Walang Tayo

3 1 0
                                    

Spoken Word Poetry🍒

Kamusta kana? Okay ka lang ba?
Gusto kita makausap pero paano nga ba?
Natatakot akong balewalain mo lang ako
Pero pipilitin kong magpakatanga para lang sayo
Aaminin ko sayo ikaw pa rin ang tinitibok nito
Pangalan mo pa rin ang  sinisigaw ng puso ko
Naaalala ko pa, nung mga araw na nakakausap pa kita
Tila ba'y ikaw ang nagbibigay ngiti sa aking mga labi,
At ikaw, ang nag bibigay kulay sa aking Buhay,
Pero naguluhan ako,
Tila ba'y ika'y nagbago mahal ko
Sinubukan kong tanungin ka,
Kung bakit tila nagbago kana
Nagulat ako sa mga sinambit mo
Na iba ang nagpapatibok ng puso mo
Natauhan ako sa mga nalaman ko
Napagtanto ko na wala palang tayo
Sobrang sakit ng mga nalaman
Mula sa mga bunganga mo!
Pero Salamat at naging parte ka ng buhay ko, dahil kung wala ka edi Wala akung mundo,(Charoot)
Kahit walang tayo.

~bittersweet Author 🍒

Ang Tula ni Bitter حيث تعيش القصص. اكتشف الآن