahal ???
Asan na ba ang iyong konsyensya???
Sabagay way Iba kana pala.

~Bitterang Author 🍒

Ang Tula ni Bitter Where stories live. Discover now