Nakaraan

7 0 0
                                    

Unspoken Poetry 💕

Kailan pa ko lalaya
Kailan ako sasaya
Kailan mawawala ang sakit
Pati na yung pait
Pait ng iyong pag lisan
Pait ng masakit na nakaraan
Na nagmistulang kulungan
Kulungang nag silbing tahanan,
nais ko na sa nang kalimutan
Kalimutan yung hapdi
Mula sa aking pighati
Ngunit bakit
Bakit di ko kayang iwaglit
Tuluyan paring nakaukit
Lahat ng aking pasakit
Gabi gabing lumuluha
Ang aking mga mata
Mga luhang ayaw na talagang kumawala,
Ayaw ko na
Nakakapagod na
Gusto ko ng makawala
Sa nagmimistulang hawla
Hawla na hindi ko nmn nakikita
Ngunit di ko parin kayang makawala
Hawla na gawa ng pighati
Mga kadenang nakatali
Walang niisa ang nakaka kita ng susi,
Di ko na kaya
Di ko na kayang mabuhay pa
Sa kulungkutang aking na darama,
Kulungan ng aking nakaraan
Nakaraan na ayaw akong bitawan
Nakaraan kung saan ko naranasan
Kung saan panu ako sinaktan nang lubusan,
Ng tadhanang aking inaasahan na Sana tayo ay Hindi pag ka isahan.

~Bitterang Maganda 💕

Ang Tula ni Bitter Where stories live. Discover now